18/07/2026
Batangas❤️
BATANGAS, NAKIKITANG SUSUNOD NA SENTRO NG TURISMO AT PAMUMUHUNAN
Itinuturing ni Ambassador-at-Large Jose E.B. Antonio ang Batangas bilang isa sa mga susunod na pangunahing sentro ng turismo, real estate, at pamumuhunan sa bansa.
Ayon kay Antonio, malaki ang potensiyal ng Batangas dahil sa mga makasaysayang at relihiyosong destinasyon nito, kilalang mga kainan, at sa Verde Island Passage, na kinikilala bilang sentro ng marine shore fish biodiversity sa buong mundo.
Binigyang-diin din niya na ang patuloy na pagpapahusay ng mga kalsada, paliparan, at iba pang imprastraktura ang susi upang mas mapalakas ang turismo at ekonomiya ng lalawigan.
Kasama rin sa mga lugar na nakikita niyang magiging susunod na growth hubs ang Palawan at Subic.
Source: Daily Tribune