Support Bangsamoro Party Movement

Support Bangsamoro Party Movement Official Page of the Support Bangsamoro Party Movement

29/08/2026
Now Happening!
27/08/2026

Now Happening!

PUBLIC ADVISORY | FAKE ACCOUNT ALERTNais pong ipaalam sa publiko na ang Facebook account na gumagamit ng pangalan at lar...
26/08/2026

PUBLIC ADVISORY | FAKE ACCOUNT ALERT

Nais pong ipaalam sa publiko na ang Facebook account na gumagamit ng pangalan at larawan ni Chairman Muslimin G. Sema ay HINDI opisyal at HINDI awtorisadong account ni Chairman Sema.

May mga ulat na ginagamit ang nasabing account upang manghingi o mag-solicit ng pera, cash assistance, goods, o iba pang bagay. We strongly caution everyone: huwag maniwala, huwag magpadala ng pera, at huwag magbigay ng personal o financial information sa account na ito.

Ang Bangsamoro Party (BaPa) ay naninindigan sa integridad, katapatan, pananagutan, at tunay na serbisyo sa Bangsamoro people. Ang paggamit sa pangalan ng ating mga lider upang manlinlang o pagsamantalahan ang tiwala ng publiko ay malinaw na taliwas sa mga pagpapahalagang ito.

Hangad natin ang isang mas malinis, tapat, at mapayapang halalan, kung kaya huwag tayong bumigay sa mga taong nananamantala sa pangalan ng mga lider, sa tiwala ng publiko, at sa panahon ng eleksyon para sa pansariling interes.

Please REPORT and BLOCK the fake account, and verify information only through the official channels of Chairman Sema and the Bangsamoro Party.

Mag-ingat. Maging mapanuri. Huwag magpaloko at huwag magpagamit.

22/08/2026

August 19, 2026 | Maguindanao del Sur

Matagumpay na isinagawa ang Bangsamoro Party (BaPa) Caravan sa iba't ibang munisipyo ng Maguindanao del Sur. Nag-ikot tayo sa mga komunidad upang bisitahin ang ating mga kababayan, alamin ang kanilang kasalukuyang sitwasyon, at maipahayag ang ating plataporma de gobyerno para sa mga munisipyo ng nasabing probinsya.

Pinangunahan ang caravan ng mga BaPa nominees na sina Incumbent MP Atty. Omar Yasser C. Sema, MP Engr. Baiali S. Karon, JD, DS MP Faizal “Randy” Karon, Bai Soraida A. Matalam, kasama ang iba pang nominees, leaders, at supporters ng Bangsamoro Party.

MATAGUMPAY NA CARAVAN NG BANGSAMORO PARTY SA MAGUINDANAO DEL SUR! ​Naging makabuluhan at puno ng pag-asa ang kamakailang...
20/08/2026

MATAGUMPAY NA CARAVAN NG BANGSAMORO PARTY SA MAGUINDANAO DEL SUR!

​Naging makabuluhan at puno ng pag-asa ang kamakailang caravan na inilunsad ng Bangsamoro Party (BaPa) - Maguindanao del Sur Chapter!

​Pinangunahan ang aktibidad na ito ni 1st Nominee MP Atty. Omar Yasser C. Sema, katuwang sina 3rd Nominee MP Engr. Baiali S. Karon, Soraida Ambel Matalam, Rodrigo Aviles, at iba pang mga lider ng partido.

Inikot ng ating mga lider ang iba't ibang pamayanan upang direktang iparating ang plataporma ng partido at personal na kumustahin ang kalagayan ng ating mga kababayan sa probinsya. Upang masiguro ang maayos na ugnayan, nakipagpulong din ang grupo sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at barangay.

Taos-pusong pasasalamat sa mga komunidad na malugod na nagbukas ng kanilang mga pinto para sa partido! Bakas sa mga ngiti ng ating mga kababayan ang inspirasyon at tiwala na hatid ng BaPa.

-End

​Iboto ang BaPa number 2 sa Balota!



📷MP Baiali Coms

18/08/2026

BaPa Caravan

18/08/2026
KASALUKUYANG NAGAGANAP! 👀​Patuloy ang masigasig na pagbabahay-bahay na pangangampanya ng Bangsamoro Party (BaPa), sa pan...
18/08/2026

KASALUKUYANG NAGAGANAP! 👀

​Patuloy ang masigasig na pagbabahay-bahay na pangangampanya ng Bangsamoro Party (BaPa), sa pangunguna ng kanilang Unang Nominado, Atty. Omar Crisostomo Sema! Sa pagkakataong ito, tumungo ang partido sa Barangay Kauran, Ampatuan, Maguindanao del Sur.

​Napakainit at punong-puno ng suporta ang naging pagsalubong ng mga Settlers, Katutubo (Indigenous Peoples o IPs), at mga Moro sa ating partido.

​Masayang ibinida ni MP Omar Sema ang mga tapat na adhikain ng BaPa para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng Bangsamoro—pangunahin na rito ang walang-piling pagtulong at pag-alalay sa mga komunidad ng mga settler at katutubo.
​Sa BaPa, walang maiiwan!



Address

Kalangan II
Cotabato City
9600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Support Bangsamoro Party Movement posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share