19/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐โ๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐
Mahigit 135 aspiring criminologists ang dumalo sa Opening Ceremony and Orientation ng Libreng Criminologist Licensure Examination (CLE) Review Program Batch 2026โ2027, na ginanap ngayong September 19, 2026 sa Provincial Capitol Building AVR, 3rd Floor.
Sa pangunguna ng Provincial Government of Camarines Norte through the Provincial Youth and Sports Development Office (PYSDO), katuwang ang ๐๐ซ. ๐๐๐ซ๐ฅ ๐. ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐๐๐ฏ๐ข๐๐ฐ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ซ, muling binigyang-diin ang patuloy na suporta sa mga kabataang CamNorteรฑo na nangangarap makamit ang kanilang lisensya at makapaglingkod sa larangan ng criminology.
Pinangunahan ni ๐๐ข๐๐๐ฒ ๐น. ๐จ๐๐รฑ๐, ๐จ๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐ซ๐ถ/๐ช๐จ๐ถ ๐ฐ๐ฝ, ang mensahe para sa mga reviewees, kung saan hinikayat ang bawat isa na harapin ang buong review period nang may 100% commitment, tiyaga, at determinasyon hanggang sa araw ng pagsusulit.
Nagpaabot din ng suporta si Provincial Administrator ๐ซ๐๐ ๐ฌ๐
๐๐๐๐
๐ ๐บ. ๐ท๐๐
๐๐๐๐, gayundin si ๐ฎ๐๐๐๐๐๐๐ ๐น๐๐๐๐๐๐ โ๐ซ๐๐๐โ ๐ท๐๐
๐๐๐๐ sa pamamagitan ni Maโam ๐ฌ๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐๐, ๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐๐๐๐. Binigyang-diin ang patuloy na suporta ng Padilla-Ascutia Administration sa mga programang nagbubukas ng oportunidad para sa kabataan, gayundin ang paniniwalang ang mga reviewees ay magiging mga karagdagang haligi ng lipunan sa hinaharap.
Samantala, nagpaabot din ng mensahe si ๐ฉ๐๐๐๐
๐ด๐๐๐๐๐ ๐น๐๐๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐๐๐, na binigyang-diin na hindi lamang sa pagiging pulis nagtatapos ang mga oportunidad para sa mga RCrim passers. Kaugnay nito, hinikayat niya ang mga reviewees na ibigay ang kanilang best, magtiyaga sa pagrereview, at magsunog ng kilay para sa kanilang pangarap at pamilya.
Nagbigay rin ng mensahe si ๐ฉ๐๐๐๐
๐ด๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐, na muling tiniyak ang buong suporta ng Padilla-Ascutia Administration sa mga aspirants. Inihayag din nina Board Members Paul Gache at Renee Herrera ang planong paghahain ng isang Resolution upang maisulong ang pagkakaroon ng Criminologist Licensure Examination sa Camarines Norte, na makatutulong upang mas mapalapit at mapadali ang proseso para sa mga examinees.
Mula naman sa Dr. Carl E. Balita Review Center, nagbigay ng mensahe si Sir ๐ฑ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐, Branch Manager, at hinikayat ang mga reviewees na manatiling committed at magpatuloy hanggang dulo ng kanilang paghahanda.
Bilang simbolo ng kanilang commitment, sabay-sabay na nanumpa at lumagda sa Pledge of Commitment ang mga reviewees, bilang kanilang pangako na seryosong haharapin ang buong duration ng review program at gagawin ang kanilang bahagi upang makamit ang kanilang layunin.
Sinundan ito ng orientation proper sa pangunguna ni Sir Bryan, kung saan ipinakilala ang mga instructors, tinalakay ang mga subjects, review schedule, at iba pang mahahalagang detalye na gagabay sa mga aspirants sa kanilang paghahanda para sa CLE.
Ikatlong batch na ng Libreng CLE Review Program ang isinasagawa ng Provincial Government of Camarines Norte, patunay ng patuloy na pagbibigay ng oportunidad at suporta sa mga kabataang CamNorteรฑo na nagsusumikap para sa kanilang propesyon at kinabukasan.
Kung may pangarap, may pagkakataon. Kung may pagkakataon, samahan ng commitment, sipag, at tiyaga.
Where dreams and the dreamer become one. ๐