04/08/2026
Kafalah System sa BARMM, isinusulong ng MSSD
Koronadal City — Isinusulong ng MSSD ang pagtataguyod ng Kafalah System sa Bangsamoro region kasunod ng isinagawang dalawang araw na roundtable consultation noong Hulyo 28–29, 2026, nitong lungsod.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan, mga child rights advocates, mga eksperto sa batas, mga religious leaders, at mga development partner. Tinalakay sa konsultasyon ang kasalukuyang kalagayan ng alternative child care sa BARMM, kabilang ang mga hamon at oportunidad sa pagbuo ng sistemang Kafalah.
Kasunod nito, pagsasama-samahin ng MSSD ang mga rekomendasyon mula sa consultation bilang batayan sa pagbuo ng opisyal na polisiya at mga kaugnay na programa ng Kafalah System sa Bangsamoro. Magpapatuloy rin ang Ministry sa pagsasagawa ng mga technical consultation at pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na ahensya upang mabuo ang mga kinakailangang polisiya at programa para sa pagpapatupad ng sistemang Kafalah sa rehiyon. (MJS/ICD)
📌Follow MSSD for more updates!
FB: https://facebook.com/MSSDBangsamoro/
IG: https://www.instagram.com/mssdbangsamoro/
X: https://x.com/MSSDBangsamoro
YT: https://www.youtube.com/
Tiktok: https://www.tiktok.com/.barmm