06/05/2026
MOA Renewal: Real Talks, Real Change
Ang isinagawang Renewal of Memorandum of Agreement (MOA) ay hindi lamang isang pormal na kasunduan, kundi isang pagpapatibay ng ating pangako na patuloy na kumilos, magsalita, at magprotekta sa mga batang biktima ng pang-aabuso—lalo na sa mga sensitibong kaso kung saan ang mismong tahanan ang nagiging lugar ng pananakit.
Lubos po ang aming pasasalamat sa Sanghaya Foundation, kina Ms. Flo Abundo, Ms. Laila Titular, at Ma’am Kit, kasama rin sina VAWC Desk Officer Riza Lubuguin, GAD Focal Person Victoria Saberon, Kagawad Merz Lapuz, at ang ating butihing Punong Barangay Christopher “D**g” Cheng sa inyong patuloy na tapang, malasakit, at pakikiisa sa adbokasiyang ito.
Hindi madali ang pagtalakay sa mga usapin ng sekswal na pang-aabuso, lalo na kapag ito ay nangyayari sa loob mismo ng tahanan. Ngunit sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng ganitong mga programa at pakikipagtulungan, nabibigyang-tinig ang mga biktima, napapalakas ang kamalayan ng komunidad, at mas naitataguyod ang tunay at pangmatagalang pagbabago.