20/08/2026
Isang makabuluhang gabi ng pagkilala, pagkakaibigan, at pagdiriwang ng inobasyon sa 2026 Regional Science, Technology and Innovation Week (RSTW) in Bicol Fellowship Night and PiΓ±avation Gala na ginanap kagabi sa University of Camarines Norte.
Isang karangalan po para sa Daet na maging bahagi ng pagtitipong nagbibigay-pugay sa mga taong patuloy na gumagamit ng Science, Technology, and Innovation upang makalikha ng mas maraming oportunidad at solusyon.
Nagpapasalamat rin po tayo sa presensya nina DOST Secretary Dr. Renato U. Solidum Jr., DOST Under Secretary for Regional Operations Engr. Sancho A. Mabborang, DOST Bicol Regional Director Rommel R. Serrano, CESO III, Governor Ricarte βDongβ Padilla, Vice-Governor Joseph Ascutia, at Hon. Mariano E. Palma, kasama ang lahat ng mga lider, innovators, scientists, researchers, at partners na patuloy na nagsusulong ng STI sa Bicol.
Ang awarding ng mga plaque ay hindi lamang pagkilala sa mga natatanging ambag, kundi paalala rin na ang tunay na pag-unlad ay nabubuo sa pamamagitan ng kaalaman, pakikipagtulungan, at makabagong pag-iisip.
Bilang isang bayan, ikinagagalak nating maging bahagi ng ganitong mga pagtitipon at suportahan ang mga inisyatibang nagbibigay-daan sa isang mas makabago, mas matatag, at mas maunlad na Bicol.
Salamat sa DOST at sa lahat ng naging bahagi ng 2026 RSTW in Bicol. Mabuhay ang Science, Technology, and Innovation!