kalat ay linisan, para sakit ay maiwasan

kalat ay linisan, para sakit ay maiwasan Ang ex ay parang basura lang yan– kapag hindi mo tinapon ng tama, ikakasakit mo yan!

Ang kalinisan ng ating kapaligiran ay nagsisimula sa ating mga kamay. Kaya naman, magtulungan tayo na panatilihin itong ...
16/03/2026

Ang kalinisan ng ating kapaligiran ay nagsisimula sa ating mga kamay. Kaya naman, magtulungan tayo na panatilihin itong malinis at maganda. Mula sa pagtatapon ng basura sa tamang lugar hanggang sa paghikayat sa iba na gawin din ito, bawat maliit na hakbang ay mahalaga. Gawin nating makabuluhan ang ating pagsisikap para sa isang mas maayos na kinabukasan!



Mga basura ay linisan upang sa mas magandang kinabukasan. Halina kayo at ako'y samahan upang maglinis ng ating kapaligir...
14/03/2026

Mga basura ay linisan upang sa mas magandang kinabukasan. Halina kayo at ako'y samahan upang maglinis ng ating kapaligiran, hindi niyo ba alam na maaari itong maging dulot ng ating mga sakit tulad ng dengue kapag pinabayaan natin ito? kayaaa dapat nating isipin na hindi lang ito basta basta basura na dapat nating baliwalain kundi isang problema na dapat nating solusyonan dahil may masamang dulot sa ating katawan kasama na din ang ating kapaligiran, dapat nating tandaan na kailangan nating pangalagaan ang ating kapaligiran laban sa mga sakit na dulot nito sa bawat tao, may mga problemang dapat nating pag aksayan ng oras tulad ng paglilinis ng basura upang mapalayo tayo sa sakit kaya't ano pa ang hinihintay niyo? halina't samahan niyo akong mag linis ng ating kapaligiran!

malinis na kapaligiran sakit ay maiwasan

Kalat ay linisan para sakit ay maiwasan. Ang simpleng pagtapon at paglilinis ng basura ay malaking tulong upang mapanati...
13/03/2026

Kalat ay linisan para sakit ay maiwasan. Ang simpleng pagtapon at paglilinis ng basura ay malaking tulong upang mapanatiling malinis at ligtas ang ating kapaligiran. Kapag malinis ang paligid, mas maiiwasan ang mga sakit na dulot ng maruming kapaligiran tulad ng dengue at iba pang karamdaman. Nagsisimula ang pagbabago sa maliliit na gawain—sa pagpulot ng kalat, tamang pagtatapon ng basura, at pakikiisa sa paglilinis ng ating komunidad. Sama-sama tayong kumilos at magtulungan upang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran para sa mas malusog at mas magandang kinabukasan ng lahat.♻️🌏🌿🍃


Ang basura ay may sakit na dala, kaya't linisin ito hanggat maaga, para ang sakit ay hindi na kumalat pa!! Ang simpleng ...
11/03/2026

Ang basura ay may sakit na dala, kaya't linisin ito hanggat maaga, para ang sakit ay hindi na kumalat pa!! Ang simpleng aksyon ay may malaking kontibusyon at nakakatulong sa pagbawas ng polusyon!
Ang pagtatapon ng basura sa tamang basurahan ay napakahalaga sa kalikasan, nakakatulong ito na mapanatili ang isda sa karagatan, mas nababawasan ang kaso ng dengue sa sanlibutan, at mas nagiging kaaya-kaaya tingnan ang mundong kinagisnan! Responsibilidad ng sangkatauhan na pangalagaan ang kalikasan, sapagkat ito ay biyaya na bigay ng may likha na makapangyarihan, huwag sana natin itong pabayaan at alagaan natin ng husto upang mas maging maganda ang ating kinabukasan!



Ako ay nanawagan sa ating kababayan, basura sa daan ay wag hayaang nakakalat kung saan-saan, pulutin ito at ilagay sa ta...
10/03/2026

Ako ay nanawagan sa ating kababayan, basura sa daan ay wag hayaang nakakalat kung saan-saan, pulutin ito at ilagay sa tamang basurahan! Tayo ay magtulungan upang maging malinis ang kapaligiran, nang sa ganoon ang sakit ay ating maiwasan, mga lamok ay mabawasan, at ang simoy ng hangin ay magiging masarap sa pakiramdam kung wala itong dalang mabahong amoy na galing sa nabubulok na kalat ng sanlibutan! Ang magandang kapaligaran ay regalo sa sanlibutan, kaya't ito ay ating alagaan para maabutan pa ng susunod na henerasyon ang ganda ng kalikasan na ibinigay ng diyos na makapangyarihan!





Address

Cotabato City
9406

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when kalat ay linisan, para sakit ay maiwasan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share