The MORO Millenia

The MORO Millenia UNYPAD re-established its communication group called "The Moro Millenia", UNYPAD Communication Affairs and Arts.

It will serve as the Official Publisher of UNYPAD programs, activities, advocacies among other.

11/03/2026

BMN Live | Ramadhan Symposium organized by the UNYPAD, March 11, 2026/Ramadhan 21, 1447AH held at Jamiat Cotabato and Institute of Technology (JCIT) Covered Court, Datu Mokamad Road, MB Tamontaka, Cotabato City, BARMM.

Topic: Yawm Al-Qiyamah (Day of Resurrection)
Speaker: Shayk Harris Mamengkog

UNYPAD NCC1, nagsagawa ng Pre-Ramadan Islamic Symposium sa TumbrasTUMBRAS, BARMM – Matagumpay na nagsagawa ang UNYPAD NC...
18/02/2026

UNYPAD NCC1, nagsagawa ng Pre-Ramadan Islamic Symposium sa Tumbras

TUMBRAS, BARMM – Matagumpay na nagsagawa ang UNYPAD NCC1 ng isang Pre-Ramadan Islamic Symposium noong Pebrero 17, 2025, sa pakikipagtulungan ng Tumbras BLGU at Wata na Kadayangan, na may temang “A Month of Ramadan is Full of Blessings and Meaning.”

Dumalo sa nasabing aktibidad ang kabuuang 505 kalahok mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad.

Nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at paalala kaugnay sa kahalagahan at paghahanda sa buwan ng Ramadan ang mga panauhing tagapagsalita na sina Ustadz Mansor Alilaya mula sa UNYPAD National Committee on Da’wah, Ustadz Sarato Pasante ng Provincial Da’wah NCC1, Ustadz Datuan Lumambas, at Ustadz Mansor Ambukid ng UNYPAD Kadayangan Committee on Da’wah.

Naging matagumpay ang symposium sa suporta ng Tumbras BLGU sa pangunguna ni Fatima Mokamad, NCC1 Chairman Makon P. Gumaga, Wata na Kadayangan sa pamumuno ni Norodin Zainal, at WAC na pinamumunuan ni Noraina Madendog.

Layunin ng aktibidad na palalimin ang pag-unawa ng komunidad sa espiritwal na kahalagahan ng Ramadan at hikayatin ang mas makabuluhang paghahanda para sa banal na buwan.

UNYPAD at Save the Children Nagsagawa ng River Assessment sa Central Labas sa Ilalim ng ACCESS ProjectSGA BARMM — Nagsag...
12/02/2026

UNYPAD at Save the Children Nagsagawa ng River Assessment sa Central Labas sa Ilalim ng ACCESS Project

SGA BARMM — Nagsagawa ng transect walk ang United Youth for Peace and Development (UNYPAD) katuwang ang Save the Children noong Pebrero 11, 2026 sa kahabaan ng ilog sa Barangay Central Labas bilang bahagi ng ACCESS Project, isang consortium initiative na naglalayong palakasin ang disaster preparedness ng mga komunidad.

Sinuri sa aktibidad ang kalagayan ng ilog mula sa entrada hanggang sa labasan patungong marsh area. Ang naturang daluyan ng tubig ay bahagi ng downstream system na konektado sa Libungan River at matagal nang itinuturong isa sa mga pangunahing sanhi ng pagbaha sa barangay tuwing may malalakas na pag-ulan sa mga upstream areas.

Layunin ng transect walk na magkaroon ng aktuwal na obserbasyon sa kondisyon ng ilog upang mapataas ang kamalayan ng komunidad at mapalakas ang kanilang kahandaan laban sa posibleng pagbaha.

Ayon kay Mr. Makon Gumaga, UNYPAD Project Coordinator, mahalaga ang aktibong partisipasyon ng komunidad sa pagtukoy ng mga panganib sa kanilang lugar dahil dito nagsisimula ang maayos na paghahanda.

Samantala, sinabi ni Mr. Stanley Lledo, Project Coordinator ng Save the Children, na bahagi ang aktibidad ng mas malawak na layunin ng ACCESS (Assisting the Most Vulnerable Communities and Schools Affected by Complex Emergencies in Accessing Quality and Timely Humanitarian and Disaster Preparedness Services) Project na tulungan ang mga bulnerableng komunidad na maging mas matatag laban sa sakuna at epekto ng climate change.

Lumahok sa aktibidad ang Barangay Local Government Unit (BLGU), mga lider-komunidad, at iba pang sektor upang matukoy ang mga flood-prone areas at makabuo ng mas maayos na plano para sa disaster risk reduction sa barangay.

🩸 MAGBIGAY-BUHAY. MAGING BAYANI.Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa 8th Bloodletting Session ng United Youth for ...
30/01/2026

🩸 MAGBIGAY-BUHAY. MAGING BAYANI.

Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa 8th Bloodletting Session ng United Youth for Peace and Development (UNYPAD), katuwang ang Cotabato Regional Medical Center.

✨ Bawat patak ay mahalaga.
✨ Bawat donor ay may buhay na naililigtas.

Kung ikaw ay malusog at handang tumulong, tara na at mag-donate ng dugo. Isang simpleng hakbang, malaking pag-asa para sa kapwa.

📅 Enero 31, 2026 | 8:00 AM – 12:00 NN
📍 UNYPAD National Office, Rosales St., RH-6, Cotabato City

Sama-sama tayong maglingkod. Sama-sama tayong magligtas ng buhay.

TPMT 56th Monitoring SessionA breakfast meeting with M**F Panel Chair Mohagher Iqbal and members, conducted on 14 Januar...
28/01/2026

TPMT 56th Monitoring Session

A breakfast meeting with M**F Panel Chair Mohagher Iqbal and members, conducted on 14 January 2026 as part of the Third Party Monitoring Team’s 56th Monitoring Session, in the course of monitoring the implementation of the GPH–M**F Peace Process.

TPMT 56th Monitoring SessionAs the initial engagement of the Third Party Monitoring Team’s 56th Monitoring Session, cour...
25/01/2026

TPMT 56th Monitoring Session
As the initial engagement of the Third Party Monitoring Team’s 56th Monitoring Session, courtesy meetings and discussions were held with Member of Parliament Abdullah “Cmdr. Bravo” Macaapar and Member of Parliament Basit "Jannati Mimbantas" Abbas on 13 January 2026, following the Team’s arrival in BARMM, as part of the monitoring of the implementation of the GPH–M**F Peace Process.

UNYPAD’s Thelma Aisha Ali, Pinuri sa Youth Leadership Forum sa JejuJEJU, SOUTH KOREA — Pinuri ng Women’s Peace and Human...
11/12/2025

UNYPAD’s Thelma Aisha Ali, Pinuri sa Youth Leadership Forum sa Jeju

JEJU, SOUTH KOREA — Pinuri ng Women’s Peace and Humanitarian Fund (WPHF) at UN Women si Thelma Aisha Ali, Project Officer ng UNYPAD-DMC para sa WAPRC Project at Chairwoman ng UNYPAD Cotabato City WAC, matapos siyang maging guest speaker at facilitator sa “Peace Is All of Us” Youth Leadership Forum sa Jeju, South Korea.

Ayon kay Tonni Brodber ng WPHF, ang mga pananaw ni Ali sa youth-led peace initiatives ng Pilipinas ay nagpapakita na ang kabataan ay handa nang manguna at kailangan lamang ng espasyo upang makagawa ng epekto.

Sinabi naman ni Adriana Csik ng UN Women/WPHF na si Ali ay nagbigay ng mahahalagang punto sa pagprotekta ng kultura, pagpapahalaga sa kasaysayan, at papel ng digital activism sa peacebuilding.

Ibinahagi ni Ali ang karanasan ng Bangsamoro sa women empowerment, RAPWPS, at decolonial activism sa harap ng mahigit 100 kabataang delegado mula sa iba’t ibang paaralan sa Jeju.

Ang WAPRC Project ay pinopondohan ng UN Women sa pamamagitan ng WPHF.

M**F Chairman AL Hadj Murad Ebrahim Nanawagan ng Sama-samang Pagkilos para sa Katotohanan, Katarungan, at Pagkakasundo s...
09/12/2025

M**F Chairman AL Hadj Murad Ebrahim Nanawagan ng Sama-samang Pagkilos para sa Katotohanan, Katarungan, at Pagkakasundo sa Paglulunsad ng TJR Roadmap

DARAPANAN, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte — Nanawagan si Al Haj Murad Ebrahim, Tagapangulo ng Moro Islamic Liberation Front (M**F) at Pangulo ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP), ng sama-samang pagkilos upang isulong ang katotohanan, katarungan, at kolektibong paggaling ng mga komunidad sa pormal na paglulunsad ng Transitional Justice and Reconciliation (TJR) Roadmap noong Disyembre 9, 2025 sa Darapanan Gymnasium.

Sa kaniyang keynote speech sa aktibidad na pinangunahan ng Government of the Philippines–M**F Technical Working Group on Transitional Justice and Reconciliation (TWG-TJR), inilarawan ni Murad ang okasyon bilang isang mahalagang yugto sa proseso ng kapayapaan, at binigyang-diin na ang tunay na kapayapaan ay hindi natatapos sa pagwawakas ng armadong tunggalian.

“Kinikilala ng roadmap na ito na ang tunay na kapayapaan ay hindi lamang tungkol sa pagtatapos ng karahasan, kundi sa pagtugon sa mga sugat ng nakaraan at sa pagbubuo ng tulay sa pagitan ng mga komunidad,” ani Murad.

Ipinaliwanag din niya na alinsunod sa Normalization Annex ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), inaatasan ang pagtatatag ng mga mekanismo ng transitional justice upang imbestigahan at itala ang mga lehitimong hinaing, historikal na kawalang-katarungan, paglabag sa karapatang pantao, at patuloy na marginalisasyon na naranasan ng mga Bangsamoro at mga Katutubong Mamamayan. Gayunman, pitong taon na mula nang ilathala ang ulat ng TJRC, marami pa rin aniya sa mga rekomendasyon nito ang hindi lubusang naipapatupad.

Binigyang-diin ni Murad na ang transitional justice ay hindi lamang usapin ng pananagutan, kundi pagbabalik ng dignidad sa mga biktima, pagkilala sa kanilang pagdurusa, at pagtitiyak ng kanilang mga karapatan. Ayon sa kanya, ang TJR Roadmap ay nagsisilbing gabay sa pagsasagawa ng truth-telling, pagbibigay-lunas at reparasyon, pagsusulong ng dayalogo sa komunidad, at pagpapatatag ng proseso ng pagkakasundo—na may paggalang sa kultura at kasaysayan ng Bangsamoro.

“Ang pagkakasundo ay hindi isang pangyayari kundi isang proseso,” giit ng M**F Chairman, sabay sabing nangangailangan ito ng tiyaga, empatiya, at lakas ng loob upang maunawaan ang pinagdaraanang karanasan ng bawat isa. Layunin ng roadmap na maglikha ng ligtas na espasyo kung saan ang dating magkakalaban ay maaaring magtipon, makinig, at muling bumuo ng ugnayang nakabatay sa pag-uunawaan at paggalang.

Pinuri rin ni Murad ang hakbang ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament sa pagbalangkas ng panukalang batas para sa pagtatatag ng Bangsamoro Transitional Justice and Reconciliation Commission. Kasabay nito, hinimok niya ang Pambansang Pamahalaan at ang Kongreso na magpatibay ng batas na lilikha ng isang National TJR Commission upang higit na mapalakas ang institusyonalisasyon at suporta sa antas pambansa.

Iginiit ni Murad na ang katarungan at pagkakasundo sa Bangsamoro ay hindi lamang isyung panrehiyon, kundi mahalagang bahagi ng kapayapaan at katatagan ng buong bansa.

Ang paglulunsad ng TJR Roadmap ay hudyat ng panibagong kabanata sa GPH-M**F peace process, na nananawagan sa pamahalaan, civil society, tradisyunal na mga lider, kabataan, at internasyonal na komunidad na pagtibayin ang kooperasyon at gawing kongkretong hakbang ang mga pangako.

“Sama-sama nating igalang ang nakaraan at buong tapang na magpatuloy upang maitayo ang isang Bangsamoro kung saan ang bawat isa ay namumuhay nang may dignidad, kapayapaan, at kalayaan,” pagtatapos ni Murad.

14/11/2025

Address

Purok Pinnen, Rosales Street , RH-6
Cotabato City
9600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The MORO Millenia posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to The MORO Millenia:

Share

#YESTAYOSABOL

We Believe that we can be part of change, change for the Peaceful and a Well Develop Bangsamoro Society in the Future by saying Yes tayo sa Bangsamoro Organic Law. And we also hope that you are also be one of us in believing that change is within our reach in sha Allah.