11/03/2026
📌 Day 1 & Day 2 of Validation | March 10–11, 2026
Isinagawa ang Day 1 at Day 2 ng validation para sa mga pamilyang kabilang sa Set 14 potential beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Datu Anggal Midtimbang noong Marso 10 at 11, 2026.
Sa mga araw na ito, isinagawa ang pagsusuri at beripikasyon ng mga impormasyon at dokumentong isinumite ng mga kabahayan upang matukoy kung sila ay kwalipikadong maging opisyal na benepisyaryo ng programa.
Sa pangunguna ng mga Municipal Links, Social Welfare Assistants at sa pakikipagtulungan ng mga barangay officials, naging maayos ang daloy ng validation. Nagpakita rin ng kooperasyon ang mga kalahok sa pagsusumite ng kanilang mga kinakailangang dokumento.
Ang validation ay isang mahalagang hakbang upang matiyak na ang programa ay makarating sa mga pamilyang tunay na nangangailangan, sa isang maayos at transparent na paraan.
Patuloy ang 4Ps Datu Anggal Midtimbang sa pagsisikap na maihatid ang programa sa mga karapat-dapat na pamilya sa komunidad.