19/10/2026
TAOS-PUSONG PASASALAMAT! 🙏📚
Maraming maraming salamat po sa Culion Foundation Inc. sa pangunguna ng kanilang Executive Director Mr. Eugenio Cacam Jr, Ms. Eva Tenzin Deputy Ambassador of Czech Republic, sa ipinagkaloob na mga aklat para sa aming paaralan. Napakalaking tulong po nito sa pagkatuto at pagapapalawak ng kaalaman ng aming mga mag-aaral. Lubos din kaming nagpapasalamat sa LGU Culion sa pamumuno nina Hon. Cesar M. De Vera Jr., Vice Mayor Virginia N. De Vera sa walang sawang suporta at pagmamahal sa edukasyon ng mga kabataan.
Espesyal na pasasalamat din po sa Barangay Osmeña sa pagpapahiram ng chariot sa tulong ni Sir Joecewill Pareja. Ganun din sa lahat ng tumulong at nagbuhat/naghakot ng mga aklat patungong paaralan. Kagawad Cyrian Tayco, Kagawad Jhosie Galleon, Thong Moquete, Cezar Caballes. Ang inyong malasakit at bayanihan ay tunay na kahanga-hanga.
Muli, maraming salamat po! Ang inyong kabutihan ay mananatili sa puso ng bawat batang makikinabang sa mga aklat na ito.