PNP Camarines Norte Police Provincial Office

PNP Camarines Norte Police Provincial Office Pulis Bantayog was hailed from the first ever monument of Dr. Jose Rizal located at Daet, Camarines Norte.
(3)

Like our national hero, we are committed towards service, honor and justice for the betterment of the country

๐—–๐—ก๐—ฃ๐—ฃ๐—ข ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐˜€ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐—™๐—น๐—ฎ๐—ด ๐—ฅ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜†On August 3, 2026, the Camarines Norte Police Provincial Office (...
03/08/2026

๐—–๐—ก๐—ฃ๐—ฃ๐—ข ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐˜€ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐—™๐—น๐—ฎ๐—ด ๐—ฅ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜†

On August 3, 2026, the Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) conducted its Traditional Monday Flag Raising Ceremony at Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr., Brgy. Dogongan, Daet, Camarines Norte. The ceremony was presided over by PCOL Dave A Mejia, Acting Provincial Director, together with the members of the Provincial Staff and CNPPO personnel.

During his message, PCOL Mejia underscored the importance of discipline, integrity, accountability, and professionalism in the performance of police duties. He encouraged all personnel to remain steadfast in delivering responsive, honest, and people-centered police service, emphasizing that every police officer must uphold the highest standards of conduct and strengthen public trust through dedicated service. He also reminded everyone to maintain teamwork, commitment, and operational readiness in support of the programs and objectives of the Philippine National Police under the vision of a safer and more secure community.

The ceremony also served as an opportunity to recognize the accomplishments of CNPPO personnel, reinforce organizational values, and inspire every member to continue providing quality public service anchored on the principles of "To Serve and Protect."


03/08/2026
03/08/2026
03/08/2026
03/08/2026
03/08/2026

TATLONG REGIONAL MOST WANTED PERSON SA BICOL, ARESTADO SA WEEKEND MANHUNT NG PRO 5

Tatlong Regional Most Wanted Person (RMWP) sa Rehiyon ng Bicol ang naaresto ng Police Regional Office 5 (PRO 5) sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa nitong nagdaang weekend bilang bahagi ng pinaigting na manhunt operations laban sa mga wanted na indibidwal.

Ang magkakasunod na pagkakaaresto ay resulta ng mas pinalakas na koordinasyon ng ibaโ€™t ibang yunit ng PNP at mga katuwang na ahensya sa pagpapatupad ng batas, alinsunod sa PNP Focused Agenda partikular na sa ilalimn ng Enhanced Managing Police Operations.

Dakong alas-4:00 ng hapon noong Agosto 1, 2026, naaresto sa bayan ng Palanas, Masbate ang Rank 2 Regional Most Wanted Person ng Bicol na kinilala sa alyas na โ€œPat,โ€ 21 taong gulang at residente ng Cawayan, Masbate.

Ang operasyon ay pinangunahan ng CIDG Masbate Provincial Field Unit katuwang ang RIU/PIT 5 Masbate, 94th Special Action Company ng 9th Special Action Battalion, Delta Company ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army, 96th MICO, at Palanas MPS.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte para sa kasong murder, na walang inirekomendang piyansa.

Kinabukasan, Agosto 2, 2026, nadakip naman sa Brgy. Bapor, Masbate City ang Rank 4 Regional Most Wanted Person ng rehiyon na kinilala sa alyas na โ€œAndy,โ€ 72 taong gulang at tubong Uson, Masbate.

Ang operasyon ay isinagawa ng CIDG Masbate PFU bilang lead unit, kasama ang RIU/PIT 5 Masbate, 94th SAC ng 9th SAB, Masbate 1st Provincial Mobile Force Company, at Masbate City Police Station. Nahaharap din ang suspek sa kasong murder.

Samantala, sa probinsya ng Albay, naaresto rin sa Ligao City ang Rank 6 Regional Most Wanted Person na kinilala sa alyas na โ€œLeo,โ€ 77 taong gulang.

Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit ng Albay PPO, Ligao City Police Station, at 505th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 5. Ang suspek ay nahaharap sa dalawang bilang ng kasong r**e.

Ayon sa PRO 5, ipinaalam sa tatlong naarestong suspek ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng Saligang Batas at sumailalim din sila sa mandatory medical examination bago dinala sa kustodiya ng mga awtoridad para sa kaukulang legal na proseso.

Pinuri ni PBGEN Erosito N Miranda, Regional Director, PRO 5, ang mga operatiba at mga katuwang na ahensya sa matagumpay na pagsasagawa ng mga operasyon.

โ€œAng magkakasunod na pagkakaaresto ng ating mga Regional Most Wanted Person ay malinaw na bunga ng matatag na koordinasyon, masusing intelligence operations, at walang humpay na determinasyon ng ating kapulisan at mga partner agencies. Patuloy nating palalakasin ang ating kampanya laban sa mga wanted na indibidwal upang matiyak ang kaligtasan at kapanatagan ng ating mga komunidad,โ€ ani PBGEN Miranda.

Dagdag pa niya, ang naturang accomplishment ay patunay ng mas pinaigting at pinalakas na police operations sa ilalim ng PNP Focused Agenda, partikular sa Enhanced Managing Police Operations, na naglalayong paigtingin ang surveillance, intelligence gathering, at inter-agency coordination.

Ang PRO 5 ay mananatiling prayoridad nito ang paghuli sa mga wanted na personalidad at ang patuloy na paghahatid ng mabilis, tapat, at nararamdamang serbisyo publiko, bilang ambag sa layunin ng PNP at ng pamahalaan para sa isang mas ligtas, mas maayos, at mas mapayapang Bagong Pilipinas.






Philippine National Police
Police Community Affairs and Development Group - National Headquarters

03/08/2026

MABILIS NA AKSYON NG AROROY PULIS, NAGRESULTA SA PAGKAKADAKIP SA ARMADONG SUSPEK SA CHECKPOINT

Nauwi sa matagumpay na pagkakaaresto sa isang armadong suspek ang mabilis na aksyon ng mga tauhan ng Aroroy Municipal Police Station matapos itong mahulihan ng hindi lisensyadong baril sa isinagawang checkpoint operation sa Brgy. Malubi, Aroroy, Masbate.

Batay sa ulat ng Masbate Police Provincial Office, dakong alas-9:30 ng gabi noong Agosto 2, 2026, habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Aroroy MPS sa kahabaan ng highway ng Brgy. Malubi nang mapansin nila ang isang paparating na motorsiklong Kawasaki Bajaj na kulay itim na may plakang 544ESA.

Ayon sa mga operatiba, nang mapansin ng driver at ng kanyang angkas ang presensya ng checkpoint, bigla silang huminto at sinubukang maniobrahin ang motorsiklo upang makaiwas sa inspeksyon. Dahil sa kahina-hinalang kilos ng dalawang indibidwal, agad silang nilapitan ng mga tauhan ng Aroroy MPS upang beripikahin ang kanilang sitwasyon.

Habang nilalapitan ng mga pulis ang naturang motorsiklo, nakita nila ang backrider na biglang bumunot ng isang baril mula sa kanyang itim na sling bag at sinubukang itapon ito. Agad namang kumilos ang mga operatiba at mabilis na naagapan ang suspek sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang kamay na may hawak ng armas, na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Nakilala ang naarestong suspek bilang si โ€œRickyโ€, habang ang driver ng motorsiklo ay kinilalang si โ€œMikeโ€.

Sa isinagawang inspeksyon, narekober mula sa posisyon at kontrol ng suspek ang isang unit ng caliber .38 revolver na walang marka at serial number, na may lamang tatlong live ammunition sa silindro nito, isang itim na holster, at isang itim na sling bag.

Agad dinala ang suspek sa Aroroy MPS kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Ipinaalam sa kanya ang mga karapatan sa ilalim ng Saligang Batas sa wikang kanyang nauunawaan at isinailalim din sa medical examination sa Aroroy Municipal Hospital.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Fi****ms and Ammunition Regulation Act.

Pinuri ni PBGEN EROSITO N MIRANDA, Regional Director ng Police Regional Office 5, ang mabilis at propesyonal na pagtugon ng mga tauhan ng Aroroy MPS na nagresulta sa pagkakadakip sa isang indibidwal na lumabag sa batas hinggil sa pagmamay-ari at pagdadala ng baril.

Ang pamunuan ng PRO 5 ay patuloy na magsasagawa ng mga police checkpoint at iba pang law enforcement operations bilang bahagi ng pagsisikap upang mapigilan ang krimen, mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, at matiyak ang kaligtasan ng publiko sa buong rehiyon ng Bicol.






Philippine National Police
Police Community Affairs and Development Group - National Headquarters

03/08/2026

TATLONG INDIBIDWAL, ARESTADO SA PAGLABAG SA RA 9165 MATAPOS MAHULING NAGSASAGAWA NG POT SESSION SA MALILIPOT, ALBAY

Bilang bahagi ng pinaigting na police presence at intelligence-driven operations alinsunod sa PNP Focused Agenda, matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Malilipot Municipal Police Station ang tatlong indibidwal matapos mahuling aktwal na gumagamit ng hinihinalang ilegal na droga sa isang lugar sa Brgy. 1, Malilipot, Albay.

Batay sa ulat mula sa Albay Police Provincial Office, dakong alas-10:25 ng gabi noong Agosto 2, 2026, habang nagsasagawa ng intelligence monitoring ang mga tauhan ng Malilipot MPS, namataan nila ang mga suspek na nasa kalagitnaan ng isang pot session o paggamit ng hinihinalang dried ma*****na leaves. Dahil dito, agad na kumilos ang mga operatiba at isinagawa ang pag-aresto sa mga suspek sa aktong paggamit ng naturang substansiya.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Jan, Erick at Caloy, pawang mga nasa hustong gulang.

Nakuha mula sa kanilang pag-iingat, kontrol, at kustodiya ang isang glass tube pipe o tooter na may lamang sunog na dahon na hinihinalang ma*****na; isang ziplock plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang dried ma*****na leaves na may tinatayang bigat na 0.42 gramo at may standard drug price na Php50.40; isang asul na lighter; isang puting cellphone case; isang maliit na kahoy na stick; isang berdeng tecno Spark cellular phone; at isang berdeng honor cellular phone na may silicone case.

Ang mga naarestong indibidwal ay ipinaalam ang dahilan at kalikasan ng kanilang pagkakaaresto at ipinaalam din sa kanila ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng Saligang Batas sa wikang kanilang nauunawaan. Ang mga suspek, kasama ang mga nakumpiskang ebidensya, ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Malilipot MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Isinailalim ang mga suspek sa pisikal at medikal na eksaminasyon sa Ziga Memorial District Hospital. Samantala, ang imbentaryo ng mga nakumpiskang bagay ay isinagawa sa presensya ng mga itinalagang insulating witnesses alinsunod sa mga itinakdang pamamaraan ng batas.

Pinuri ni PBGEN EROSITO N MIRANDA, Regional Director, PRO 5, ang mabilis at maagap na pagkilos ng mga tauhan ng Malilipot MPS na nagresulta sa pagkakahuli sa mga indibidwal na sangkot sa paggamit ng ilegal na droga.

Ang PRO 5 ay patuloy na palalakasin ng police presence, intelligence operations, at operasyon kontra ilegal na droga ay bahagi ng dedikasyon upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa komunidad at maihatid ang mabilis, tapat, at nararamdamang serbisyo publiko sa mamamayan ng Bicol alinsunod sa PNP Focused Agenda sa ilalim ng Enhanced Managing Police Operations.






Philippine National Police
Police Community Affairs and Development Group - National Headquarters

03/08/2026

READ: Owning, acquiring, or possessing a loose firearmโ€”whether an unregistered firearm or one possessed without the required legal authority or licenseโ€”is a violation of the law and carries corresponding penalties. The Philippine National Police reminds the public that responsible firearm ownership and strict compliance with existing fi****ms regulations are essential in maintaining peace, order, and public safety.




Address

Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr. , Brgy. Dogongan, Camarines Norte
Daet
4600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Camarines Norte Police Provincial Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PNP Camarines Norte Police Provincial Office:

Shortcuts

Share