10/06/2026
๐ฃ PAGPAPALAKAS NG KAALAMAN, PAGPAPALAKAS NG KABUHAYAN NG MGA MANGINGISDA
Sa patuloy na pagsusulong ng isang maunlad, organisado, at sustenableng sektor ng pangisdaan sa Bayan ng Culion, matagumpay na naisagawa ang huling araw ng Information Education Campaign (IEC) para sa ating mga kababayang mangingisda sa outside poblacion bilang bahagi ng Programang Malasakit ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Hon. Mayor Cesar M. De Vera, Jr., Hon. Vice Mayor Virginia N. De Vera, at ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Ang nasabing IEC ay isinagawa noong:
March 12, 2026 sa So. Alava
March 13, 2026 sa Binudac Proper
April 8, 2026 sa Osmeรฑa Proper
April 14, 2026 sa Galoc Proper at So. Canimango
April 15, 2026 sa Barangay Carabao
April 16, 2026 sa Barangay Halsey at Burabod
April 17, 2026 sa Outside Sitios ng Osmeรฑa
June 9, 2026 sa So. Lamud at So. Detupiak
June 10, 2026 sa So. Alulad at So. Chindunan
Naging daan ang gawaing ito upang maihatid sa mga mangingisdang nasa malalayong lugar ang mahahalagang impormasyon ukol sa mga programa, proyekto, serbisyo, at mga umiiral na batas na naglalayong pangalagaan ang kanilang kabuhayan at tiyakin ang responsableng paggamit ng ating yamang-dagat.
Kabilang sa mga paksang tinalakay ang:
โข Pagpaparehistro bilang mangingisda (FishR)
โข Pagpaparehistro ng bangkang pangisda at gamit pangisda
โข Insurance para sa mga rehistradong bangkang pangisda
โข Pagbuo at pagpapalakas ng samahan ng mga mangingisda
โข Municipal Waters at Water Use Zones
โข Mga regulasyon sa mga gawaing pangisdaan
โข Auxiliary Invoice Permit
โข At iba pang mga mahahalagang probisyon ng Revised Comprehensive Municipal Fishery Ordinance of Culion, Palawan 2021 (Municipal Ordinance No. 2021-164)
Naniniwala ang Pamahalaang Bayan ng Culion na ang kaalaman ay susi sa mas produktibo, responsable, at napapanatiling pangingisda. Sa pamamagitan ng patuloy na paghahatid ng impormasyon at mga serbisyong pangisdaan, mas napapalakas natin ang kakayahan ng ating mga mangingisda na maging katuwang sa pangangalaga ng ating karagatan at sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya.
Inaasahang sa susunod na mga Linggo ay mga mangingisda naman ng mga Poblacion Barangays ๐
Itoโy isang hakbang tungo sa mas matatag na sektor ng pangisdaan, masaganang kabuhayan, at mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat pamilyang mangingisda ng Culion.
โAng kaalaman sa batas pangisdaan ay proteksyon sa kabuhayan at susi sa pangangalaga ng ating yamang-dagatโ ๐๐