04/09/2026
ππππππ πππ ππ πππππ ππ ππππ, ππππππππππ ππ ππππππππππππ!
Matagumpay at masiglang ipinagdiwang ng Pamahalaang Bayan ng Labo ang Manide Day nitong Setyembre 3, 2026, sa pangunguna ni Mayor Jojo Francisco, katuwang ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Alvin Bardon.
Nagsimula ang pagdiriwang sa pamamagitan ng parada, na sinundan ng pambungad na mensahe ni Christopher Barcia, CDO III ng NCIPβLabo Service Center. Nagpaabot din ng mensahe ng suporta sina Konsehal/BM Rey Kenneth Oning, Konsehal June Mago, Konsehal Ronel Laguador, Konsehal Carlo Pardo, at Konsehal Nick Neri.
Isinagawa rin ang iba't ibang sabayang serbisyo at aktibidad para sa mga Manide, kabilang ang PSA/National ID registration, MCDC Palarong Lahi, MSWDO orientation hinggil sa RA 11596 para sa mga kabataan, pagpaparehistro ng senior citizens, orientation tungkol sa VAWC para sa mga mag-asawa, ceremonial turnover ng SLP SED capital, at Mayor's Hour.
Sa bahagi ng programa sa hapon, nagbigay ng mensahe si Atty. Roland Calde, Regional Director ng NCIP Region V, na binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kultura at pagtataguyod ng kapakanan at karapatan ng mga katutubong Manide.
Tampok din sa pagdiriwang ang Kasalang Manide, kung saan 20 magkapareha ang ikinasal. Pinangunahan ni Mayor Severino H. Francisco Jr. ang seremonya bilang solemnizing officer.
Naging pagkakataon ang Manide Day upang mapalakas ang pagkakaisa at maipagpatuloy ang mga programa at serbisyong naglalayong itaguyod ang kultura, karapatan, at kapakanan ng komunidad ng Manide sa Bayan ng Labo.
βοΈ | Pastor Jhun Villaraza
πΈ | Fiel Angelo Solares