05/09/2026
๐๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ข๐ก๐๐ง๐ ๐๐๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฉ๐ข, ๐๐ข๐ง๐๐ฉ๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐
๐๐-๐๐๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐๐๐ง๐๐จ
Hindi lamang sipag at puhunan ang kailangan upang mapalago ang isang kabuhayan. Mahalaga rin ang kaalaman sa wastong pamamahala ng pera upang matiyak na ang kinikita ay nagagamit nang maayos at nakatutulong sa patuloy na pag-unlad ng negosyo.
Ito ang isa sa mga kasanayang binibigyang-diin ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR)-Maguindanao sa isinagawang Training on Financial Literacy for the Empowered Women Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) noong Setyembre 2โ3, 2026 sa Pagana Kutawato Native Restaurant, Cotabato City.
Lumahok sa dalawang araw na pagsasanay ang 30 kababaihang ARBs na kabilang sa apat na kooperatiba mula sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.
Sa pamamagitan ng pagsasanay, natutuhan ng mga kalahok ang mga pangunahing konsepto ng financial literacy, financial budgeting, at bookkeeping upang higit nilang maunawaan ang tamang pagtatala ng mga transaksyon, pagsubaybay sa kita at gastusin, at paggawa ng mga desisyong makatutulong sa pagpapatuloy at pagpapalago ng kanilang mga negosyo.
Bukod sa mga pangunahing kaalaman sa pamamahala ng pananalapi, ipinakilala rin sa mga kalahok ang MAFARLEND at Sagip Saka, na maaaring magsilbing karagdagang suporta sa kanilang mga gawaing pangkabuhayan at pagpapaunlad ng negosyo.
Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni MAFAR-Maguindanao Chief Agrarian Reform Program Officer at kasalukuyang Assistant Provincial Director for MDN Nur Amin Calutiag, at sa pangunguna ni Supervising Agrarian Reform Program Officer Bai Shaharazad Lidasan, kasama si MAFAR-Municipal Officer Adam Evaristo at iba pang mga kawani ng MAFAR-Maguindanao.
Sa pamamagitan ng naturang pagsasanay, hindi lamang kaalaman tungkol sa pera ang nais maibahagi sa mga kababaihang ARBs, kundi maging ang kahalagahan ng pagiging ๐ฆ๐๐ข๐ง๐ ๐๐ญ, ๐ซ๐๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐๐๐ฅ๐, ๐๐ญ ๐ฆ๐๐๐ข๐ฌ๐ค๐๐ซ๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ ๐๐ฆ๐ข๐ญ ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐ค๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ค๐ข๐ญ๐. Sa ganitong paraan, mas nagiging handa silang gumawa ng wastong desisyong pinansiyal na makatutulong sa pagpapatatag at pagpapaunlad ng kanilang mga kabuhayan.