04/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Nagsagawa ng isang matagumpay na Basic Life Support (BLS) Orientation at Basic Emergency Care Training ang Lokal na Pamahalaan bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kahandaan at kaligtasan sa bawat komunidad.
Isinagawa ngayong Agosto 30, 2026 sa Don Lau Private Resort ang nasabing pagsasanay na inorganisa ng Sangguniang Kabataan ng Mambalite sa pamumuno ni SK Chairman Nathaniel Ocan. Masayang dinaluhan at nilahukan ng mga kabataan ng Barangay Mambalite ang aktibidad upang magkaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan bilang mga first responder sa oras ng sakuna at emergency.
Pinangunahan at pinasilite ang programa ng MDRRMO Daet sa pamumuno ni MDRRM Officer Santiago M. Mella Jr., kasama ang C-HEMS Daet Focal Person / LDRRMH Coordinator na si Fara Ferrer Calimlim. Sa pamamagitan ng mga lektura, demonstrasyon, at return demonstration, itinuro sa mga kabataan ang tamang pag-assess sa pasyente, CPR, pagkontrol ng pagdurugo, at iba pang pangunahing life-saving skills.
Sa ilalim ng pamumuno at suporta ni MDRRMC Chairman Mayor Rossano โRonieโ C. Valencia, patuloy ang LGU Daet sa pakikipagbalikatan sa mga organisasyong pangkabataan upang makabuo ng isang mas ligtas, matatag, at handang komunidad.
Contributed by: Frederick Edward Q. Ferrer (MDRRMO-Daet Designated Information Officer)
Manatiling updated at nakatutok! I-follow ang ating mga opisyal na social media account para sa iba pang balita at impormasyon:
Facebook: Daet Municipal Information Office
TikTok: tiktok.com/
Instagram: instagram.com/daetmio