Norsalam Bago

Directions

Norsalam Bago Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Norsalam Bago, Public Service, Cotabato City.

Alhamdulillah! Buong pagpapakumbaba po nating hinihiling sa Makapangyarihang Allah na patnubayan tayo sa tuwid na landas...
15/09/2026

Alhamdulillah! Buong pagpapakumbaba po nating hinihiling sa Makapangyarihang Allah na patnubayan tayo sa tuwid na landas habang nagpapatuloy tayo sa ating paglalakbay.

Wika nga, tuloy ang buhay. Hindi man po tayo nabigyan ng pagkakataong mapabilang sa mga uupo sa Parliament, taos-puso pa rin po tayong nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa atin, gayundin sa ating mga kasamahan sa partido, ang UBJP.

Tulad ng sinabi natin, bukas-puso at mapagkumbaba nating tatanggapin ang anumang kapalaran, sapagkat bahagi ito ng ating pananampalataya at pagtitiwala sa Kanya.

Dalangin po natin na patuloy na tumibay ang ating mabuting samahan, at pagbuklurin tayo ng pagkakaisa at kapayapaan para sa kapakanan ng ating mga anak at ng susunod na salinlahi ng Bangsamoro.

Saan man po tayo dalhin ng mga pangyayari at kapalaran, piliin natin ang maging matatag, mabuti, mapagkumbaba, at mapayapa. Manatili tayong nagkakaisa, may pag-asa, at handang maglingkod dahil ang tunay na paglalakbay ay hindi lamang tungkol sa posisyon kundi sa patuloy na pagmamahal at paglilingkod sa ating kapwa.

Ψ¨Ψ§Ψ±Ωƒ Ψ§Ω„Ω„Ω‡ ΩΩŠΩ†Ψ§ Ψ¬Ω…ΩŠΨΉΨ§Ω‹ ΩˆΨ²Ψ§Ψ―Ω†Ψ§ Ω…Ω† ΩΨΆΩ„Ω‡ΨŒ Ψ΄ΩƒΨ±Ψ§Ω‹ Ψ¬Ψ²ΩŠΩ„Ω‹Ψ§ Ω„ΩƒΩ….
Barak Allahu feena jamee'an wa zādana min fadlih, shukran jazeelan lakum. (May Allah bless us all and increase His bounty upon us, thank you very much.)

Kapag dumadaan tayo sa mahihirap na sitwasyon, tinuturuan tayo na tanggapin ang itinakda ni Allah (Qadr) at magtiwala sa...
13/09/2026

Kapag dumadaan tayo sa mahihirap na sitwasyon, tinuturuan tayo na tanggapin ang itinakda ni Allah (Qadr) at magtiwala sa Kanyang karunungan sa pamamagitan ng pagsabi ng "Qaddar Allahu wa ma sha'a fa'al" na ang ibig sabihin ay, "Itinakda ito ni Allah, at kung ano ang Kanyang ninais ay nangyari" (Surah Al Hadid 57:22-23).

Itong pag-alalang ito ang humuhubog sa atin para maging matatag at mapagpasensya. Tinutulungan tayo nito na i-let go ang pagsisisi, at mas mag-focus sa paghilom at sa pag-usad.

Bilang mga mananampalataya, malinaw sa atin na ang Qadr ay hindi sumasalungat sa free will. Sa Kanyang walang hanggang karunungan, binigyan tayo ni Allah ng kalayaang pumili ng sarili nating desisyon, at sa mga desisyon na ito tayo ay mananagot sa Araw ng Paghuhukom.



Norsalam Bago
Norsalam Bago

13/09/2026
12/09/2026
Kapag dumadaan tayo sa mahihirap na sitwasyon, tinuturuan tayo na tanggapin ang itinakda ni Allah (Qadr) at magtiwala sa...
11/09/2026

Kapag dumadaan tayo sa mahihirap na sitwasyon, tinuturuan tayo na tanggapin ang itinakda ni Allah (Qadr) at magtiwala sa Kanyang karunungan sa pamamagitan ng pagsabi ng "Qaddar Allahu wa ma sha'a fa'al" na ang ibig sabihin ay, "Itinakda ito ni Allah, at kung ano ang Kanyang ninais ay nangyari" (Surah Al Hadid 57:22-23).

Itong pag-alalang ito ang humuhubog sa atin para maging matatag at mapagpasensya. Tinutulungan tayo nito na i-let go ang pagsisisi, at mas mag-focus sa paghilom at sa pag-usad.

Bilang mga mananampalataya, malinaw sa atin na ang Qadr ay hindi sumasalungat sa free will. Sa Kanyang walang hanggang karunungan, binigyan tayo ni Allah ng kalayaang pumili ng sarili nating desisyon, at sa mga desisyon na ito tayo ay mananagot sa Araw ng Paghuhukom.




Norsalam "Umie" Bago: Ang Tinig ng Kababaihan, mga Ina, at KabataanKilalanin natin ang tinaguriang  🟒 Ang Kanyang Pundas...
06/09/2026

Norsalam "Umie" Bago: Ang Tinig ng Kababaihan, mga Ina, at Kabataan

Kilalanin natin ang tinaguriang

🟒 Ang Kanyang Pundasyon: Tatlong Dekada ng Paglilingkod

βœ…Dekada ng Dedikasyon: Mahigit 30 taon niyang inialay ang kanyang buhay sa development at humanitarian work. Sa kabila ng kanyang degree sa Economics, pinili niyang paglingkuran ang mga maralita at bulnerableng pamayanan, lalo na sa mga conflict-affected areas ng Mindanao at mga biktima ng kalamidad sa iba pang panig ng Pilipinas. Nagkaroon din siya ng deployment sa ibang bansa, trainings at network activities.

β—Ύ Dalubhasa sa Pagtataguyod ng Human Security at Kapayapaan

Siya ay may karanasan at kahusayan sa mga sumusunod na larangan na direktang nakakaapekto sa kaligtasan at kapakanan ng mga pamilya:

βœ… Emergency Response & Disaster Preparedness: Mabilis na pagtugon sa mga krisis upang magligtas ng buhay at kabuhayan.

βœ… Disaster Risk Reduction: Pagpapalakas ng kakayanan ng pamayanan para makabangon sa mga darating na panganib.

βœ… Food Security & Sustainable Livelihoods: Pagpapalawig ng mga oportunidad para sa pagkain at kita sa pamamagitan ng community empowerment, hindi lamang basta ayuda.

βœ… Water, Sanitation & Hygiene (WASH): Pagpapatatag ng pangunahing karapatan sa malinis na tubig at kalusugan.

βœ… Gender-Based Violence and Peacebuilding: Pagtugon sa mga sanhi ng hidwaan at pagsusulong ng kaligtasan at karapatan ng mga kababaihan at kabataan.

β—Ύ Ang Kanyang Pamamaraan: Pagbibigay-Kapangyarihan, Pagpapahalaga sa Konsultasyon

βœ… Direktang Pakikipag-ugnayan: Nakipag-ugnayan siya nang direkta sa mga bulnerableng kababaihan, kabataan, at kalalakihan, na gumagabay sa kanila mula sa krisis hanggang sa recovery at sustainable development.

βœ… Pagpapalakas sa Grassroots: Ang kanyang pamamaraan ay palaging nakatuon sa pag-oorganisa ng mga pamayanan at pagpapalakas ng kanilang kakayanan para maging self-reliant at resilient. Hindi niya nais na ang pamayanan ay dependent sa ayuda.

β—Ύ Ang Kanyang Pangarap: Isang Matatag at Makatarungang Lipunan

βœ… Servant-Leader: Si Norsalam Bago ang personipikasyon ng isang lider na naglilingkod. Siya ay isang arkitekto ng inclusive at empowering na pamamahala.

βœ… Pananaw para sa mga Ina at Kabataan: Lubos niyang nauunawaan ang kalagayan ng mga kababaihan at kanilang mga anak na naapektuhan ng digmaan at kalamidad. Naniniwala siya na ang tunay na pagbangon ay nagsisimula sa pagprotekta at pagbibigay-kapangyarihan sa mga ina at kanilang pamilya.

βœ… Sistemang Pagbabago: Handang-handa siyang maging instrumental sa pag-reshape ng serbisyo publiko tungo sa isang mas inklusibo, mapayapa, at makatarungang lipunan para sa LAHAT.

β—Ύ Bilang Nominee ng UBJP para sa Member of Parliament

βœ… Alinsadong Pananaw: Ang kanyang mga prinsipyo at malalim na paniniwala ay natural na naaayon sa pananaw ng UBJP para sa isang inklusibong pamahalaan.

βœ… Patotoo sa Moral Governance: Ang kanyang 30 taong karanasan ay isang patotoo sa pagtataguyod ng moral governance, integridad, at tunay na serbisyo-publiko.

βœ… Lingkod ng Bayan: Siya ang sagisag ng servant leadership na itinataguyod ng UBJP. Ang kanyang pagtakbo ay isang natural na ebolusyon ng kanyang paglilingkod at handa siyang isabuhay ang mga layuning ito para sa Bangsamoro.


8 araw nalang bago ang Bangsamoro Parliament Election. Ngayon September 14, 2026 gaganapin na ang makasaysayan kaganapan...
06/09/2026

8 araw nalang bago ang Bangsamoro Parliament Election. Ngayon September 14, 2026 gaganapin na ang makasaysayan kaganapan sa Bangsamoro. Maging bahagi ng matalinong pagboto, Bumoto nang may pag-asa at paninindigan para sa mas maunlad na Bangsamoro.




11 araw nalang bago ang Bangsamoro Parliament Election. Ngayon September 14, 2026 gaganapin na ang makasaysayan kaganapa...
02/09/2026

11 araw nalang bago ang Bangsamoro Parliament Election. Ngayon September 14, 2026 gaganapin na ang makasaysayan kaganapan sa Bangsamoro. Maging bahagi ng matalinong pagboto, Bumoto nang may pag-asa at paninindigan para sa mas maunlad na Bangsamoro.




12 araw nalang bago ang Bangsamoro Parliament Election. Ngayon September14, 2026 gaganapin na ang makasaysayan kaganapan...
02/09/2026

12 araw nalang bago ang Bangsamoro Parliament Election. Ngayon September14, 2026 gaganapin na ang makasaysayan kaganapan sa Bangsamoro. Maging bahagi ng matalinong pagboto, Bumoto nang may pag-asa at paninindigan para sa mas maunlad na Bangsamoro.




M**F-SWC General Assembly at Voters EducationLunes, Agosto 31, 2026 β€” Matagumpay na isinagawa ang General Assembly at Vo...
02/09/2026

M**F-SWC General Assembly at Voters Education

Lunes, Agosto 31, 2026 β€” Matagumpay na isinagawa ang General Assembly at Voters Education ng Moro Islamic Liberation Front (M**F) at Social Welfare Committee (SWC) ng Kutawato Province sa Municipal Covered Court, Poblacion, Dalican, Datu Odin Sinsuat (DOS), Maguindanao del Norte.

Dagundong ang suporta ng ating mga kababaihan na nakiisa upang maging mas handa at maalam sa darating na halalan. Ang aktibong partisipasyon ng bawat isa ay patunay ng lumalakas na paninindigan ng komunidad para sa tapat at makabuluhang pamumuno.

Address

Cotabato City
9600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Norsalam Bago posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category