PPA PMO Northern Luzon

PPA PMO Northern Luzon This is the official FB Page of the Philippine Ports Authority PMO Northern Luzon

31/08/2026

Nakikiisa ang Philippine Ports Authority (PPA) sa paggunita ng Araw ng mga Bayani ngayong ika-31 ng Agosto 2026, bilang pagpupugay sa mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay, lakas, at paninindigan para sa kalayaan at kapakanan ng bayan.

Sa kalayaang tinatamasa natin ngayon, mahalagang balikan at bigyang-pugay ang mga bayaning nagbuwis at nagsakripisyo upang makamit at mapangalagaan ito. Kasabay nito, kinikilala rin natin ang mga makabagong bayani na patuloy na naglilingkod, nagsisikap, at nagpapakita ng tapang, dedikasyon, at malasakit sa kapwa sa kani-kanilang paraan.

Saludo sa lahat ng bayaning patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa bawat Pilipino na maglingkod at magmalasakit para sa bayan.







β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

Matagumpay na naisagawa ang 3-day training sa Hazard Identification, Risk Assessment, and Determining Control (HIRADC) a...
27/08/2026

Matagumpay na naisagawa ang 3-day training sa Hazard Identification, Risk Assessment, and Determining Control (HIRADC) at Aspect-Impact Identification and Assessment para sa mga kawani ng PPA PMO Northern Luzon!

Naging masigla at makabuluhan ang 2 araw na Face-to-Face session na sinundan ng 1 araw na Online session via WebEx, sa pangunguna ng PPA Training Institute katuwang ang PMSODD.

Layunin ng pagsasanay na ito na mas palakasin pa ang kaalaman ng bawat empleyado sa pagtukoy ng mga posibleng panganib at epekto nito sa kapaligiran, upang masiguro ang isang ligtas, maayos, at de-kalidad na serbisyo sa ating mga daungan.

26/08/2026

Celebrating 50 years of excellence and maritime progress!

Half a century of dedication, growth, and driving possibilities across Northern Luzon. Cheers to 50 years of service and endless possibilities ahead!

23/08/2026
01/08/2026

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto, kaisa ang Philippine Ports Authority (PPA) sa pagpupugay sa Wikang Filipino bilang wika ng pagkakaisa, kultura, at tapat na paglilingkod sa sambayanan.

Patuloy nating pahalagahan at gamitin ang ating sariling wika sa pagtataguyod ng malinaw na komunikasyon, mahusay na serbisyo, at mas matibay na ugnayan sa bawat Pilipinong ating pinaglilingkuran.

Maligayang Buwan ng Wika! πŸ‡΅πŸ‡­







β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

Bilang pagsuporta sa imbitasyon ng Philippine National Police (PNP) – Ilocos Norte Police Provincial Office, ang PPA PMO...
27/07/2026

Bilang pagsuporta sa imbitasyon ng Philippine National Police (PNP) – Ilocos Norte Police Provincial Office, ang PPA PMO Northern Luzon ay buong-pusong nakilahok sa matagumpay na isinagawang "PNP One Coast, One Community Run: Kalasag-Dagat 2026."

Ang naturang fun run ay ginanap nitong Hulyo 24, 2026, sa ganap na ika-4 ng umaga sa Poblacion 1, Currimao, Ilocos Norte.

Ang "KALASAG-DAGAT" ay ang flagship maritime security at community resilience program ng PRO1 sa ilalim ng Enhanced A.L.E.R.T.O. Framework.

Layunin nitong palakasin ang pagtutulungan ng iba't ibang ahensya ng gobyerno,stakeholders, at mga komunidad sa baybayin upang pigilan ang krimen at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, palakasin ang pangangalaga sa kalikasan at coastal resilience, ipagtanggol ang soberanya ng bansa sa West Philippine Sea, at labanan ang mga banta tulad ng foreign interference.

Ang matagumpay na pagsali ng ating PMO ay muling nagpatibay ng ating matinding pangako sa inter-agency collaboration, community engagement, at pagsusulong ng maritime safety at security. Kami ay kaisa sa lahat ng inisyatibang nagtataguyod sa kapakanan ng publiko at pangangalaga sa ating kalikasan.

Naaresto ang isang suspek kasunod ng pagkakasamsam ng dalawang (2) heat-sealed na sachet ng hinihinalang shabu sa isinag...
20/07/2026

Naaresto ang isang suspek kasunod ng pagkakasamsam ng dalawang (2) heat-sealed na sachet ng hinihinalang shabu sa isinagawang joint interdiction operation sa Terminal Management Office (TMO) Batanes, Basco Port nitong ika-19 ng Hulyo 2026.

Isinagawa ang operasyon batay sa impormasyong nakalap ng mga awtoridad na pinangunahan ng Basco Municipal Police Station, katuwang ang Philippine Ports Authority (PPA), Philippine Coast Guard (PCG) K9 Unit, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Batanes.

Na-intercept ang kargamentong dumating lulan ng MV Everwin Star I mula Pier 18, Manila matapos magbigay ng positibong indikasyon ang K9 unit ng PCG sa isang brown paper bag na naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga. Agad na inaresto ang suspek na kumuha ng kargamento at dinala sa Basco Municipal Police Station para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy na pinagtitibay ng magkatuwang na operasyon ng PPA at mga law enforcement agencies ang pagpapanatili ng seguridad sa mga pantalan upang mapigilan ang pagpasok at paglabas ng mga ipinagbabawal na gamot at iba pang ilegal na aktibidad.







β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

11/07/2026

π‘―π’‚π’‘π’‘π’š 52𝒏𝒅 π‘¨π’π’π’Šπ’—π’†π’“π’”π’‚π’“π’š, π‘·π’‰π’Šπ’π’Šπ’‘π’‘π’Šπ’π’† 𝑷𝒐𝒓𝒕𝒔 π‘¨π’–π’•π’‰π’π’“π’Šπ’•π’š!
𝙛𝙧𝙀𝙒 𝙋𝙀𝙧𝙩 π™ˆπ™–π™£π™–π™œπ™šπ™’π™šπ™£π™© π™Šπ™›π™›π™žπ™˜π™š 𝙀𝙛 π™‰π™€π™§π™©π™π™šπ™§π™£ 𝙇π™ͺ𝙯𝙀𝙣!

Address

Brgy 10 Maglaoi Norte, Currimao Ilocos Norte
Currimao
2903

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Telephone

+639178032771

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PPA PMO Northern Luzon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PPA PMO Northern Luzon:

Shortcuts

Share