Sa BaPa Ako

Sa BaPa Ako Sa BaPa Lahat kasali! Sa BaPa walang maiiwan

Patuloy ang house-to-house campaign ng Bangsamoro Party (BaPa) sa Barangay Tubig Boh, Sitio Thumb Hill, at Barangay Suma...
03/09/2026

Patuloy ang house-to-house campaign ng Bangsamoro Party (BaPa) sa Barangay Tubig Boh, Sitio Thumb Hill, at Barangay Sumangday, Panglima Sugala, Tawi-Tawi.

Sa bawat bahay na aming binibisita, dala namin ang mensahe ng pagkakaisa, pagbabago, at tunay na serbisyo para sa Bangsamoro. Patuloy naming ipinapakilala ang adhikain ng BaPa at nakikinig sa boses, pangangailangan, at mga hangarin ng ating mga kababayan.

Walang malayo para sa BaPa. Basta para sa Bangsamoro, pupuntahan! ❤️

03/09/2026
📚 BaPa Voters Education | MAMALU TRIBAL ORGANIZATION (MTO)Ngayong araw, nagsagawa ang Bangsamoro Party (BaPa) ng isang V...
03/09/2026

📚 BaPa Voters Education | MAMALU TRIBAL ORGANIZATION (MTO)

Ngayong araw, nagsagawa ang Bangsamoro Party (BaPa) ng isang Voters Education para sa mga lider ng Mamalu Tribal Organization (MTO) na binubuo ng iba’t ibang chapters mula sa:

Awang Chapter, KM. 11 Chapter, Green Hills Chapter, Paningusan Chapter, Sitio Rebuk Chapter, Labungan Chapter, Kinebeka Chapter, Sibuto Chapter, Tenonggos Chapter, Temendoro Chapter, Kinetaan Chapter, Kiga Chapter, Bungcog Chapter, Upper Tinungkaan, Proper Tinungkaan, Tapian Chapter, Kusiong Chapter, Badak Chapter, Pura Chapter, at Cotabato City.

Ang nasabing voters education ay pinangunahan ni Naguib “Rolly” Solano, BaPa Chapter President ng Maguindanao del Norte.

Dinaluhan ito ng mga chapter leaders ng MTO na nagmula sa iba’t ibang lugar, na naglalayong mas mapalawak ang kaalaman ng bawat isa tungkol sa proseso ng pagboto, kahalagahan ng bawat boto, at responsibilidad ng isang botante sa darating na halalan.

Sa BaPa, mahalaga ang bawat boses. Mahalaga ang bawat boto. 🗳️

BaPa — Boses ng mga Maliit, Para sa Bangsamoro!

BaPa para sa lahat 💪😎

Patuloy ang pag-iikot at pakikipag-ugnayan sa mga komunidad ni BaPa Secretary General, MP Adzfar H. Usman. Kahapon, kani...
01/09/2026

Patuloy ang pag-iikot at pakikipag-ugnayan sa mga komunidad ni BaPa Secretary General, MP Adzfar H. Usman. Kahapon, kanilang nilibot ang tatlong barangay sa Tawi-Tawi barangay Karungdong, Ipil, at Ungus-Ungus—upang makausap ang mga kababayan at maipakilala ang adbokasiya at layunin ng Bangsamoro Party (BaPa).

Kasama rin sa pag-iikot ang mga kapwa nominee ng BaPa sa nasabing lugar, na patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga residente at nakikinig sa kanilang mga hinaing at pangangailangan.

Hindi titigil ang BaPa sa paglapit sa bawat komunidad.

Sa bawat barangay, sa bawat pamilya, at sa bawat Bangsamoro BaPa ang kasama!

31/08/2026

BAKIT KAILANGAN ANG BaPa SA BARMM?

Malaki ang naging bahagi ng MNLF sa mahabang pakikibaka para sa karapatan at sariling pagpapasya ng Bangsamoro. Sa proseso ng MNLF-MILF Convergence, naging bahagi rin ang mga adhikain ng MNLF sa paghubog ng Bangsamoro peace process.

Kaya kung pinag-uusapan ang kinabukasan ng Bangsamoro, hindi dapat kalimutan ang kasaysayan at ambag ng MNLF.
At dito pumapasok ang BaPa.

Ang BaPa—Bangsamoro Party—ay nagsusulong na manatiling buhay ang boses, adhikain at representasyon ng mga Bangsamoro sa Parliament.

Kung ang MNLF ay bahagi ng kasaysayan ng ating pakikibaka, ang BaPa ay bahagi ng ating laban para sa kinabukasan.

MNLF ang ugat.

BaPa ang boses.

Bangsamoro ang puso.

Kaya kailangan ang BaPa sa BARMM!


30/08/2026

BAkit BaPa?

Dahil ang Bangsamoro People ay nangangailangan ng tinig.

Isang tinig na may kasaysayan.

Isang tinig na may paninindigan.

Isang tinig na hindi nakakalimot sa nakaraan ngunit handang humarap sa kinabukasan.

Mula sa pakikibaka, tungo sa pagkakaisa.

Mula sa adhikain, tungo sa aksyon.

Mula sa kasaysayan, tungo sa kinabukasan.

Dahil Ang BaPa Mahal Ang Bangsamoro

Basta BaPa, LAHAT KASALI!

BAKAS NG PAGKAKAISA AT KAPAYAPAAN SA BASILAN! 🕊️Matagumpay na nagsagawa ng Peace Rally ang BaPa Basilan Chapter sa pamum...
30/08/2026

BAKAS NG PAGKAKAISA AT KAPAYAPAAN SA BASILAN! 🕊️

Matagumpay na nagsagawa ng Peace Rally ang BaPa Basilan Chapter sa pamumuno ni Deputy Chief Minister for Island Provinces, MP Hatimil Hassan, kasama sina dating Member of Parliament Muslimin Jakilan, Abdulmuhmin Mujahid, at iba pang mga nominee ng Bangsamoro Party (BaPa) sa Basilan.

Dinaluhan din ang nasabing makabuluhang pagtitipon nina BaPa 1st Nominee Atty. Omar Yasser C. Sema at BaPa 3rd Nominee BaiAli S. Karon, na bumiyahe pa mula sa Mainland upang makiisa sa panawagan para sa kapayapaan, pagkakaisa, at isang mas maunlad na Bangsamoro.

Walang malayo para sa BaPa—basta para sa Bangsamoro, pupuntahan! 🤝🕊️

SA BAPA WALANG MAIIWAN 💪😎

Walang malayo para kay BaPa 1st Nominee Atty. Omar Yasser C. Sema. Basta kaya puntahan, pupuntahan para makadaupang-pala...
29/08/2026

Walang malayo para kay BaPa 1st Nominee Atty. Omar Yasser C. Sema. Basta kaya puntahan, pupuntahan para makadaupang-palad ang ating mga kababayan at patuloy na isulong ang kapayapaan at pagkakaisa ng Bangsamoro.

Para sa Bangsamoro. Para sa Kapayapaan. Para sa Kinabukasan.

VOTERS’ EDUCATION SA IRANUN AREASKahapon ay matagumpay na isinagawa ang Voters’ Education para sa mga Iranun Areas na bi...
29/08/2026

VOTERS’ EDUCATION SA IRANUN AREAS

Kahapon ay matagumpay na isinagawa ang Voters’ Education para sa mga Iranun Areas na binubuo ng Parang, Buldon, Barira, at Matanog, na ginanap sa Molina Resort.

Dinaluhan ito ng mga BaPa members at MNLF members mula sa nasabing mga lugar, sa pangunguna ni BaPa First Nominee Atty. Omar Yasser C. Sema.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga botante tungkol sa kanilang mga karapatan at responsibilidad, at higit sa lahat, ang kahalagahan ng pagiging responsable, mapanuri, at matalinong botante sa darating na halalan.

Patuloy ang BaPa sa pagsusulong ng voters’ education at community engagement upang mas maging handa at mulat ang ating mga kababayan sa kanilang mahalagang papel sa halalan.

Mulat na botante, matalinong pagpili, para sa mas magandang kinabukasan ng Bangsamoro.

FYI: IF EVER NA MAG CHAT SA INYO , THIS IS A FAKE ACCOUNT
26/08/2026

FYI: IF EVER NA MAG CHAT SA INYO , THIS IS A FAKE ACCOUNT

Address

Cotabato City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sa BaPa Ako posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share