John Paul Aquino Carbonel

John Paul Aquino Carbonel Sisikaping maging pamantayan ng isang tunay na nagmamalasakit at KONSIstent na lingkod-bayan. Hindi magbabago si CuyaPaul, ang KONSI nyong . 🧑

Buong pusong isusulong ang pantay at patas na serbisyo para sa bawat CuyapeΓ±o.

Taos-pusong pagbati sa unang batch ng mga nagsipagtapos na may Latin Honors mula sa iba’t ibang paaralan na nabigyan ng ...
17/08/2026

Taos-pusong pagbati sa unang batch ng mga nagsipagtapos na may Latin Honors mula sa iba’t ibang paaralan na nabigyan ng pagkilala at insentibo sa ilalim ng ordinansang inakda ng inyong lingkod. πŸ‘¨β€πŸŽ“πŸ‘©β€πŸŽ“πŸ§‘

Hindi maisasakatuparan ang layuning ito kung hindi dahil sa buong suporta at pagpapatupad ng ating butihing Mayor Jose S. Hidalgo Jr. Maraming salamat po sa palagiang pagbibigay-halaga at pagkilala sa sipag at tagumpay ng ating mga kabataan.

Dalangin naming magamit ninyo nang wasto at mapakinabangan nang mabuti ang insentibong inyong natanggap. Mabuhay ang mga kabataang CuyapeΓ±o! πŸŽ“πŸ‘


Mula sa inisyatiba ng inyong lingkod at sa naipasang ordinansa ng Sangguniang Bayan, mas pinalalawak natin ang pagkilala...
20/07/2026

Mula sa inisyatiba ng inyong lingkod at sa naipasang ordinansa ng Sangguniang Bayan, mas pinalalawak natin ang pagkilala sa husay at sipag ng ating mga natatanging CuyapeΓ±ong mag-aaral na nagtapos bilang Latin Honors at sa mga Board Exam Topnotchers.

Narito ang mga kinakailangang dokumento at proseso upang ma-avail ang nakalaang incentive at karagdagang pagkilala mula sa ating lokal na pamahalaan.

Patuloy nating suportahan at parangalan ang mga kabataang nagbibigay ng karangalan sa ating bayan. Congratulations sa inyong lahat! 🧑πŸ₯°

Ngayong regular session ng Sangguniang Bayan, muli nating ipinakita ang ating katapatan sa sinumpaang tungkulin sa pamam...
13/07/2026

Ngayong regular session ng Sangguniang Bayan, muli nating ipinakita ang ating katapatan sa sinumpaang tungkulin sa pamamagitan ng paghahain ng dalawang mahahalagang resolusyon para sa kapakanan ng bawat CuyapeΓ±o.

Una, ang pagpapatibay ng mga hakbang sa paghahanda sa panahon ng bagyo upang maprotektahan ang buhay, kabuhayan, at ari-arian ng ating mamamayan. Ikalawa, ang agarang paglalagay ng mga kinakailangang road safety measures sa mga road reconstruction projects sa Brgy. Bentigan at Brgy. Bibiclat upang maiwasan ang aksidente at mapangalagaan ang kaligtasan ng mga motorista at residente.

Naniniwala ang inyong lingkod na ang mga hakbang na ito ay napapanahon, kinakailangan, at tunay na para sa kapakanan ng ating bayan. Patuloy tayong magseserbisyo nang may malasakit at pananagutan. 🧑πŸ₯°

27/06/2026

𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 π“πšπ¨π§. 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐀𝐨. 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐔π₯𝐚𝐭.

Ano na ang nagawa? Ano ang kasalukuyang ginagawa? At ano pa ang mga nakatakdang gawin para sa Cuyapo?

Alamin ang mga sagot sa Unang Ulat sa Bayan ni Mayor Jose Santiago Hidalgo, Jr. ngayong Lunes.

Tuklasin ang tunay na kalagayan ng ating bayan, ang mga proyektong naipatupad sa unang taon ng panunungkulan, at ang mga susunod pang hakbang tungo sa mas maunlad na Cuyapo sa taong 2026.

Sama-sama nating pakinggan ang ulat. Sama-sama rin nating ipagpatuloy ang pag-unlad.

πŸ—“ Lunes, June 29, 2026
πŸ“ Municipal Auditorium
πŸ•˜ 7:30 AM

Humaharap man sa maraming mga hamon at pagsubok, haharapin natin ang lahat kasama ang malakas na pananampalataya sa Pang...
25/06/2026

Humaharap man sa maraming mga hamon at pagsubok, haharapin natin ang lahat kasama ang malakas na pananampalataya sa Panginoon. Mananatili tayong tapat sa ating sinumpaang tungkulin. Tuloy ang paninilbihan, tuloy ang serbisyo. 🧑

Hi, Konsi Candy May Andres! πŸ₯°

Bilang Chairman ng Committee on Health, tayo po ay nagpatawag ng committee hearing kaugnay sa mga panukalang ordinansa n...
24/06/2026

Bilang Chairman ng Committee on Health, tayo po ay nagpatawag ng committee hearing kaugnay sa mga panukalang ordinansa na naglalayong higit pang mapalakas ang serbisyong pangkalusugan sa ating bayan.

Kabilang dito ang panukalang isaayos ang alokasyon ng PhilHealth Capitation Fund para sa pagpapabuti ng ating mga health facilities and services, gayundin ang ordinansang magtatakda na ang mga negosyo at kanilang mga empleyado ay may updated na PhilHealth membership bilang bahagi ng mga kinakailangan sa pag-renew ng business permit.

Naniniwala tayo na ang mga panukalang ito ay makatutulong upang mapalawak ang access sa dekalidad na serbisyong pangkalusugan, maprotektahan ang kapakanan ng mga manggagawa, at matiyak na mas maraming mamamayan ang makikinabang sa mga benepisyong hatid ng PhilHealth. 🧑πŸ₯°

Atin pong pinangunahan bilang presiding officer ang naganap na regular sesyon ngayong araw, kung saan kasama ang ating m...
11/05/2026

Atin pong pinangunahan bilang presiding officer ang naganap na regular sesyon ngayong araw, kung saan kasama ang ating mga kapwa miyembro ng Sangguniang Bayan ay masinsinan nating natalakay ang mga napapanahong usapin at mga hakbang na kinakailangang tugunan para sa kapakanan at patuloy na pag-unlad ng ating bayan. 🧑πŸ₯°

Balikbayan Night ang naging huling event ng pagdiriwang ng kauna-unahang Warek-Warek Festival sa ating bayan. Masayang n...
08/03/2026

Balikbayan Night ang naging huling event ng pagdiriwang ng kauna-unahang Warek-Warek Festival sa ating bayan.

Masayang nakiisa ang inyong lingkod kasama si Konsehala Candy Caranto Andres, kasama rin ang ating mga kababayang balikbayan. Isang gabi ng saya, pagkakaibigan, at pagbabalik-tanaw sa ating pinagmulan.

Mabuhay ang ating bayan ng Cuyapo! πŸ§‘πŸ’œπŸ₯³

Pagbati ng Maligayang Kauna-unahang Pagdiriwang ng Warek-Warek Festival, CuyapeΓ±os! Happy Fiesta po sa ating lahat! 🧑πŸ₯³  ...
08/03/2026

Pagbati ng Maligayang Kauna-unahang Pagdiriwang ng Warek-Warek Festival, CuyapeΓ±os! Happy Fiesta po sa ating lahat! 🧑πŸ₯³

Pipilitin ko ang puso mong mahulog sakin 🎢 🧑😍
07/03/2026

Pipilitin ko ang puso mong mahulog sakin 🎢 🧑😍

Kitakits tayo diyan sa Cuyapo Nueva Ecija! 😊

Address

Cuyapo

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when John Paul Aquino Carbonel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to John Paul Aquino Carbonel:

Shortcuts

Share

Category