08/10/2026
Narito ang mga mahalagang detalye mula sa ika-35 na araw ng ni Vice President Sara Duterte noong Oktubre 7, 2026:
- Sa ika-35 na araw ng ni Vice President Sara Duterte, iniharap ng prosekusyon sina Asia United Bank (AUB) Davao Toril Branch Manager Arcy James Gonzales, Branch Operations Department Head ng Philippine Savings Bank Irene Joy Ishida, at Security Bank Branch banking Group Head Leslie Cham upang tumestigo sa ilalim ng Article II: Unexplained wealth. Kinumpirma ng tatlong testigo ang mga bank account na pagmamay-ari nila Vice President Sara Duterte at kanyang asawa na si Atty. Manases Carpio.
- Kinumpirma ni Witness Arcy James Gonzales ang ending balance na P314K sa account na may ending number na 387 at total balance na P1.68M naman sa account sa ending number na 301 na nakapangalan kay Atty. Manases Carpio mula sa Asia United Bank.
- Kinumpirma ni Witness Irene Joy Ishida ang ending balance na P2.5M sa isang bank account sa Philippine Savings Bank noong 2022 na nakapangalan kay Vice President Sara Duterte.
- Iniharap rin ng prosekusyon si Metrobank Anti-Money Laundering Department Head Atty. Niña Aguilar. Ayon sa testigo, noong 2022, mayroong total balance na P3.5M sa isang bank account nina Vice President Sara Duterte at Atty. Manases Carpio. Noong 2023, umabot naman ito sa P3.77M, at bumaba. ng P1.87M noong 2024. Bumaba rin ito sa P1.6M sa taong 2025.
- Nilinaw ni Atty. Niña Aguilar na nagsasampa ang bangko nila sa Anti Money Laundering Council (AMLC) ng Suspicious Transaction Reports (STR) kapag natukoy nila ang kanilang kliyente na sangkot sa negative report ng media. Dagdag pa niya, kapag ito ay warranted, magsasampa sila ng additional STR pagkatapos nang mabusising pag-aaral dito.
- Ayon kay Witness Atty. Niña Aguilar, kapag umaabot ng P500K ang withdrawal sa bangko, nagsasagawa sila ng pagsisiyasat sa transaksyon upang matiyak kung saan mapupunta ang pera batay sa kasalukuyang patakaran, para sa transaksyon na umaabot sa isang milyong piso alinsunod sa circular no.1230 ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
- Iniharap rin ng prosekusyon si Security Bank Branch banking Group Head Leslie Cham upang tumestigo sa bilang ng mga bank account ni Vice President Sara Duterte sa kanilang bangko. Ayon sa testigo, walang nakapangalan na account sa Bise Presidente, ngunit mayroong dalawang account na nakapangalan kay Atty. Manases Carpio.
- Ayon kay Witness Leslie Cham, ang isang account ni Atty. Manases Carpio sa Security Bank ay mayroong P25K noong 2022, na tumaas ng P232K sa taong 2023. Tumaas rin ito ng P344K noong 2024 at umabot sa P935K sa taong 2025.
- Ayon kay Witness Leslie Cham, awtomatikong iniimbestigahan ng mga bangko kapag may pumapasok na malaking halaga ng pera sa isang bank account. Aniya, humihingi sila ng karagdagang dokumento gaya ng deed of sale, contract of sale, at iba pa bilang patunay sa legalidad ng malalaking halaga ng pera. Dagdag ng testigo, kapag walang naipasang dokumento ang may ari ng isang bank account, isinasauli ng bangko ang pera.
- Iniharap ng prosekusyon si Bank of the Philippine Islands (BPI) Central Manila Branches Division Head Marwin Galvez upang tumestigo. Aniya, kasalukuyang mayroong 7 active account sa ilalim ng mga pangalan nina Vice President Sara Duterte at Atty. Manases Carpio.
- Kinumpirma ni Witness Marwin Galvez na mayroong 34 closed account sina Vice President Sara Duterte at Atty. Manases Carpio sa BPI simula 2007 hanggang 2025. Ayon sa testigo, mayroong pitong (7) active deposit account, dalawang (2) credit card account, at isang (1) corporate account na nakapangalan sa nabanggit na mag-asawa.
- Ayon sa mga bank records ng BPI, mayroong kabuuang P7.48M sa anim na account na nakapangalan kay Vice President Sara Duterte noong 2022. Umakyat ito ng P7.84M noong 2023 at P7.97M naman sa 2024. Makikita rin ang pag-akyat ng kabuuang halaga sa P8.07M sa taong 2025.
- Batay sa bank records ng BPI na iniharap ni Witness Marwin Galvez, ang time deposit account ay nakapangalan kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at VP Sara Duterte, na may principal amount na P40.65M. Ito ay may opening date na January 22, 2010 at 12 beses nang na-roll over o na-renew.
- Sa huling roll over ng time deposit account nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at VP Sara Duterte noong February 11, 2011, ito ay nagkaroon ng kabuuang balanse kasama ang interes na umabot sa P41.7M. Dagdag pa ng witness, ang settlement account ng naturang time deposit ay nasa BPI Julia Vargas Branch at pumasok sa pamamaraang credit memo sa account number na nagtatapos sa 9539 noong March 9, 2011.
- Ayon kay Witness Marvin Galvez, kapag naglabas ng manager’s check ay ibinabawas ang halaga nito sa account ng client at inilalagay sa settlement account ng bangko bilang pondo. Kapag ibinalik naman ay ibinabawas ito sa settlement account at ibinabalik sa account ng bumili.
- Batay sa mga dokumentong isinumite ng BPI, kinumpirma ni Witness Marwin Galvez na naging payee ng manager’s check na nagkakahalaga ng mahigit P16M ang isang Samuel Uy.
- Iniharap ng prosekusyon si PNB-Davao San Pedro CM Recto Branch Manager Julius Parian. Kinumpirma ni Witness Julius Parian na mayroong apat (4) na account sa Philippine National Bank (PNB) na nakapangalan kay Atty. Manases Carpio.
- Ayon sa tala ng PNB na iprinesenta ni Branch Manager Julius Parian, para sa taong 2022
ang account ni Atty. Manases Carpio na nagtatapos sa 8912 ay may ending balance na P19.88M Habang ang tatlong iba pa na nagtatapos sa 3504, 3481, at 3492 ay may parehong balanse na P114K. Sa kabuuan, ang apat (4) na account sa pangalan ni Atty. Manases Carpio ay umabot sa P20.22M ang total ending balance para sa taong 2022.
- Nanatili ang apat na account sa ilalim ng pangalan ni Atty. Manases Carpio sa taong 2023. Ang account na nagtatapos sa 8912 ay may ending balance na P21M. Ang tatlo pang account na nagtatapos sa 3504, 3481, at 3492 ay may parehong ending balance na P197K ang bawat isa. Sa kabuuan, ang apat (4) na account sa pangalan ni Atty. Manases Carpio ay pumalo sa P21.59M ang total ending balance para sa taong 2023.
- Bumaba ang balanse ng mga account ni Atty. Manases Carpio sa taong 2024. Ang account na nagtatapos sa 8912 ay may ending balance na P1.42M. Ang mga account na 3504, 3481, at 3492 ay may parehong P635,539.25 bawat isa. Sa kabuuan, ang apat (4) na account sa pangalan ni Atty. Manases Carpio ay pumalo sa P3.33M ang total ending balance para sa taong 2024.
- Para sa taong 2025, ang account ni Atty. Manases Carpio na nagtatapos sa 8912 ay may ending balance na P1.87M. Ang account na nagtatapos sa 3504 at 3481 ay may parehong tig-P1.03M, habang ang account na nagtatapos sa 3492 ay may P1.04M. Sa kabuuan, ang apat (4) na account sa pangalan ni Atty. Manases Carpio ay pumalo sa P4.96M ang total ending balance para sa taong 2025.
- Batay sa statement of account ng Philippine National Bank na nakapangalan kay Atty. Manases Carpio, nagkaroon ng withdrawal na may kabuuang halaga na P18M noong August 16, 2024.
- Iniharap rin ng prosekusyon si Banco De Oro Senior AVP Branch Banking Group, Branch Regulatory Support Mario Cirilo De Mesa Jr. Batay sa datos na ipinakita ng testigo, may pitong (7) account na nakapangalan kay VP Sara Duterte, Atty. Manases Carpio, at 888 Bistro. Noong 2022, umabot sa P22.8 milyon ang kabuuang ending balance ng mga account.
- Para naman sa taong 2023, tumaas sa kabuuang P32.16M. Ang account na may ending 2393 ay may P65.59M. Ang ending account 8427 ay may P6.03M. Para sa account na nagtatapos sa 3686 ay P748.67K. Ang account ending 6168 ay may P415.83K. Ang account ending 6071 ay may P4.67M. Ang 4786 ay may P20.23M. Samantala, ang account ending 8577 ay walang ending balance.
-Noong 2024, bumaba naman mula sa kabuuang P4.68M. Mula sa account ending 2393 na may P21.62K, account 4786 ay P4.41M, account 8427 ay P30.97K, account 3686 ay P15.03K, account 6168 ay P16.03K, at ang account 6071 na sa 888 Bistro ay P179.93K.
- Para sa taong 2025, muling tumaas mula sa kabuuang P18.85M. Ang account ending 2393 ay P27.6K, account 4786 ay P16.49M, account 8427 ay P1.10M, account 3686 ay P15K, account 6168 ay P16K, account 6071 ay P92K, at account 8577 ay P1.1M.
- Iniharap ng prosekusyon si FWD Life Insurance Corporation Chief Legal and Compliance Officer Atty. Juan Sotero Roman.Kinumpirma ng testigo ang mga insurance policy ni Vice President Sara Duterte na umano’y may mas malaking halaga sa kaniyang idineklarang SALN noong 2022.
- Kinumpirma ni Witness Atty. Juan Sotero Roman na mayroong insurance package si Vice President Sara Duterte na nagkakahalagang P10.6 milyon bilang paunang bayad at mayroong sum assured na P13.25 milyon. Ayon sa testigo, maaaring makonsidera na asset ang insurance policy. Aniya, ito ay isang personal property kaya naman itinuturing itong asset.
- Humarap bilang bagong witness si Malu R. Salanguit, Head of the Manage and Review Value Stream ng Manulife Philippines. Ayon sa testigo, mayroong insurance policy na may kabuuang halaga na higit P538K na nakapangalan kay Vice President Sara Duterte na nabayaran noong 2013.
- Humarap rin bilang testigo si Atty. Calvin Kohchet Chua, Chief Legal Government Relations And Sustainability Officer ng Pru Life UK. Kinumpirma ng testigo na mayroong insurance policies si Vice President Sara Duterte na may kabuuang halaga na P2.4M bilang premium. Samantala, si Atty. Manases Carpio naman ay mayroong kabuuang P5.4M bilang premium.
- Iniharap rin ng prosekusyon si Kristine Cabradilla, Policy Changes Head ng BPI AIA Life Insurance Corp. Kinumpirma ng testigo na mayroong insurance policy na nakapangalan kay Atty. Manases Carpio na binayarang noong 2013 na nagkakahalagang USD30K o P1.3M hanggang P1.4M.
- Iniharap rin ng prosekusyon si Policy Management Head Hygeia Defensor mula sa Allianz PNB Life Insurance. Batay sa mga dokumento ng Allianz PNB Life Insurance, mayroong dalawang life insurance policy na nakapangalan kay Atty. Manases Carpio na may kabuuang halaga ng USD117K. Ayon sa testigo, pareho itong nabayaran ng buo noong taong 2021. Ayon kay Witness Hygeia Defensor, nai-surrender ang mga policy ito noong March 2025 na ibinibigay sa policy owner na si Atty. Manases Carpio.
- Iniharap rin ng prosekusyon si Atty. Joel De Jesus na Vice President and Head of Customer Support Service ng BDO Life Assurance Company Inc. Kinumpirma ng testigo na mayroong tatlong (3) insurance policy sa kanilang kumpanya si Vice President Sara Duterte at isa (1) naman kay Atty. Manases Carpio. Ayon sa testigo, ang dalawang insurance policy ng Bise Presidente ay may kabuuang halagang higit P1M.
- Humarap si Vice President at Operations Head Janet Amora ng BDO Securities Corp. Kinumpirma ng testigo na mayroong BDO Securities investments na nakapangalan kay Atty. Manases Carpio mula 2021 hanggang 2024 na nagkakahalaga ng P25.5M. Kinumpirma rin ni Witness Janet Amora na mayroong BDO Nomura Securities investment na nakapangalan sa asawa ng Bise mula 2020 hanggang 2025 na may kabuuang halaga na P4.25M.