PNP Camarines Norte Police Provincial Office

PNP Camarines Norte Police Provincial Office Pulis Bantayog was hailed from the first ever monument of Dr. Jose Rizal located at Daet, Camarines Norte.
(6)

Like our national hero, we are committed towards service, honor and justice for the betterment of the country

02/06/2026
DALAWANG MOST WANTED PERSONS, NAARESTO SA MAGKAHIWALAY NA OPERASYON NG MERCEDES MPSMuling pinatunayan ng Mercedes Munici...
02/06/2026

DALAWANG MOST WANTED PERSONS, NAARESTO SA MAGKAHIWALAY NA OPERASYON NG MERCEDES MPS

Muling pinatunayan ng Mercedes Municipal Police Station ang kanilang kahusayan sa pagpapatupad ng batas matapos matagumpay na maaresto ang dalawang Most Wanted Persons sa magkahiwalay na operasyon nitong June 1, 2026, sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Bandang alas-9:40 ng umaga, naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Tracker Team ng Mercedes MPS bilang lead unit katuwang ang Provincial Intelligence Unit, Provincial Intelligence Team Camarines Norte, Regional Intelligence Unit 5, at Camarines Norte 1st Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng superbisyon ni PCPT Arthur S Borja, Acting Chief of Police, ang Provincial Most Wanted Person Rank No. 6 na kinilalang si alyas “Roy,” 52 taong gulang, construction worker, at residente ng Brgy. Mambungalon, Mercedes, Camarines Norte.

Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Qualified R**e of a Minor sa ilalim ng Criminal Case No. 34839 na inilabas ng Family Court, Fifth Judicial Region, Daet, Camarines Norte noong Mayo 28, 2026. Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Samantala, bandang alas-12:15 ng tanghali ng parehong araw, naaresto rin ng magkatuwang na operatiba ng Mercedes MPS, PIU, 503rd Maneuver Company ng RMFB5, at CN 1st PMFC ang Municipal Most Wanted Person Rank No. 8 na kinilalang si alyas “Noel,” 35 taong gulang, laborer, at residente ng Mercedes, Camarines Norte.

Siya ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa paglabag sa Section 5(A) at Section 5(I) ng Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act, sa ilalim ng Criminal Case Nos. 34861, 34862, at 34863 na inilabas din ng nasambit na hukuman.

Itinakda ang piyansang ₱36,000.00 bawat isa para sa dalawang bilang ng paglabag sa Section 5(A) at ₱72,000.00 para sa paglabag sa Section 5(I).

Sa kasalukuyan, ang dalawang naarestong indibidwal ay nasa kustodiya ng Mercedes MPS para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Patuloy namang pinaigting ng Camarines Norte Police Provincial Office ang kampanya laban sa mga wanted person bilang bahagi ng mas pinaigting na law enforcement operations.


Monthly Accomplishment on Illegal Drugs
01/06/2026

Monthly Accomplishment on Illegal Drugs


HAPPY BIRTHDAY, HON. RICARTE “DONG” PADILLA!On this special occasion, the men and women of the Camarines Norte Police Pr...
01/06/2026

HAPPY BIRTHDAY, HON. RICARTE “DONG” PADILLA!

On this special occasion, the men and women of the Camarines Norte Police Provincial Office extend our warmest and sincerest birthday greetings to our beloved Governor, Hon. Ricarte “D**g” Padilla.

May God continue to bless you with good health, happiness, wisdom, and strength as you steadfastly serve the people of Camarines Norte. Your dedication, compassion, and exemplary leadership have been a source of inspiration and hope to the community you serve.

As you celebrate another year of life, we pray for your continued success and fulfillment in all your endeavors. May you remain guided by faith and empowered to lead with integrity, vision, and commitment for the progress and welfare of our province.

On behalf of the entire Camarines Norte Police Provincial Office, we wish you a joyous and meaningful birthday filled with abundant blessings and cherished moments with your loved ones.

Happy Birthday, Governor D**g!

From PCOL PAUL F ABAY, Provincial Director and The Men and Women of CAMARINES NORTE POLICE PROVINCIAL OFFICE

𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐖𝐀𝐍𝐓𝐄𝐃 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍, 𝐀𝐑𝐄𝐒𝐓𝐀𝐃𝐎 𝐒𝐀 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐊𝐀𝐇𝐈𝐖𝐀𝐋𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍 𝐀𝐓 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐁𝐎, 𝐂𝐀𝐌𝐀𝐑𝐈𝐍𝐄𝐒 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐄LAB...
01/06/2026

𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐖𝐀𝐍𝐓𝐄𝐃 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍, 𝐀𝐑𝐄𝐒𝐓𝐀𝐃𝐎 𝐒𝐀 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐊𝐀𝐇𝐈𝐖𝐀𝐋𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍 𝐀𝐓 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐁𝐎, 𝐂𝐀𝐌𝐀𝐑𝐈𝐍𝐄𝐒 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐄

LABO, Camarines Norte – Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Labo Municipal Police Station (MPS), katuwang ang iba pang operating units, ang dalawang wanted person sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa nitong Mayo 29, 2026 sa Quezon Province at bayan ng Labo, Camarines Norte.

Unang naaresto bandang 8:00 ng umaga sa Brgy. Lalaguna, Lopez, Quezon Province ang isang lalaki na kinilalang si alyas “John,” 32 taong gulang at residente ng Brgy. Tigbinan, Labo, Camarines Norte.

Ang operasyon ay isinagawa ng Labo MPS katuwang ang Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), Camarines Norte Criminal Investigation and Detection Team (CIDT), at Camarines Norte Provincial Intelligence Unit (PIU) sa ilalim ng superbisyon ni PLTCOL Andy O Rosero, Chief of Police ng Labo MPS.

Inaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas nitong Mayo 21, 2026 kaugnay ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004,” na may inirekomendang piyansa na Php72,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Samantala, bandang 2:20 ng hapon naman ay matagumpay ding naaresto sa Labo, Camarines Norte ang nakatalang Municipal Rank No. 1 Most Wanted Person ng bayan ng Vinzons, Camarines Norte na kinilalang si alyas “Many,” 24 taong gulang at residente ng Purok 1, Brgy. Sabang, Vinzons, Camarines Norte.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Labo MPS, Vinzons Municipal Police Station, Camarines Norte 2nd PMFC, Camarines Norte CIDT, at Camarines Norte PIU sa ilalim pa rin ng superbisyon ni PLTCOL Andy I Rosero.

Ang nasabing akusado ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong R**e na inisyu nitong Hunyo 25, 2025, na may rekomendasyong walang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa parehong operasyon, maayos na ipinaalam sa mga akusado ang dahilan ng kanilang pagkakaaresto at kanilang mga karapatang konstitusyonal sa wikang kanilang nauunawaan.

Matapos nito ay dinala sila sa Rural Health Unit ng Labo para sa physical at medical examination bago itinurn-over sa kustodiya ng Labo MPS para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon habang hinihintay ang pagbabalik ng warrant sa mga hukuman na nagpalabas nito.

Patuloy namang pinaigting ng Camarines Norte Police Provincial Office ang kampanya laban sa mga wanted person bilang bahagi ng mas pinaigting na law enforcement operations upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.



𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗖𝗔𝗟𝗘PARACALE, Camarines Norte — Dalawang hini...
31/05/2026

𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗖𝗔𝗟𝗘

PARACALE, Camarines Norte — Dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Paracale Municipal Police Station (MPS) katuwang ang iba pang operating units bandang 1:34 ng madaling araw nitong Mayo 29, 2026 sa Brgy. Capacuan, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang mga naarestong suspek sa kanilang mga alyas na “Alias Anie” at “Alias Oshua,” na kapwa itinuturing na Street Level Individuals (SLI).

Nagresulta ang operasyon sa pagkakasamsam ng humigit-kumulang limang (5) gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price (SDP) na nagkakahalaga ng Php34,000.00, buy-bust money, at iba pang personal na gamit.

Ang operasyon ay pinangunahan ni PEMS Rosendo D. Cabase sa ilalim ng superbisyon ni PMAJ Jayson B. Andres, Chief of Police ng Paracale MPS, at isinagawa sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office V (PDEA ROV).

Matapos ang operasyon ay isinagawa ang kaukulang inventory at pagmamarka ng mga nakumpiskang ebidensya sa presensya ng mga mandatory witnesses alinsunod sa umiiral na batas.

Naipabatid din sa mga suspek ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng custodial investigation.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Paracale MPS ang mga naarestong indibidwal at mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”

Patuloy namang pinaigting ng Camarines Norte Police Provincial Office ang kampanya laban sa ilegal na droga bilang bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.



LOOK:On May 29, 2026 at around 1:00 PM, PCOL Paul F Abay, Provincial Director, together with PLTCOL Rogelyn C Peratero, ...
29/05/2026

LOOK:On May 29, 2026 at around 1:00 PM, PCOL Paul F Abay, Provincial Director, together with PLTCOL Rogelyn C Peratero, DPDO, attended the 2nd Quarter Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) Meeting presided over by Hon. Ricarte R. Padilla, Governor of Camarines Norte.

The meeting was held at the Governor’s Office Conference Room, Provincial Capitol, Daet, Camarines Norte, and focused on matters concerning the implementation and strengthening of the E-CLIP program in the province.


29/05/2026

STRAIGHT FROM TEAM PNP FACEBOOK LIVE l MAY 29, 2026







28/05/2026

Address

Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr. , Brgy. Dogongan, Camarines Norte
Daet
4600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Camarines Norte Police Provincial Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PNP Camarines Norte Police Provincial Office:

Share