26/05/2025
Magandang Araw po sa ating mga kababayan sa Camarines Norte!
Hindi po nakakalimot ang inyong lingkod sa aking mga binitiwang salita patungkol sa paghahanap ng solusyon sa ating suliranin sa suplay ng tubig, kung kaya't muli po tayong nakipagharap sa pamunuan ng HANABANA, PrimeWater at Camarines Norte Water District upang pag-usapan ang pagpapatuloy ng mga proyektong tutugon sa kakulangan ng tubig lalo na sa mga Bayan ng Daet, Mercedes, Basud, Talisay, Vinzons at Labo.
Asahan niyo po na malulutas natin ang problema ng tubig sa lalong madaling panahon.