FPJ Youth - Camarines Norte

FPJ Youth - Camarines Norte The official youth arm of FPJ Panday Bayanihan and Office of Senator Grace Poe.

๐—™๐—ฃ๐— ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ง๐—› ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ง๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง | On Yet Another Postponement of the 2026 BSKE!Ang paulit-ulit na planong ipagpaliban ang Barangay a...
04/08/2026

๐—™๐—ฃ๐— ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ง๐—› ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ง๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง | On Yet Another Postponement of the 2026 BSKE!

Ang paulit-ulit na planong ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay hindi lamang usapin ng simpleng pagbabago sa schedule. Ito ay isang direktang pagtapak sa batayang prinsipyo ng demokrasya: ang karapatan ng mamamayang pumili ng kanilang mga pinuno sa tamang panahon.

Ayon sa ilang mambabatas, ang pagpapaliban na ito ay para makatipid ang pamahalaan lalo naโ€™t sa kasalukuyang krisis sa gasolina at petrolyoโ€”pero kung susuriin natin, P8 billion na mula sa nakalaang P19 billion na pondo ng COMELEC ang nagamit na para sa preparasyon ng BSKE. Kasama na rito ang preparasyon, procurement, at iba pang logistical na pangangailangan. Kapag muling inurong ang halalan, magbubukas uli ng voter registration, magdaragdag ng mga panibagong precincts, mag-iimprenta ng mga bagong balota, at maghahatid ng dagdag na gastusin na tantiya ng COMELEC na aabot sa panibagong P3 billion na karagdagang badyet. Ang pera ng bayan ay hindi natitipid; ito ay nasasayang at nadaragdagan pa.

Ang Sangguniang Kabataan (SK) ay dinisenyo upang maging platform ng mga lider-kabataan sa bansa, kaya naman sa bawat buwan at taon na iniaatras ang halalan, libo-libong kabataan ang "nawawalan ng kwalipikasyon" (age out) nang hindi man lang nabibigyan ng pagkakataong tumakbo o maglingkod. Milyon-milyong bagong botanteng youth ang napagkakaitan ng kanilang kauna-unahang karanasan sa pagboto sa batayang antas ng pamamahala. Ang probisyon ng holdover capacity ay nagiging dahilan upang manatili sa puwesto ang mga opisyal nang lumalampas sa taon at mandatong ipinagkaloob sa kanila ng taumbayan.

Ang demokrasya sa pinakamababang antas ng lipunanโ€”ang barangayโ€”ang pundasyon ng buong bansa. Kung hindi natin kayang igalang ang halalan sa barangay, itinuturo natin sa susunod na henerasyon na ang demokrasya ay puwedeng isantabi tuwing hindi ito pabor sa mga nasa kapangyarihan."

Mula sa FPJ Youth, at kasama ang nakuha nating pagtindig mula kay Cong. Brian Poe, tinututulan natin ang muli nanamang tangka na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Itigil na ang pagpapaliban ng BSKE. Ibigay sa kabataan ang kapasyahang mamili at karapatang bumoto ng mga susunod na lider.


๐Ÿ”ฅ ๐‘ญ๐’๐’“๐’ˆ๐’†๐’… ๐’•๐’ ๐‘ณ๐’†๐’‚๐’…. ๐‘ฐ๐’๐’”๐’‘๐’Š๐’“๐’†๐’… ๐’•๐’ ๐‘บ๐’†๐’“๐’—๐’†.For two transformative days, FPJ Youth Camarines Norte, led by Chapter President Dom...
20/07/2026

๐Ÿ”ฅ ๐‘ญ๐’๐’“๐’ˆ๐’†๐’… ๐’•๐’ ๐‘ณ๐’†๐’‚๐’…. ๐‘ฐ๐’๐’”๐’‘๐’Š๐’“๐’†๐’… ๐’•๐’ ๐‘บ๐’†๐’“๐’—๐’†.

For two transformative days, FPJ Youth Camarines Norte, led by Chapter President Dominic Nikko Abustan, proudly joined fellow South Luzon Chapters at The Forge: Igniting the Future.

Through insightful learning sessions, collaborative workshops, meaningful discussions, and team-building activities, our officers strengthened their leadership skills, expanded their perspectives, and deepened their commitment to creating lasting impact in their communities.

The forge has ignited a stronger purpose within usโ€”and this is only the beginning. Together, we move forward, ready to lead with integrity, empower the youth, and serve with excellence.

๐Ÿ”ฅ The future isnโ€™t waiting. Weโ€™re building it.




๐—•๐—”๐—ฆ๐—ž๐—˜๐—ง๐—•๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—–๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—œ๐—–, ๐—›๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก๐—š ๐—–๐—”๐— ๐—ก๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—˜ร‘๐—ข! Isang ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ฒ๐˜๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—น ๐—ฐ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ฐ ang isasagawa ng ๐™๐™‹๐™… ๐™”๐™ค๐™ช๐™ฉ๐™ - ๐˜พ๐™–๐™ข๐™–๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™š๐™จ ๐™‰๐™ค๐™ง๐™ฉ๐™š ๐˜พ...
19/06/2026

๐—•๐—”๐—ฆ๐—ž๐—˜๐—ง๐—•๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—–๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—œ๐—–, ๐—›๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก๐—š ๐—–๐—”๐— ๐—ก๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—˜ร‘๐—ข!

Isang ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ฒ๐˜๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—น ๐—ฐ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ฐ ang isasagawa ng ๐™๐™‹๐™… ๐™”๐™ค๐™ช๐™ฉ๐™ - ๐˜พ๐™–๐™ข๐™–๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™š๐™จ ๐™‰๐™ค๐™ง๐™ฉ๐™š ๐˜พ๐™๐™–๐™ฅ๐™ฉ๐™š๐™ง, kasama ang ๐™…๐˜พ๐™„ ๐™‹๐™–๐™ง๐™–๐™˜๐™–๐™ก๐™š ๐™‚๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™ช๐™–๐™ฃ, bilang suporta sa ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ต๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ng kabataan sa larangan ng isports. Layunin nitong pagtibayin ang kaalaman sa iba't ibang skills at techniques sa larong basketball upang mas lalong mapaunlad ang kanilang talento sa paglalaro.

Higit pa rito, layunin ng programa na mahubog ang ๐™™๐™ž๐™จ๐™ž๐™ฅ๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™–, ๐™จ๐™ฅ๐™ค๐™ง๐™ฉ๐™จ๐™ข๐™–๐™ฃ๐™จ๐™๐™ž๐™ฅ at ๐™–๐™ ๐™ฉ๐™ž๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™ ๐™ž๐™ ๐™ž๐™ก๐™–๐™๐™ค๐™  ng kabataan sa larangan ng isports. Sa pamamagitan ng sports clinic na ito, mas madami pang kabataan na magkakaroon ng ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฏ ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ upang ipamalas ang kanilang natatanging galing sa loob ng court.

Gaganapin ang sports clinic sa ๐—๐˜‚๐—ป๐—ฒ 20, 2026, ganap na 1:00 ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐—ป, sa ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ถ ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น. Inaasahang magkakaroon ng isang masaya, produktibo at hindi malilimutang karanasan ang mga kalahok sa araw na ito.



โœจ ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐˜๐ฎ๐ ๐ญ๐จ, ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐ฌ๐š โœจSa pagtitiwala ng FPJ Youth, buong pagpapakumbaba naming ipinapakilala ang b...
08/06/2026

โœจ ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐˜๐ฎ๐ ๐ญ๐จ, ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐ฌ๐š โœจ

Sa pagtitiwala ng FPJ Youth, buong pagpapakumbaba naming ipinapakilala ang bagong Provincial Executive Committee ng FPJ Youth Camarines Norte.

Kaakibat ng karangalang ito ang paninindigan na isabuhay at palaganapin ang mga pangunahing pagpapahalaga ng FPJ Youthโ€”Fortitude, Patriotism, Justice, at Youth Empowerment. Mga haliging magsisilbing gabay sa bawat hakbang ng aming paglilingkod at pamumuno para sa kapakanan ng kabataan at ng bayan.

Sa diwa ng paniniwala ni Dr. Jose Rizal na โ€œAng kabataan ang pag-asa ng bayan,โ€ naniniwala kami na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa mga kabataang may tapang na mangarap, malasakit na maglingkod, at determinasyong kumilos.

Hindi lamang ito pagpapakilala ng mga bagong lider. Ito ay panibagong panata ng katatagan sa hamon (Fortitude), pagmamahal sa bayan (Patriotism), pagtataguyod ng katarungan (Justice), at pagbibigay-lakas sa bawat kabataan (Youth Empowerment).

Sa bawat programa, proyekto, at pagkilos, layunin naming maging instrumento ng positibong pagbabago at inspirasyon para sa mas maraming kabataan sa Camarines Norte.

๐Ÿ“Œ Narito ang mga lingkod-kabataan na bubuo sa bagong Provincial Executive Committee ng FPJ Youth Camarines Norte.

Para sa Kabataan. Para sa Bayan. Para sa Mas Matatag na Kinabukasan.





FPJ YOUTH CELEBRATES | ๐™ƒ๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™ฎ ๐˜ฝ๐™ž๐™ง๐™ฉ๐™๐™™๐™–๐™ฎ, Armaine! ๐ŸŽ‰FPJ Youth sends our warmest birthday greetings.Your dedication, precisi...
20/03/2026

FPJ YOUTH CELEBRATES | ๐™ƒ๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™ฎ ๐˜ฝ๐™ž๐™ง๐™ฉ๐™๐™™๐™–๐™ฎ, Armaine! ๐ŸŽ‰

FPJ Youth sends our warmest birthday greetings.

Your dedication, precision, and unwavering commitment keep the organization moving with clarity and purpose. Thank you for the hard work, patience, and heart you pour into everything you do. May this year bring you joy, success, and countless new milestones. โœจ



05/12/2025
โ™จ๏ธ Hot Meals para sa mga Daeteรฑo! โ™จ๏ธNoong Nobyembre 14, 2025, matagumpay na naghatid ng mainit na pagkain at mainit na s...
16/11/2025

โ™จ๏ธ Hot Meals para sa mga Daeteรฑo! โ™จ๏ธ

Noong Nobyembre 14, 2025, matagumpay na naghatid ng mainit na pagkain at mainit na saya ang FPJ PANDAY FPJ Panday Bayanihan PARTYLIST at FPJ YOUTH CAMARINES NORTE sa ating mga tricycle driver, tinderaโ€™t tindero, at mga mamimili sa Daet, Camarines Norte!

Sa ilalim ng programang HOT MEALS DISTRIBUTION, nakapagbigay tayo ng masarap na hot meals sa halos 400 Ka-Panday mula sa ibaโ€™t ibang bahagi ng Daet! ๐Ÿฒโœจ

Isang taos-pusong pasasalamat kay Cong. Brian Poe at sa buong FPJ Youth sa kanilang walang sawang malasakit at suporta sa ating mga komunidad. Dahil sa inyo, mas lalo pang sumisiklab ang ating adbokasiya para sa bayan! ๐Ÿ™โค๏ธ

Lubos din kaming nagpapasalamat sa Daet Market sa kanilang pakikipagtulunganโ€”malaki ang naitulong ninyo upang maging mas makulay at mas makahulugan ang araw na ito para sa ating mga benepisyaryo. ๐Ÿ’™

Hanggang sa muli, Ka-Panday! Tuloy-tuloy lang ang ating bayanihan at pagmamahalan sa komunidad!




Address

Camarines Norte
Daet
4600

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when FPJ Youth - Camarines Norte posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share