20/03/2026
Eid Mubarak 🌙✨
Sa pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan, nawa’y mapuno ang ating mga puso ng pasasalamat, kapatawaran, at tunay na kagalakan.
Ang tanggapan ni Member of Parliament Mudjib C. Abu ay taos-pusong bumabati sa buong Bangsamoro ng isang mapayapa at makabuluhang pagdiriwang ng Eid. Nawa’y ang mga sakripisyo at panalangin natin ay tanggapin ng Allah (SWT), at patuloy Niya tayong gabayan tungo sa pagkakaisa at kabutihan.
Nawa’y magpatuloy ang diwa ng pananampalataya, pagmamahalan, at pagbibigayan sa ating bawat komunidad.
Eid Mubarak sa ating lahat!