16/08/2026
SUCCESS STORY SUNDAY|Muling pinatunayan ng Minasag-Bida Irrigators Association (IA) mula sa Barangay Rizal, Santa Elena, Camarines Norte ang kanilang natatanging serbisyo at pamumuno matapos silang gawaran ng parangal bilang Outstanding IA sa Provincial Level sa ilalim ng Communal Irrigation System (CIS) Category C.Y. 2025.
Iginawad ang nasabing pagkilala kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng National Irrigation Administration (NIA) Region V, kung saan itinampok ang mahalagang kontribusyon ng mga magsasaka sa rehiyon.
Masayang ipinaabot ni Rodrigo A. del Mundo, pangulo ng Minasag-Bida Irrigators’ Association, ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa buong pamunuan ng NIA Region V at sa Camarines Norte Irrigation Management Office (IMO).
"Lubos ang aking pasasalamat sa NIA at sa aming IDO dahil kahit kailan ay hindi nila kami pinabayaan. Bagama't malayo ang aming lugar, ramdam na ramdam namin ang kanilang buong suporta sa aming asosasyon. Maraming salamat po!" pahayag ni G. del Mundo.
Hindi rin ito ang unang pagkakataon na nakatanggap sila ng ganitong parangal. Kinilala na rin ang kanilang asosayon na patuloy na nakatatanggap ng iba't ibang pagkilala mula sa iba pang sangay ng pamahalaan. Ang panibagong tagumpay na ito ay tunay na nagpapatunay at lalo pang nagpapatibay sa maayos na pamamalakad at patuloy na kahusayan ng Minasag-Bida IA.
sa