03/09/2026
Nagsagawa ngayong araw, ika-3 ng Setyembre taong 2026, kaagapay ang Protected Area Management Office (PAMO) - Taal Volcano Protected Landscape (TVPL) kasama ang ilang kasapi ng Protected Area Management Board- Taal Volcano Protected Landscape (PAMB- TVPL) Fisheries Committee na sina KGG. Norberto Segunial, PunongBayan ng Sta Teresita, Milagros Chavez, Presidente ng Kilusan ng Maliliit na Mangingisda sa Lawa ng Taal (KMMLT at Laarni Habulan Adia , kinatawan ng PunongBayan ALEX Magpantay ng Bayan ng Cuenca, at EnP. Jovell Ilagan Castillo , EMS I ng MENRO LGU-Cuenca ng isang masinsing patrolya sa Lawa ng Taal na na nasasakupan ng Bayan ng Alitagtag, Cuenca at Sta. Teresita.
Ang nasabing pagpapatrolya ay upang maisaayos sa tamang "alignment" at sona ang mga fishcages na sa kasalukuyan ay kalat sa lawa at maling lokasyon. Napagkasunduan na isasaayos agad agad ang mga fishcages upang di makagambala sa paglalayag ng mga pumapalaot na mangingisda.
Ginamitan ng real-time internet based Locus Map Application ang pagtukoy ng tamang lokasyon ng mga fishcages.