10/08/2021
Laborer, huli sa entrapment ops!
Midsayap, Cotabato – HIMAS REHAS na ang isang 20 anyos na lalaki makaraang nahuli ito ng mga kapulisan sa inilunsad na drug buy bust operation, araw ng Lunes, sa Purok 9, Barangay Villarica ng bayan.
Inaresto ang isang Jade Taypin Carob, alyas “Iko”, na residente ng Barangay Central Katingawan.
Una rito, nakipagkasundo si alyas “Iko” na bentahan ng isa (1) maliit na sachet ng shabu ang police asset na nagpanggap bilang poseur buyer.
Nang makumpirma na iligal na droga ang nakuha mula sa suspek, agad na inaresto ito ng mga awtoridad.
Muli ring nabawi mula sa kanya ang P1,000 bill marked money na ginamit sa operasyon.
Sinampahan na ng mga awtoridad ang suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.