02/03/2026
‼️DOH ROUTINE IMMUNIZATION, MAGPAPATULOY PARA MABIGYAN NG PROTEKSYON SA TIGDAS AT TIGDAS HANGIN ANG MGA BATA‼️
Nananatili man sa 82%, umakyat sa 2,347,562 ang huling bilang ng batang edad 6–59 buwan (wala pang 5 taong gulang) ang nabakunahan sa buong Mindanao at BARMM laban sa tigdas at tigdas hangin.
Una nang nagbabala ang DOH sa mataas na posibilidad ng measles outbreak sa Mindanao at BARMM dahil sa hindi naabot na 95% target. Mula sa target, nasa 510,547 bata ang hindi protektado kontra tigdas at tigdas hangin.
Paalala ng DOH, nagtapos man ang Phase 1 ng Ligtas Tigdas, tuloy-tuloy pa rin ang regular na bakunahan sa buong bansa. Kumpletuhin ang 2 doses ng bakuna kontra tigdas maging ang iba pang bakuna bago mag-isang taon ang bata.
Makipag-ugnayan sa mga health worker sa inyong lugar para sa schedule ng bakunahan ng inyong anak.