24/07/2026
LGU-DOS | Municipal Information Office
July 24, 2026 | Friday
MATAGUMPAY na ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat sa pamumuno ni Maungangen Mayor Abdulmain Abas ang National Disability Rights Week (NDRW) 2026 Culmination Program noong July 21 sa Municipal Covered Court sa ilalim ng temang "Celebrating Inclusion and Access for All!"
Layunin ng programa na kilalanin ang kakayahan, karapatan, at mahalagang papel ng mga Persons with Disabilities (PWDs) sa pagbuo ng isang inklusibo at maunlad na komunidad.
Pormal na binuksan ang programa sa pamamagitan ng welcome message ni Municipal Administrator Atty. Datu Hamad M. Abas, RSW, MAPDS. Sinundan ito ng inspirational message ni Municipal Mayor Hon. Abdulmain P. Abas, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pantay na oportunidad at inklusibong pamamahala para sa lahat.
Nagbigay rin ng suporta sa pamamagitan ng kanilang mensahe sina MSWDO Bai Sittie Aisa Druz Ali-Adam, PDAO League President Ramil S. Mama, at Provincial PDAO ng Maguindanao del Norte Jihad M. Maulana, RN, MPA na kinatawan ni Mr Nazzer Abubakar.
Bilang bahagi ng programa, namahagi rin si MSWDO Bai Sittie Aisa Druz Ali-Adam ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) Maguindanao ng hygiene kits sa mga PWD na naapektuhan ng nagdaang Bagyong Inday.
Isa sa tampok na bahagi ng programa ang lecture na "PWD Rights, Laws, and Programs," na pinangunahan ng resource speaker na si Mr. Nestor I. Cabigas Jr. Tinalakay niya ang mga karapatan ng mga PWD at ang iba't ibang batas at programang naglalayong protektahan at suportahan sila.
Nagkaroon din ng raffle draw na nagbigay ng kasiyahan sa mga dumalo bago isinagawa ang closing remarks ni PDAO Focal Person Ms. Parida M. Nur.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin na ang kapansanan ay hindi hadlang sa kakayahan at pangarap ng isang tao. Hinikayat din niya ang lahat na ipagpatuloy ang pagsusulong ng isang lipunang may paggalang, malasakit, at pantay na oportunidad para sa bawat isa.
☆Stay ahead of the curve with MIO-DOS☆