02/09/2026
Isang daan at tatlumpung taon ng tapang, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan.
Ngayong Setyembre 2, 2026, buong pagmamalaking ginugunita ng Nueva Ecija ang ๐๐ค๐-๐๐๐ ๐๐ง๐ข๐๐๐ซ๐ฌ๐๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐ ๐๐ง๐๐ง๐ ๐๐ข๐ ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐๐ฏ๐ ๐๐๐ข๐ฃ๐โisang mahalagang yugto sa kasaysayan ng lalawigan at ng pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan.
Noong Setyembre 2, 1896, pinangunahan nina Heneral Mariano Llanera at Capitan Pantaleon Valmonte, kasama ang mga matatapang na Novo Ecijano, ang makasaysayang pag-aaklas sa San Isidro, Nueva Ecija laban sa pamahalaang kolonyal ng Espanya.
Ang Nueva Ecija ay kabilang sa walong lalawigang unang naghimagsik laban sa Espanya noong 1896โmga lalawigang kinakatawan ng walong sinag ng araw sa Watawat ng Pilipinas. Isang karangalang nagpapaalala sa mahalagang ambag ng ating lalawigan sa kasaysayan ng bansa.
Makalipas ang 130 taon, nananatiling buhay ang diwa ng Unang Sigaw. Nawaโy patuloy nating dalhin ang tapang ng ating mga ninuno, pahalagahan ang kalayaang kanilang ipinaglaban, at magkaisa para sa patuloy na pag-unlad ng ating minamahal na lalawigan.
Ang kanilang sigaw noon ay bahagi ng ating pagkakakilanlan ngayon.
Sa pangunguna nina Governor Aurelio Oyie Matias Umali at Vice Governor Lemon Umali, patuloy na binibigyang-halaga ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija ang paggunita sa Unang Sigaw bilang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan bilang mga Novo Ecijano.
๐๐๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ฏ๐จ ๐๐๐ข๐ฃ๐๐ง๐จ!
๐๐๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐๐ฏ๐ ๐๐๐ข๐ฃ๐! ๐ต๐ญ๐พ๐