MSWAD Daet Camarines Norte

Directions

MSWAD Daet Camarines Norte Official page of Municipal Operations Office of Daet, Province of Camarines Norte.

𝐀𝐝𝐯𝐚𝐧𝐜𝐢𝐧𝐠 𝟒𝐏𝐬 𝐂𝐚𝐬𝐞 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐭𝐡𝐫𝐨𝐮𝐠𝐡 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐚𝐛𝐨𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐭𝐫𝐚𝐭𝐞𝐠𝐢𝐜 𝐂𝐚𝐬𝐞 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐜𝐢𝐧𝐠The Department of Social We...
17/08/2026

𝐀𝐝𝐯𝐚𝐧𝐜𝐢𝐧𝐠 𝟒𝐏𝐬 𝐂𝐚𝐬𝐞 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐭𝐡𝐫𝐨𝐮𝐠𝐡 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐚𝐛𝐨𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐭𝐫𝐚𝐭𝐞𝐠𝐢𝐜 𝐂𝐚𝐬𝐞 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐜𝐢𝐧𝐠

The Department of Social Welfare and Development Field Office V – Bicol Region, through the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) in Daet, Camarines Norte, has enhanced its implementation strategy by conducting a Municipal-Based Case Conference last August 13 & 14, 2026. This activity brings together Case Managers, Social Welfare Assistants, and the Municipal OIC to foster collaborative case management.

During the conference, the team reviewed profiles of households classified as Non Compliant for Period 3 (May & June) 2026, including those not attending school, not utilizing health services, and cases involving new account openings due to grantee changes or residence transfers. The primary goal is to coordinate efforts and devise effective interventions to address these challenges, ensuring that beneficiaries receive appropriate support.

The case conference also serves as a platform for team members to share insights, suggest solutions, and identify specific needs for intervention. Case managers presented various cases related to school attendance and other concerns, prompting a comprehensive discussion among municipal staff. This collaborative approach facilitated the development of strategic action plans and referral mechanisms, strengthening intra-team coordination and enhancing the overall delivery of services.

Through this initiative, the operations aims to improve beneficiary compliance and engagement, ultimately contributing to the success of the 4Ps program in the region.

𝐃𝐒𝐖𝐃 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥 𝐢𝐧 𝐃𝐚𝐞𝐭, 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐞 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐚𝐛𝐨𝐫𝐚𝐭𝐞𝐬 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐀𝐥𝐚𝐰𝐢𝐡𝐚𝐨 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐟𝐨𝐫 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐕𝐨𝐥𝐮𝐦𝐞...
14/08/2026

𝐃𝐒𝐖𝐃 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥 𝐢𝐧 𝐃𝐚𝐞𝐭, 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐞 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐚𝐛𝐨𝐫𝐚𝐭𝐞𝐬 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐀𝐥𝐚𝐰𝐢𝐡𝐚𝐨 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐟𝐨𝐫 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐕𝐨𝐥𝐮𝐦𝐞 𝐈𝐈𝐈

The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol in Daet, Camarines Norte, in collaboration with Alawihao National High School, has initiated preparations for the Youth Development Sessions (YDS) Volume III. The coordination meeting was held today, August 14, 2026, led by the Municipal Operations Office (MOO) of Daet, represented by Youth Development Focal Ms. Janela C. Colipano and Barangay Alawihao Municipal Link Ms. Gay M. De Lumen. They engaged with Alawihao National High School’s Head Teacher III, Ms. Alita Y. Babagay, and Anabel Auro to discuss the upcoming activities.

The primary focus was on identifying and selecting participants, prioritizing 4Ps child beneficiaries while also considering qualified non-4Ps students enrolled at the school. The school’s support and active participation are crucial for the successful implementation of the sessions, including arrangements for an appropriate venue and logistical requirements.

It was agreed that the YDS sessions will be conducted within the school premises during the Enrichment Bloc/Term of the DepEd school calendar. This scheduling ensures that activities will not interfere with instructional bloc or other school activities. This coordination marks the initial step toward strengthening the partnership between the DSWD 4Ps and Alawihao National High School, fostering a supportive environment for youth development, participation, and empowerment.

Entering its fifth year, the YDS will be officially branded as "YDS Volume III: Beyond the Glow," with the theme "Discover the Spark Within, Share the Light Beyond!" The program will run from September 2026 to April 2027, with Alawihao National High School serving as the host for this year’s implementation. This follows previous implementations at Hope Science and Technology College (2022-2023), Camarines Norte National High School (2023-2024), Moreno Integrated School (2024-2025), and Vicente L. Basit Memorial High School (2025-2026).

This year’s theme emphasizes the significance of self-discovery, personal growth, and positive transformation among the youth. It recognizes that each young individual possesses unique strengths, potentials, and experiences— their own "spark"—which can serve as a source of motivation and inspiration for others. Furthermore, it highlights the ripple effect of youth empowerment, emphasizing that meaningful personal development extends beyond individual growth to inspire and uplift the entire community.

𝑆𝑎 𝑖𝑘𝑎-18 𝑎𝑛𝑖𝑏𝑒𝑟𝑠𝑎𝑟𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑡𝑎𝑤𝑖𝑑 𝑃𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑖𝑙𝑖𝑝𝑖𝑛𝑜 𝑃𝑟𝑜𝑔𝑟𝑎𝑚 (4𝑃𝑠), ℎ𝑎𝑡𝑖𝑑 𝑛𝑔 𝑀𝑢𝑛𝑖𝑐𝑖𝑝𝑎𝑙 𝑂𝑝𝑒𝑟𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛𝑠 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒 𝑛𝑔 𝐷𝑎𝑒𝑡 𝑎𝑛𝑔 18 ...
14/08/2026

𝑆𝑎 𝑖𝑘𝑎-18 𝑎𝑛𝑖𝑏𝑒𝑟𝑠𝑎𝑟𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑡𝑎𝑤𝑖𝑑 𝑃𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑖𝑙𝑖𝑝𝑖𝑛𝑜 𝑃𝑟𝑜𝑔𝑟𝑎𝑚 (4𝑃𝑠), ℎ𝑎𝑡𝑖𝑑 𝑛𝑔 𝑀𝑢𝑛𝑖𝑐𝑖𝑝𝑎𝑙 𝑂𝑝𝑒𝑟𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛𝑠 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒 𝑛𝑔 𝐷𝑎𝑒𝑡 𝑎𝑛𝑔 18 𝑚𝑔𝑎 𝑘𝑢𝑤𝑒𝑛𝑡𝑜 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑎𝑟𝑎𝑝, 𝑃𝑎𝑔𝑏𝑎𝑏𝑎𝑔𝑜, 𝑃𝑎𝑔𝑡𝑎𝑡𝑎𝑦𝑎, 𝑎𝑡 𝑃𝑎𝑔𝑡𝑎𝑡𝑎𝑔𝑢𝑦𝑜𝑑.
___________________________________
𝐊𝐖𝐄𝐍𝐓𝐎𝐍𝐆 𝟒𝐏𝐒: 𝑇𝐴𝑇𝐴𝐺 𝑁𝐺 𝐼𝑆𝐴𝑁𝐺 𝐼𝑁𝐴 𝑃𝐴𝑅𝐴 𝑆𝐴 𝐾𝐼𝑁𝐴𝐵𝑈𝐾𝐴𝑆𝐴𝑁 𝑁𝐺 𝑃𝐴𝑀𝐼𝐿𝑌𝐴 "𝐴𝑛𝑔 𝑘𝑤𝑒𝑛𝑡𝑜 𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑎𝑟𝑎𝑝 𝑛𝑎 𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑆𝑢𝑚𝑢𝑘𝑜"

“Totoong nakakapagod at puno ng pagsubok ang pag-abot ng mga pangarap, ngunit hindi kailanman pumapasok sa isip ko ang sumuko. Ang pangarap na ito ay hindi na lamang para sa akin, kundi para sa kinabukasan ng aking mga anak.” Ito ang positibong pananaw sa buhay ni Nanay Elsa na nagsisilbing inspirasyon upang ipagpatuloy niya ang pagharap sa mga hamon ng buhay para sa pangarap ng kanyang pamilya.

Si Nanay Elsa Mabeza Obay ay isang simpleng maybahay na nagsisilbing tagalinis sa isang classroom sa F. Baldovin Elementary School upang makatulong sa gastusin ng kanyang pamilya. Siya ay may pitong anak—limang babae at dalawang lalaki. Tatlo sa kanila ay nakapagtapos na ng kolehiyo: ang isa ay lisensyadong g**o, ang isa ay kumuha ng board exam para sa pagkapulis, at ang isa ay nagtapos ng kursong Criminology at kasalukuyang naghahanap ng trabaho. Ang iba pa niyang mga anak ay nasa Grades 12, 10, at 9.

Ayon kay Nanay Elsa, malaki ang naging pagbabago sa kanilang buhay nang sila ay naging benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Bago sila mapabilang sa programa, tunay na hirap at kapos ang kanilang pamilya. Bilang isang single mother noon, mag-isa siyang kumakayod para sa kanyang mga anak. Kahit nang magkaroon siya ng katuwang sa buhay at may trabaho ito, hindi pa rin sapat ang kanilang kinikita upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng pamilya.

Malaking ginhawa ang naidulot ng conditional cash grants mula sa 4Ps sapagkat nabawasan ang bigat ng kanilang gastusin, lalo na sa edukasyon ng mga bata. Sa tulong ng programa, nabigyan ang kanyang mga anak ng mas malaking pagkakataon na makapagpatuloy at makapagtapos ng pag-aaral. Tatlo sa kanyang mga anak ang nakapagtapos ng kolehiyo at napabilang din sa scholarship ng Tertiary Education Subsidy (TES) sa ilalim ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UNIFAST). Patunay ito na hindi nasayang ang natanggap nilang subsidiya.

Isa sa kanyang mga anak ay isa na ngayong lisensyadong propesyonal at nagsisilbi bilang isang public servant—isang tagumpay na bunga ng sipag, tiyaga, at wastong paggamit ng tulong mula sa programa. Nag-iwan din si Nanay Elsa ng paalala sa kapwa benepisyaryo na maging matalino sa paggasta ng grants na nakukuha sa programa. Mahalaga raw na gamitin ito sa tunay na pangangailangan, lalo na sa edukasyon at kalusugan ng mga anak. Ayon pa sa kanya:

Mahalagang tandaan na ang tulong na ito ay hindi panghabambuhay. Kung gagamitin nang tama, ito ay magiging tulay tungo sa mas maayos at mas magandang kinabukasan ng pamilya at sa katuparan ng mga pangarap ng kanilang mga anak.

𝑆𝑎 𝑖𝑘𝑎-18 𝑎𝑛𝑖𝑏𝑒𝑟𝑠𝑎𝑟𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑡𝑎𝑤𝑖𝑑 𝑃𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑖𝑙𝑖𝑝𝑖𝑛𝑜 𝑃𝑟𝑜𝑔𝑟𝑎𝑚 (4𝑃𝑠), ℎ𝑎𝑡𝑖𝑑 𝑛𝑔 𝑀𝑢𝑛𝑖𝑐𝑖𝑝𝑎𝑙 𝑂𝑝𝑒𝑟𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛𝑠 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒 𝑛𝑔 𝐷𝑎𝑒𝑡 𝑎𝑛𝑔 18 ...
13/08/2026

𝑆𝑎 𝑖𝑘𝑎-18 𝑎𝑛𝑖𝑏𝑒𝑟𝑠𝑎𝑟𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑡𝑎𝑤𝑖𝑑 𝑃𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑖𝑙𝑖𝑝𝑖𝑛𝑜 𝑃𝑟𝑜𝑔𝑟𝑎𝑚 (4𝑃𝑠), ℎ𝑎𝑡𝑖𝑑 𝑛𝑔 𝑀𝑢𝑛𝑖𝑐𝑖𝑝𝑎𝑙 𝑂𝑝𝑒𝑟𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛𝑠 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒 𝑛𝑔 𝐷𝑎𝑒𝑡 𝑎𝑛𝑔 18 𝑚𝑔𝑎 𝑘𝑢𝑤𝑒𝑛𝑡𝑜 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑎𝑟𝑎𝑝, 𝑃𝑎𝑔𝑏𝑎𝑏𝑎𝑔𝑜, 𝑃𝑎𝑔𝑡𝑎𝑡𝑎𝑦𝑎, 𝑎𝑡 𝑃𝑎𝑔𝑡𝑎𝑡𝑎𝑔𝑢𝑦𝑜𝑑.
___________________________________
𝐊𝐖𝐄𝐍𝐓𝐎𝐍𝐆 𝟒𝐏𝐒: 𝐷𝐴𝑇𝐼𝑁𝐺 𝐵𝐴𝑇𝐴𝑁𝐺 4𝑃𝑆, 𝐷𝑂𝑈𝐵𝐿𝐸 𝐷𝐸𝐺𝑅𝐸𝐸 𝐻𝑂𝐿𝐷𝐸𝑅 𝑁𝐴 𝑁𝐺𝐴𝑌𝑂𝑁 "𝐴𝑛𝑔 𝐾𝑤𝑒𝑛𝑡𝑜 𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝐴𝑛𝑔𝑒𝑙𝑠 𝑖𝑛 𝑅𝑒𝑑 𝑉𝑒𝑠𝑡 𝑛𝑔 𝐷𝑎𝑒𝑡, 𝐶𝑎𝑚𝑎𝑟𝑖𝑛𝑒𝑠 𝑁𝑜𝑟𝑡𝑒"

Si Mark Paulo Carido Pada, 28 taong gulang, ay ipinanganak noong Mayo 10, 1998, at kasalukuyang naninirahan sa Del Carmen, Talisay, Camarines Norte. Nagtapos siya ng Bachelor of Secondary Education major in Technology and Home Economics (T.H.E.) sa Camarines Norte State College. Kalaunan, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral at nagtapos din ng Bachelor of Science in Real Estate Management sa Trimex Colleges. Sa pamamagitan ng kanyang sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral, nakamit niya ang pagiging Licensed Professional Teacher (LPT). Noong Abril 2026, matagumpay rin niyang naipasa ang pagsusulit para sa pagiging Real Estate Broker, na lalo pang nagpatibay sa kanyang mga propesyonal na kwalipikasyon.

Bilang dating benepisyaryo ng 4Ps, malaki ang naitulong nito sa kanilang pamilya. Ang mga grant na kanilang natanggap ay nakatulong sa pagtustos sa mga gastusin sa pag-aaral, tulad ng pagbili ng mga school supplies, uniporme, at iba pang pangangailangan sa paaralan. Dahil dito, nabawasan ang pinansyal na pasanin ng pamilya at nabigyan sila ng mas malaking oportunidad na magpatuloy sa kanilang mga pangarap sa edukasyon.

Ayon kay Ginoong Pada, malaki rin ang naging epekto ng Family Development Sessions (FDS) sa kanilang sambahayan. Sa pamamagitan ng mga aral at kaalamang ibinabahagi sa bawat sesyon, natuto silang maging mas responsable, disiplinado, at aktibong mamamayan. Ang mga natutunang ito ay kanilang isinabuhay at naging gabay sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at pagdedesisyon.

Sa pamilya nila, dalawa na ang nakapagtapos ng kolehiyo, habang ang isa ay kasalukuyang nag-aaral pa rin sa kolehiyo. Ang mga tagumpay na ito ay bunga ng kanilang pagsisikap bilang isang pamilya at ng malaking tulong na naibigay ng programa.

Lubos ang kanilang pasasalamat sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa patuloy nitong pagsuporta sa mga pamilyang nangangailangan. Nagbibigay ito ng pag-asa at oportunidad upang makamit ang mas magandang kinabukasan.

Ngayon, nakakatulong na siya sa mga kapwa benepisyaryo ng 4Ps dahil isa na siyang kawani ng programa. Bilang Social Welfare Assistant (SWA), pangunahing tungkulin niya ang panatilihing maayos, tama, at napapanahon ang datos ng mga benepisyaryo. Isinasagawa niya ito sa pamamagitan ng masusing pagsusuri at beripikasyon ng mga dokumentong isinusumite, tulad ng birth certificate, school certificate, health certificate, at iba pang kaugnay na papeles.

Matapos ang masusing pagberipika, ina-update niya ang mga kinakailangang impormasyon sa Pantawid Pamilya Information System (PPIS), ang opisyal na database ng DSWD na naglalaman ng mahahalagang rekord at datos ng mga benepisyaryo. Sa ganitong paraan, nakatutulong siya upang matiyak ang integridad at katumpakan ng impormasyon na nagsisilbing batayan sa maayos na pagpapatupad ng programa.

Bukod dito, regular siyang bumibisita sa mga paaralan at pasilidad pangkalusugan na nasasakupan ng Munisipalidad ng Daet. Kasama sa kanyang tungkulin ang pamamahagi ng mga Compliance Verification Forms (CVFs), na nagsisilbing pangunahing monitoring tool para sa pagsubaybay sa pagsunod ng mga batang mag-aaral, mga batang may edad 0–5 taong gulang, at mga buntis na benepisyaryo sa mga itinakdang kondisyon ng programa.

Sinisig**o rin niya ang katumpakan, pagkakumpleto, at kalidad ng mga impormasyong nakatala sa bawat form sa pamamagitan ng paunang beripikasyon o initial validation. Sa ganitong paraan, natitiyak na ang mga datos na isinusumite ay maaasahan at maaaring magamit bilang batayan sa tamang pagmomonitor at pagpapatupad ng mga serbisyo at benepisyo ng programa.

Nakatutulong din siya sa komunidad sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at pag-augment sa mga talakayan tuwing Family Development Session (FDS). Sa mga pagkakataong may mga paksang higit siyang nauunawaan o may sapat na kaalaman, nagsisilbing tagapagsalita siya upang makatulong sa pagpapalalim ng pag-unawa ng mga benepisyaryo hinggil sa mga mahahalagang usapin na may kaugnayan sa kanilang pamilya at komunidad.

Bukod dito, madalas siyang inaanyayahang magsalita o magbigay-linaw sa mga katanungan ng mga mamamayan tungkol sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). “Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tama at malinaw na impormasyon, nakatutulong ako upang mapalawak ang kaalaman ng mga benepisyaryo at iba pang miyembro ng komunidad hinggil sa mga layunin, benepisyo, at alituntunin ng programa.”

Sa kanyang kwento, makikita ang tunay na diwa ng pagbabago—mula sa pagtanggap ng tulong hanggang sa pagtulong sa iba. Si Mark ay isang inspirasyon na nagsasabing ang sipag, tiyaga, at tamang gabay ay susi sa tagumpay. Ang kanyang buhay ay patunay na ang bawat benepisyaryo ay may potensyal na maging isang tagapagbago at tagapaglingkod sa kanilang komunidad.

𝑆𝑎 𝑖𝑘𝑎-18 𝑎𝑛𝑖𝑏𝑒𝑟𝑠𝑎𝑟𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑡𝑎𝑤𝑖𝑑 𝑃𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑖𝑙𝑖𝑝𝑖𝑛𝑜 𝑃𝑟𝑜𝑔𝑟𝑎𝑚 (4𝑃𝑠), ℎ𝑎𝑡𝑖𝑑 𝑛𝑔 𝑀𝑢𝑛𝑖𝑐𝑖𝑝𝑎𝑙 𝑂𝑝𝑒𝑟𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛𝑠 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒 𝑛𝑔 𝐷𝑎𝑒𝑡 𝑎𝑛𝑔 18 ...
12/08/2026

𝑆𝑎 𝑖𝑘𝑎-18 𝑎𝑛𝑖𝑏𝑒𝑟𝑠𝑎𝑟𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑡𝑎𝑤𝑖𝑑 𝑃𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑖𝑙𝑖𝑝𝑖𝑛𝑜 𝑃𝑟𝑜𝑔𝑟𝑎𝑚 (4𝑃𝑠), ℎ𝑎𝑡𝑖𝑑 𝑛𝑔 𝑀𝑢𝑛𝑖𝑐𝑖𝑝𝑎𝑙 𝑂𝑝𝑒𝑟𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛𝑠 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒 𝑛𝑔 𝐷𝑎𝑒𝑡 𝑎𝑛𝑔 18 𝑚𝑔𝑎 𝑘𝑢𝑤𝑒𝑛𝑡𝑜 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑎𝑟𝑎𝑝, 𝑃𝑎𝑔𝑏𝑎𝑏𝑎𝑔𝑜, 𝑃𝑎𝑔𝑡𝑎𝑡𝑎𝑦𝑎, 𝑎𝑡 𝑃𝑎𝑔𝑡𝑎𝑡𝑎𝑔𝑢𝑦𝑜𝑑.
___________________________________

𝐊𝐖𝐄𝐍𝐓𝐎𝐍𝐆 𝟒𝐏𝐒: 𝑀𝑈𝐿𝐴 𝑆𝐴 𝑀𝐺𝐴 𝐻𝐴𝑀𝑂𝑁 𝑁𝐺 𝐵𝑈𝐻𝐴𝑌 𝑃𝐴𝑇𝑈𝑁𝐺𝑂 𝑆𝐴 𝑇𝐴𝐺𝑈𝑀𝑃𝐴𝑌 "𝐴𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑟𝑎𝑝 𝑛𝑖 𝐻𝑜𝑛𝑒𝑦𝑙𝑦𝑛"

DAET, CAMARINES NORTE — Sa gitna ng payak na pamumuhay sa Dogongan, Daet, isang dalagang nagngangalang Honeylyn Rada Bravo ang nagpatunay na ang kahirapan ay hindi hadlang sa pag-abot ng mga pangarap. Sa edad na 21, siya na ang kauna-unahan sa kanilang magkakapatid na nakapagtapos ng kolehiyo—isang tagumpay na binungkal ng walang sawang pagsisikap, at inalalayan ng tulong ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Bata pa lamang si Honeylyn, naging saksi na siya sa bigat ng paghihirap. Madalas ay hindi sapat ang kanilang kinikita upang matugunan maging ang pangunahing pangangailangan; minsan ay kulang pa ang nakahain sa hapag-kainan. Ang kanyang ina ay kailangang magtrabaho nang walang pagod—araw man o gabi—upang hindi sila magutom at makapag-aral. Namuhay sila sa simpleng paraan, kung saan ang bawat pisong hawak ay kailangang pagtipunin nang lubusan.

Ngayon, bagama’t wala pa siyang sariling pamilya, si Honeylyn na ang naging sandigan at pag-asa ng kanyang tatlong nakababatang kapatid. Upang matustusan ang kanyang pag-aaral at makatulong sa tahanan, hindi siya umiwas sa anumang trabaho: tumanggap siya ng mga pansamantalang gawain tulad ng paglilinis ng bahay, paglalaba, at pagtulong sa bukid. Kahit pagod na ang katawan, hindi siya tumigil—dahil alam niyang ang bawat patak ng pawis ay hakbang palapit sa kanyang mga mithiin.

Ang kanyang pangarap ay simple ngunit dakila: una, ang makapagtapos ng pag-aaral; pangalawa, ang mabigyan ng maayos at matibay na tahanan ang kanyang pamilya; at pangatlo, ang itaguyod din ang pag-aaral ng kanyang mga kapatid upang hindi na nila maranasan ang parehong paghihirap na kanyang pinagdaanan. Dumating ang mga panahong tila gustong bitawan ng tadhana ang kanyang lakas, ngunit sa tuwing nakikita niya ang pag-asa sa mga mata ng kanyang mga mahal sa buhay, muling nag-aalab ang kanyang puso na lumaban.

Malaki at mahalaga ang naging ambag ng 4Ps sa kanyang paglalakbay. Ang tulong na natanggap nila ay naging tulay na nagbawas sa bigat ng kanilang gastusin—kaya’t mas naibuhos niya ang kanyang oras at natitipid na pondo sa kanyang pag-aaral at mga pangangailangan sa paaralan. Para kay Honeylyn, higit pa ito sa tulong pinansyal: ito ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong maniwala na kaya niyang magtagumpay, at hindi siya nag-iisa sa kanyang laban.

Ngayong nakapagtapos na siya, unti-unti na niyang tinutupad ang pangarap na ibigay ang maginhawang buhay sa kanyang pamilya. Sa kanyang kapwa benepisyaryo na patuloy na naglalakbay patungo sa sariling tagumpay, ito ang kanyang mensahe:

“Huwag na huwag kayong susuko. Gawin ninyong lakas at inspirasyon ang bawat pagsubok na dumarating. Walang dilim na hindi napapalitan ng liwanag, at walang pangarap na hindi kayang abutin ng taong may tiwala at matibay na loob. Ang programa ay nandiyan upang maging sandigan—ngunit ang inyong sipag at tiyaga ang siyang magdadala sa inyo sa dulo ng tagumpay. Darating din ang inyong oras.”

𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨: 𝐁𝐚𝐬𝐞𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐀𝐝𝐦𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠-𝐮𝐧𝐥𝐚𝐝 (𝐓𝐏𝐏) 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠...
06/08/2026

𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨: 𝐁𝐚𝐬𝐞𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐀𝐝𝐦𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠-𝐮𝐧𝐥𝐚𝐝 (𝐓𝐏𝐏) 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐭𝐚𝐰𝐢𝐝 𝐏𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐬𝐚 𝐃𝐚𝐞𝐭, 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐞

Noong Hulyo 2026, isang mahalagang hakbang ang isinagawa ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa Daet, Camarines Norte, upang masimulan ang kanilang bagong yugto ng pagbabago. Ito ay sa pamamagitan ng Baseline Administration of the Talaan ng Pagbabago at Pag-unlad (TPP), na nakatuon sa mga bagong benepisyaryo ng programa.

Ang TPP ay isang makapangyarihang kasangkapan na tumutukoy sa kasalukuyang kalagayan, pangangailangan, at mga pangarap ng mga pamilyang nagsisimula pa lamang sa kanilang paglalakbay tungo sa pag-unlad. Layunin nitong malaman ang pangunahing datos upang mas mahusay na maitulong sa kanilang pag-unlad, mapanatili ang kanilang responsibilidad, at matulungan silang makamit ang pagiging self-sufficient.

Sa pamamagitan ng TPP, naipapakita ang mga positibong pagbabago at natutukoy ang mga angkop na interbensyon na makatutulong sa bawat pamilya. Ang prosesong ito ay nagsisilbing pundasyon para sa tamang pagpaplano ng mga Family Development Sessions at iba pang programa na nakatuon sa kanilang pangangailangan.

Sa simula pa lamang, binibigyang-diin ng TPP ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinaw na pananaw sa kabuuang kalagayan ng mga bagong benepisyaryo, na nagsisilbing gabay sa kanilang pag-unlad at pagtutulungan tungo sa mas masaganang kinabukasan. Ito ay isang hakbang patungo sa mas maayos at makabuluhang pagbabago para sa bawat pamilyang Pilipino na nagsisimula sa kanilang paglalakbay sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

𝐋𝐢𝐯𝐞𝐥𝐢𝐡𝐨𝐨𝐝 𝐚𝐭 𝐄𝐧𝐭𝐫𝐞𝐩𝐫𝐞𝐧𝐞𝐮𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚𝐧𝐠 𝟒𝐏𝐬 𝐬𝐚 𝐃𝐚𝐞𝐭, 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐞Ang Department ...
05/08/2026

𝐋𝐢𝐯𝐞𝐥𝐢𝐡𝐨𝐨𝐝 𝐚𝐭 𝐄𝐧𝐭𝐫𝐞𝐩𝐫𝐞𝐧𝐞𝐮𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚𝐧𝐠 𝟒𝐏𝐬 𝐬𝐚 𝐃𝐚𝐞𝐭, 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐞

Ang Department of Social Welfare and Development Field Office V – Rehiyon ng Bicol sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay nagsagawa ng Family Development Session sa Daet, Camarines Norte, na nakatuon sa Kabuhayan at Pagnenegosyo noong Hulyo 2026.

Sakop ng FDS ang mga pangunahing kaalaman sa pagnenegosyo at microenterprise, pati na rin ang praktikal na suporta, kabilang ang kung paano ma-access ang mga serbisyo ng DTI, Negosyo Centers, at pagtulong sa mga kalahok na maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng maging isang negosyante at kung paano matukoy ang mga ideya sa kabuhayan.Layunin ng sesyon na palalimin ang pagkaunawa ng mga benepisyaryo ng pantawid tungkol sa mga oportunidad sa maliit na negosyo at hikayatin ang mga pamilya na bumuo ng mga simpleng ideya sa kabuhayan.

𝐃𝐚𝐞𝐭 𝟒𝐏𝐬 𝐁𝐞𝐧𝐞𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐔𝐧𝐝𝐞𝐫𝐠𝐨 𝐋𝐢𝐯𝐞𝐥𝐢𝐡𝐨𝐨𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐄𝐧𝐭𝐫𝐞𝐩𝐫𝐞𝐧𝐞𝐮𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐭𝐨 𝐁𝐨𝐨𝐬𝐭 𝐅𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲 𝐈𝐧𝐜𝐨𝐦𝐞
04/08/2026

𝐃𝐚𝐞𝐭 𝟒𝐏𝐬 𝐁𝐞𝐧𝐞𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐔𝐧𝐝𝐞𝐫𝐠𝐨 𝐋𝐢𝐯𝐞𝐥𝐢𝐡𝐨𝐨𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐄𝐧𝐭𝐫𝐞𝐩𝐫𝐞𝐧𝐞𝐮𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐭𝐨 𝐁𝐨𝐨𝐬𝐭 𝐅𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲 𝐈𝐧𝐜𝐨𝐦𝐞

Maligayang kaarawan sa isa sa mga '𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐬 𝐢𝐧 𝐑𝐞𝐝 𝐕𝐞𝐬𝐭' ng MOO Daet, 𝐌𝐋 𝐎𝐈𝐂 𝐁𝐫𝐲𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐚𝐦𝐩𝐨! 🎉🎂🎈Salamat sa iyong dedikasyo...
28/07/2026

Maligayang kaarawan sa isa sa mga '𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐬 𝐢𝐧 𝐑𝐞𝐝 𝐕𝐞𝐬𝐭' ng MOO Daet, 𝐌𝐋 𝐎𝐈𝐂 𝐁𝐫𝐲𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐚𝐦𝐩𝐨! 🎉🎂🎈
Salamat sa iyong dedikasyon sa paghatid ng mabilis, mahusay, at tunay na may pusong serbisyo sa bawat Pantawid Pamilyang Pilipino Program Beneficiaries! ❤️🙏

𝐃𝐒𝐖𝐃 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥 𝐢𝐧 𝐃𝐚𝐞𝐭, 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐞 𝐒𝐭𝐫𝐞𝐧𝐠𝐭𝐡𝐞𝐧𝐬 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐟𝐨𝐫 𝟒𝐏𝐬 𝐁𝐞𝐧𝐞𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐡𝐫𝐨𝐮𝐠𝐡 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥-𝐁𝐚𝐬𝐞𝐝 𝐂𝐚𝐬𝐞 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞The...
23/07/2026

𝐃𝐒𝐖𝐃 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥 𝐢𝐧 𝐃𝐚𝐞𝐭, 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐞 𝐒𝐭𝐫𝐞𝐧𝐠𝐭𝐡𝐞𝐧𝐬 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐟𝐨𝐫 𝟒𝐏𝐬 𝐁𝐞𝐧𝐞𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐡𝐫𝐨𝐮𝐠𝐡 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥-𝐁𝐚𝐬𝐞𝐝 𝐂𝐚𝐬𝐞 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞

The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V - Bicol Region, Municipal Operations Office of Daet, Camarines Norte, has reinforced its commitment to supporting Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries through a Municipal-Based Case Conference on Managing Willful Non-Participation and Refusal to Comply with Mandatory Program Requirements, with particular emphasis on issues related to not attending school and not availing services in health.

This two-day activity focused on enhancing program support by addressing challenges associated with non-compliance, especially in areas such as school attendance and utilization of health services. The conference gathered Municipal Links and Social Welfare Assistants to collaboratively discuss and evaluate complex cases requiring tailored interventions.

The event provided a vital platform for case presentation, professional feedback, and the sharing of best practices among participants. It fostered meaningful discussions aimed at developing effective case management strategies, ensuring that families receive appropriate support and guidance to meet program conditions.

Through active engagement and collaboration, participants identified innovative approaches to address the diverse needs of beneficiary families, ultimately promoting greater compliance and positive outcomes.

This initiative aligns with President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.’s Ten-Point Agenda for Governance, emphasizing social protection, poverty reduction, and the delivery of essential services to vulnerable sectors.

By strengthening coordination at the local level, DSWD reinforces its mission to empower vulnerable families, sustain the progress of the 4Ps program, and ensure that no family is left behind in accessing vital social services.

Address

LGU Daet Compound, Brgy. Pamorangon
Daet
4600

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MSWAD Daet Camarines Norte posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share