27/08/2026
๐๐๐จ๐ญ-๐๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ ๐๐ฌ, ๐๐๐ง๐๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ง๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ซ๐ฒ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ญ๐ฎ ๐๐๐ฎ๐๐ข ๐๐ฆ๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐๐ง ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Maguindanao del Sur โ Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng suporta para sa mga vulnerable sector, inilunsad ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR)-Maguindanao ang P20 Program โBenteng Bigas, Meron Naโ noong Agosto 22, 2026 sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Sa pamamagitan ng programa, mahigit 500 benepisyaryo ang nabigyan ng pagkakataong makabili ng tig-10 kilo ng bigas sa halagang P200, o katumbas ng P20 kada kilo, bilang tulong upang magkaroon ng access ang mga kwalipikadong mamamayan sa mas abot-kayang pangunahing pagkain.
Pinangunahan ang aktibidad ni Supervising Agriculturist at AMAD Focal Sharmaine Baraguir, sa pakikipagtulungan ng National Food Authority (NFA)-Maguindanao, Local Government Unit (LGU) ng Datu Saudi Ampatuan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Datu Bassir Utto, at MAFAR Municipal Office of Datu Saudi Ampatuan.
Kabilang sa mga pangunahing prayoridad ng programa ang mga sektor na higit na nangangailangan ng suporta, gaya ng senior citizens, persons with disabilities (PWDs), solo parents, mga tsuper, magsasaka, at mangingisda.
Ang P20 Program โBenteng Bigas, Meron Naโ ay bahagi ng malawakang kampanya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand โBongbongโ Marcos Jr. na mapababa at mapanatiling abot-kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin, lalo na ang bigas, para sa mga Pilipinong higit na nangangailangan.
Sa pagpapatuloy ng naturang programa sa mga komunidad, layunin nitong makatulong sa pagpapagaan ng gastusin sa pagkain ng mga benepisyaryo at mapalakas ang access ng vulnerable sectors sa abot-kayang bigas.