02/09/2026
ALAMIN | ๐๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ฅ๐๐ ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ๐๐ง
Patuloy ang suporta ng Department of Social Welfare and Development Field Office XII sa Lanao Urban Farmers Sustainable Livelihood Program (SLP) Association sa Kidapawan City para sa kanilang zero-hunger initiative.
Nitong Martes, September 1, personal na binisita ni DSWD Undersecretary Fatima Aliah Dimaporo at DSWD 12 Regional Director Loreto Jr. V. Cabaya ang proyekto upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng programa.
Sa ilalim ng Zero-Hunger Program, nakatanggap ang asosasyon ng P475,000 na pondo na ginamit sa pagsisimula ng hydroponics lettuce production.
Pinuri ng mga opisyal ang pagpupursige at katatagan ng asosasyon upang higit pang mapalago ang proyekto.
Ipinahayag naman ng mga miyembro ang kanilang pasasalamat sa DSWD sa pagtulong nito sa kanilang mga programa.
Ang lumalagong proyekto ng asosasyon ay sumisimbolo sa patuloy na suporta ng DSWD sa mga benepisyaryo at sa kanilang kabuhayan.