Barangay IV PWD Association - BAPDA

Barangay IV PWD Association - BAPDA Ito ang Official page ng BARANGAY IV PERSONS WITH DISABILITY ASSOCIATION (BAPDA)
Barangay IV Daet, Camarines Norte

Tayo po ay nagpapasalamat sa mga miyembro ng ating samahan na dumalo sa ating Regular Monthly Meeting na ginanap noong S...
23/02/2026

Tayo po ay nagpapasalamat sa mga miyembro ng ating samahan na dumalo sa ating Regular Monthly Meeting na ginanap noong Sabado, Pebrero 21,202 sa ating barangay hall.

Nakakataba po ng puso ang patuloy ninyong suporta.

Sa ating pong pagpupulong, atin pong tinalakay ang ating Taunang Plano sa Pamumuhunan o Annual Investment Plan (AIP), atin pong inisa isa ang pagkakagastusan ng ating samahan sa loob ng isang taon. Ang budyet po ng ating sektor ay nagmula sa Isang poryentong(1%) bahagi mula naman sa National Tax Allocation ng ating barangay. Kaakibat po nito, atin rin pong ipinaliwanag ang ating Action Plan, kung saan ito ang magiging giya o guide
natin kung kailan natin isasagawa ang mga aktibidad at programa sa loob rin ng isang taon.

Maraming salamat din po sa ating Kagawad In Charge, Kagawad Melinda A. Rafer sa kanyang mensahe na ipinarating sa ating mga kasamahan. Sa ating Kagawad Ritchel C. Raña, sa kanyang ipinamigay na regalo para sa mga may kaarawan sa buwan ng Pebrero at sa kanya ring mensahe para sa ating samahan, sa ating butihing Punong Barangay, Kapitan Sonia K. Bermas sa kanyang dagdag na pagpapaliwanag ukol sa ating AIP, mensahe rin sa ating samahan at ang pag imbita sa nalalapit na Barangay Assembly sa Marso 28, 2026. At sa ating Barangay Council, maraming maraming salamat po sa patuloy nyong pag suporta sa mga programa, proyekto at aktibidad ng samahan para sa kapakanan ng mga taong may kapansanan ng ating komunidad.

Muli, salamat po , God bless po sa ating lahat.

Kahapon, Pebrero 21, 2026,  ating pinag distribute ang mga Philhealth IDs kasama ang kanilang MDRS sa ating mga miyembro...
22/02/2026

Kahapon, Pebrero 21, 2026, ating pinag distribute ang mga Philhealth IDs kasama ang kanilang MDRS sa ating mga miyembro. Ngayon sila ay ganap nang miyembro ng Philhealth, isa ito sa ating mga programa na ang lahat miyembro ng PWDs sa ating barangay ay kinakailangan magkaroon at mapasama sa National Insurance Program ng ating pamahalaan. Ang ating samahan na po ang nag pro proseso nito sa Philhealth, ito po ay para sa mas mabilis at agarang aksyon sa pakikipagtulungan po ni Ma'am Eva F. Buan ng Philhealth. Maraming salamat po Ma'am Eva. Kasama rin ang ating Punong Barangay Sonia K. Bermas sa pamamahagi ng kanilang mga Philhealth IDs.

Late posting....Noong Pebrero 12, 2026, nagkaroon tayo ng pagkakataon na mag Courtesy call sa ating Acting Governor Jose...
22/02/2026

Late posting....

Noong Pebrero 12, 2026, nagkaroon tayo ng pagkakataon na mag Courtesy call sa ating Acting Governor Joseph V. Ascutia, ating inilatag ang mga issues at concerns na kinakaharap ng sektor ng PWDs , ito ay para para sa kaayusan at mapa bilis ang aksyon sa mga kinahaharap na mga problema ng PWDs. Kasama ang ating Committee Chairman ng PWD Kagawad Melinda A. Rafer at Co- Chairman Kagawad Gilbert S. Tolentino at Kagawad Janeth Gouc ng Barangay Mangcruz

Late Posting.....Ang inyo pong lingkod ay nagkaroon ng pagkakataon noong Pebrero 12, 2025 para maipaliwanag ng lubos sa ...
19/02/2026

Late Posting.....

Ang inyo pong lingkod ay nagkaroon ng pagkakataon noong Pebrero 12, 2025 para maipaliwanag ng lubos sa ating Barangay Council sa kanilang 4th Regular Session ang nilalaman ng ating Taunang Plano sa Pamumuhunan o Annual Investment Plan. Bagamat naipasa na natin ito noon pang unang mga araw ng Enero sa ating Barangay Treasurer ay hindi pa natin ito naipapaliwanag sa ating Barangay Council. Kaya't binigyan tayo ng pagkakataon na ilatag ito sa kanila.

Atin po itong ipinaliwanag ang mga programa, proyekto at aktibidad na pagkakagastusan na mula naman sa isang porsyentong (1%) alokasyon ng ating sektor na nagmula naman sa National Tax Allocation ng ating Barangay.

Dagdag pa rito ang pagpapaliwanag tungkol sa taunang Action Plan para sa ating giya para sa pagpapatupad ng mga programa ng ating samahan.

Salamat po sa ating pitong pinagpipitagang mga Kagawad ng Barangay at sa ating minamahal na Punong Barangay Sonia K. Bermas sa kanilang pag suporta sa ating mga plano para sa kapakanan at ikabubuti para sa sektor ng mga taong may kapansanan sa ating barangay.

14/02/2026
Matagumpay natin pong naisagawa ang taunang General Assembly ng ating samahan ngayong araw Enero 31, 2025 sa Multipurpos...
31/01/2026

Matagumpay natin pong naisagawa ang taunang General Assembly ng ating samahan ngayong araw Enero 31, 2025 sa Multipurpose Hall ng barangay.

Ito po ang taunang paglalahad ng ating mga naging accomplishment sa nagdaang taon 2025. Ang pagpapaliwanag din ng ating kalagayang pinansyal ng samahan sa tulong ng ating Ingat Yaman.

Ito rin po ang pagkakataon ng paglalatag natin ng mga programa, proyekto at aktibidad na gagawin para sa taong 2026. At ang ating mga istratehikong plano sa mga susunod na dalawang taon 2026-2027.

Maraming salamat sa ating mga miyembro at opisyales na dumalo. Sa ating Kagawad Gilbert S. Tolentino, Kagawad Emma S. Bariuan, Punong Barangay Sonia K. Bermas sa pagbibigay ng kanilang inputs at patuloy nilang suporta sa ating sektor. Kanilang binigyan pansin ang tungkol sa basura dahil sa hinaharap na problema nito. Sa ating Kagawad Ritchel C. Raña sa pagbibigay ng regalo para sa mga may kaarawan sa buwan ng Enero at bigas naman para sa may kaarawan ng Nobyembre at Disyembre na galing kay Congressman Rosemarie C. Panotes sa pamamagitan ni Kag. Raña. Maraming maraming salamat po.

LATE POSTING...Naisagawa ng ating samahan ang Year -End Clean Up Drive noong Disyembre 21, 2025 sa vacinity ng ating Bar...
29/12/2025

LATE POSTING...

Naisagawa ng ating samahan ang Year -End Clean Up Drive noong Disyembre 21, 2025 sa vacinity ng ating Barangay Hall, nakisama ang mga opisyales at miyembro ng ating samahan. Salamat po sa nagbigay ng nilagang itlog at tubig. Salamat din sa mga nakibahagi ng ating proyekto.

LATE POSTING....Matagumpay nating naisagawa ang ating Year-End Assessment and Outreach Program (Christmas Party) noong D...
29/12/2025

LATE POSTING....

Matagumpay nating naisagawa ang ating Year-End Assessment and Outreach Program (Christmas Party) noong Disyembre 18, 2025 na ginanap sa ating barangay hall, Mahigit 180 na miyembro, representative, guardian ang dumalo sa ating taunang pagdiriwang na ito. Kasama rin ang ilang opisyales ng barangay sa pamumuno ng ating butihing Kapitan Sonia K. Bermas, sa ating PWD Committee Chairman Kagawad Melinda A. Rafer at sa ating Education Committee Chairman Kagawad Judy Deloso na nagbigay ng mensahe para sa paskong darating at mga inspiradong pananalita.

Nakatanggap ang bawat miyembro, representative at guardian ng regalo para sa karagdagang pang noche buena at dalawang daan piraso na naka pack na pagkain na inihanda ng samahan para pag salo salohan sa nasabing aktibidad. Nagkaroon din ng pa raffle na bigas, rice cooker na mula kay Ms. Joan Asistin at iba pa na bigay naman nina Kagawad Mario Yongco at Kagawad Ritchel Raña , nagbigay din ng pa raffle na pera si Kagawad Melinda Rafer at Kagawad Judy Deloso at sampung piraso na ham mula sa ating Maogmang Mayor Ronnie Valencia.

Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, ay higit nating napapalakas ang ating pagsasamahan sa bawat miyembro na siyang ating pundasyon para sa matagumpay na serbisyo para sa ating mga miyembro ng samahan.

Maraming salamat po at Maligayang Kapaskuhan at Masaganang Bagong Taon sa ating lahat.



LATE POSTING....Sampung katao ang nagpamalas ng kanilang galing sa pag awit at isang grupo rin ang nagpakita ng kanilang...
29/12/2025

LATE POSTING....

Sampung katao ang nagpamalas ng kanilang galing sa pag awit at isang grupo rin ang nagpakita ng kanilang galing sa pag sayaw ang nag paligsahan na lahat ay pawang miyembro ng Persons with Disability ng Ikalawang Distrito ng Kamarines Norte para sa 2nd Year ng " BEYOND LIMITS" (concept ng GOT TALENT) na ginanap sa SM City Daet - Activity Area noong Disyembre 9, 2025.

Pinamunuan ng ating samahan ang pag organisa ng nasabing aktibidad. Ang ganitong inisyatiba ay para ipakita natin na hindi hadlang ang kapansanan para maipakita natin ang ating talento sa larangan ng pag awit at pag sayaw. Ang aktibidad nating ito ay parte ng taunang pagdiriwang ng "International Day of Persons with Disabilities" noong December 3.

Tayo ay nagpapasalamat sa pamunuan ng SM City Daet dahil sa kanilang unwavering na suporta, kay Congresswoman Rosemarie Panotes, Vice Mayor Benito Ochoa at Father Vincent Romualdez sa kanilang tulong pinansyal. Sa ating dalawang Barangay Kagawad Gilbert Tolentino at Melinda Rafer na nagbigay ng meryenda sa ating Board of Judges, sa ating tatlong naging mga hurado na sina Gg. Jayson De Lemon ng CNPG - PIO, Ms. Nhery Padrigon ng CNPDAO at Ms. Hazel Maesa ng PDAO Daet. At sa ating mga opisyales at miyembro ng samahan na sa ating pagtutulungan ay napag tagumpayan natin muli ang ganitong aktibidad.

Maraming salamat po.

Sa pagdiriwang ng "International Day of Persons with Disabilities"  ngayong December 3, ang samahan po natin ay lumahok ...
03/12/2025

Sa pagdiriwang ng "International Day of Persons with Disabilities" ngayong December 3, ang samahan po natin ay lumahok sa pa kontes ng PDAO para sa Zumba at Table Setting Decorations, na ginanap sa Municipal Covered Court ng bayan ng Daet. Maraming salamat po sa mga dumalo, nakibahagi sa paglahok sa pa kontes, at nag decorate ng ating Table. Alam natin napaganda subalit ganun talaga. Bawi tayo sa susunod.

Dahil po ang samahan natin ay kabilang  na  sa accredited bilang CSO ng Pamahalaang Bayan ng Daet, tayo po ay naimbitaha...
03/12/2025

Dahil po ang samahan natin ay kabilang na sa accredited bilang CSO ng Pamahalaang Bayan ng Daet, tayo po ay naimbitahan para sa isang public hearing (Dec. 3, 2025 at SB Session Hall) para sa " AN ORDINANCE FOR THE REVISED RULES AND GUIDELINES ON THE ACCREDITATION OF CIVIL SOCIETY ORGANIZATIONS (CSO) IN THE MUNICIPALITY, THEIR MEMBERSHIP IN THE LOCAL SPECIAL BODIES AND INITIATING PARTNERSHIP IN THE IMPLEMENTATION OF LOCAL GOVERNMENT PROGRAMS, PROJECTS AND ACTIVITIES. Isang ordinansa na mas ibayong pagpapalakas sa isang inklusibong pagkakaisa ng bawat sektor ng lipunan.

Opisyal nang kinilala at na-accredit ng Sangguniang Bayan  ng Daet ang  ating samahang Barangay IV Persons with Disabili...
01/12/2025

Opisyal nang kinilala at na-accredit ng Sangguniang Bayan ng Daet ang ating samahang Barangay IV Persons with Disability Association (BAPDA) alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2025-060, noong Hunyo 23, 2025 at Municipal Ordinance No. 221-2011 na alinsunod din sa Local Government Code of 1991.

Sa bisa ng SB Resolution No. 374-2025 noong Nobyembre 4, 2025 ang ating Samahan ay ganap ng accredited hanggang Hunyo 30, 2028.

Isang patunay ito ng ating dedikasyon sa isang inklusibong samahan at lalong mapalakas pa ang sektor ng may mga kapansanan.

Address

Barangay Multi Purpose Hall, Purok 9 Barangay IV, Camarines Norte
Daet
4600

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+639682432740

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay IV PWD Association - BAPDA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay IV PWD Association - BAPDA:

Share