18/02/2026
UNYPAD NCC1, nagsagawa ng Pre-Ramadan Islamic Symposium sa Tumbras
TUMBRAS, BARMM – Matagumpay na nagsagawa ang UNYPAD NCC1 ng isang Pre-Ramadan Islamic Symposium noong Pebrero 17, 2025, sa pakikipagtulungan ng Tumbras BLGU at Wata na Kadayangan, na may temang “A Month of Ramadan is Full of Blessings and Meaning.”
Dumalo sa nasabing aktibidad ang kabuuang 505 kalahok mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad.
Nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at paalala kaugnay sa kahalagahan at paghahanda sa buwan ng Ramadan ang mga panauhing tagapagsalita na sina Ustadz Mansor Alilaya mula sa UNYPAD National Committee on Da’wah, Ustadz Sarato Pasante ng Provincial Da’wah NCC1, Ustadz Datuan Lumambas, at Ustadz Mansor Ambukid ng UNYPAD Kadayangan Committee on Da’wah.
Naging matagumpay ang symposium sa suporta ng Tumbras BLGU sa pangunguna ni Fatima Mokamad, NCC1 Chairman Makon P. Gumaga, Wata na Kadayangan sa pamumuno ni Norodin Zainal, at WAC na pinamumunuan ni Noraina Madendog.
Layunin ng aktibidad na palalimin ang pag-unawa ng komunidad sa espiritwal na kahalagahan ng Ramadan at hikayatin ang mas makabuluhang paghahanda para sa banal na buwan.