20/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ซ๐ฒ๐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ง๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐ ๐๐จ๐๐จ๐ง๐ฎ๐ญ ๐
๐๐ซ๐ฆ๐๐ซ๐ฌ ๐๐๐ก๐จ๐ฅ๐๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ, ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐๐๐ง๐๐จ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐๐๐๐ข๐๐
COTABATO CITY โ Nagsagawa ang MBHTE-TESD Maguindanao Provincial Office, katuwang ang Philippine Coconut Authority (PCA), ng serye ng Training Induction Programs (TIPs) para sa mga benepisyaryo ng Coconut Farmers Scholarship Program (CFSP) sa ilang bahagi ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.
Isinagawa ang mga TIP bilang bahagi ng paghahanda sa pagsisimula ng mga technical-vocational training. Sa pamamagitan nito, nabigyan ang mga benepisyaryo ng mahahalagang impormasyon hinggil sa programa, kabilang ang mga patakaran, benepisyo, responsibilidad, at mga inaasahan sa kanilang paglahok at pagtatapos ng training, katuwang ang mga partner Technical Vocational Institutions (TVIs).
Narito ang mga detalye ng isinagawang Training Induction Programs:
August 6, 2026
(Baranggay Kalipapa, Datu Piang, Maguindanao del Sur)
Al-Rahman Farmers Multi Purpose Cooperative:
โข Organic Agriculture Production NC II
August 10, 2026
(Baranggay Dinganen,Buldon, Maguindanao del Norte)
PGR Integrated Farm:
โข Raise Dairy Animals
โข Raise Organic Small Ruminants
โข Produce Organic Vegetables
August 13, 2026
(Guinibon, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur)
Al-Mani Multi Purpose Cooperative:
โข Organic Agriculture Production NC II
โข Produce Organic Fertilizer
โข Produce Organic Concoctions and Extracts
Ang mga aktibidad na ito ay bahagi ng Coconut Farmers Scholarship Program (CFSP), na nakatuon sa capacity building at skills development ng mga coconut farmers at kanilang mga benepisyaryo upang magkaroon sila ng dagdag na kasanayan na maaaring magamit sa trabaho, kabuhayan, at iba pang livelihood opportunities. Layunin din nitong makatulong sa pagpapataas ng kanilang income at productivity at sa patuloy na pag-unlad ng coconut industry.
Pinangunahan nina Abdulkadir G. Nalg, Chief TESD Specialist; Khominie E. Abas, Scholarship Focal Person; Nasrudin P. Kusain, Farm School Focal Person ng Maguindanao Provincial Office; at Ahadjita B. Guiani, CFIDP Focal Person ng PCA XIV-BARMM, ang mga nasabing aktibidad.
Sa kanilang mga mensahe, hinikayat ng mga opisyal ang mga trainees na maging disiplinado, masipag, responsable, at aktibong makilahok sa buong training upang matagumpay nilang makumpleto ang programa at magamit ang mga kasanayang kanilang matututunan para sa kanilang pamilya at kabuhayan.
Patuloy ang MBHTE-TESD Maguindanao Provincial Office sa pagsusulong ng mga programa sa technical-vocational education and training na naglalayong mapaunlad ang kakayahan, oportunidad, at kabuhayan ng mga mamamayang Bangsamoro.