27/04/2025
ππππππβπ πππ ππππππ!π€π«
BUGKOS: Magbugkos, Magkaisa, Magsulong
UNITED IN PURPOSE, UNITED FOR CNSCEANS
TANGAN: Representation with Integrity
Ang tunay na paglilingkod ay nagmumula sa tapat na pagpapahayag ng tinig ng marami. Sa bawat hakbang, isinasabuhay ang marangal na representasyonβisang pagtanaw na ang bawat programa at plataporma ay sumasalamin sa mga karanasan, laban, at pangarap ng mga nasa gitnang hanay ng institusyon.
Bahagi ng adhikaing ito ang pagdiriwang ng National Women's Month, kung saan binibigyang-pugay ang mahahalagang ambag ng kababaihan sa lipunan at akademya. Sa mga pag-uusap at pagtitipon, nililikha ang mga espasyo para sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay, pagkilala sa intersectionality, at pagsulong ng inklusibong partisipasyon sa pamumuno at pag-unlad.
Kaakibat din ang pagsasakatuparan ng S*x Education and STI/HIV Awareness Seminar and Testing, na nagsusulong ng ligtas, maalam, at responsableng pakikipagdiskurso ukol sa kalusugan ng reproduktibo. Sa pamamagitan nito, hinahangad na mapawi ang mga stigma, mapalakas ang kaalaman, at mailapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa mga kabataan ng institusyon.
Hindi rin nalilimutan ang mga nilalang na kasama natin sa kampus. Sa pamamagitan ng Animal Welfare Program, pinapanday ang isang pamayanang may malasakit at responsibilidad, na naglalayong alagaan ang mga pusa at iba pang hayop sa paligid ng paaralan. Isinusulong dito ang edukasyon sa tamang pag-aalaga ng hayop, karapatan ng mga hayop, at adbokasiya para sa pag-aaruga sa kanila sa pamamagitan ng boluntaryong pagkilos.
Sa mga programang ito, patuloy na isinasabuhay ang tungkuling tanganin ang tinig ng bawat isaβmay pananagutan, may malasakit, at may paninindigang nakaugat sa katotohanan ng ating kolektibong karanasan.
Publication Material by:
MAΓAGO, CEDRICK Y. (USSG Media and Publicity Officer Candidate)