01/06/2026
๐ฆ๐ ๐๐๐ง๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐จ๐ก๐๐๐ข๐ง, ๐ ๐๐ฌ ๐๐จ๐ ๐๐ฅ๐๐ง๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐ง๐จ๐๐ข๐ก๐
May mga pagkakataong ang isang tawag para sa emergency o ang pangangailangan ng isang pamilyang nagdadalamhati ay nangangailangan ng agarang aksyon. Sa mga sandaling ito, malaking ginhawa ang naibibigay ng ating Barangay Rescue Vehicle.
Dahil dito, muli pong nagpapasalamat ang Barangay Rosary Heights X sa BARMM, lalo na sa ating Interim Chief Minister Abdulraof "Sammy Gambar" A. Macacua at MILG Minister Jordan S. Bayam, sa kanilang malasakit at suporta sa ating barangay.
Hindi kami magsasawang magpasalamat kay ICM Abdulraof "Sammy Gambar" A. Macacua sa pagkakaloob ng rescue vehicle na patuloy na nagsisilbi at nagbibigay ng pag-asa sa mga residenteng nangangailangan. Ang bawat pasyenteng naihahatid sa ospital at bawat pamilyang natutulungan ay patunay ng malaking epekto ng programang ito sa aming komunidad.
Mula sa pamunuan ni Punong Barangay Najm Nur "Tato" G. Sinarimbo at sa buong Barangay Rosary Heights X, maraming salamat po sa serbisyong tunay na ramdam ng mamamayan.
Alhamdulillah at maraming salamat po! ๐