Dagohoy PS Online Complaint Desk "e-Reklamo"

Dagohoy PS Online Complaint Desk "e-Reklamo" Your complaint can now be reach this station thru this page

11/07/2022

Adopt an indigent Family, Kapwa ko sagot ko Program, Isinagawa ng Getafe PNP

Nagsawa ng pamimigay ng mga food packs ang tauhan ng Getafe Municipal Police Station sa Sitio Bliss, Barangay Campao Oriental, Getafe, Bohol nito lamang ika-6 ng Hulyo 2022.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Margarito Nocalan Cagoco Jr, Officer In Charge, at ang mga tauhan ng Getafe Municipal Police Station.

Ayon rito, ang isinagawang aktibidad ay alinsunod sa PNP's Rektang Bayanihan, kapwa ko sagot ko, Adopt ang Indigent Family Program na naglalayong matulungan ang komunidad na lubhang naapektuhan ng pandemya.

Layunin ng Getafe PNP ay ang mahandugan ng tulong ang kanilang mga residente na lubhang naapektuhan ng pandemya at maipadama ang pagmamahal at malasakit ng Pambansang Pulisya.




11/07/2022

High-Value Individual, arestado sa buy-bust operation sa Cebu City

Cebu City - Tinatayang Php523,600.00 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng Cebu City PNP sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Carreta, Cebu City nito lamang Miyerkules, Hulyo 6, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Ernesto Salvador Tejada Tagle, Acting City Director ng Cebu City Police Office ang suspek na si Rico Gella Calledo, alias "Kokoy" 46 taong gulang at kabilang sa High-Value Individual sa naturang lugar.

Dagdag pa ni PCol Tagle, nakuha sa suspek ang aabot sa 77 gramo ng shabu na may tinatayang Standard Drug Price na Php523,600.00, isang blue pouch na ginamit bilang lalagyan ng mga droga at buy-bust money.

Ayon pa rito, naaresto ang suspek bandang 5:30 ng gabi sa Sitio Kalapukan, Brgy. Carreta, Cebu City ng mga operatiba ng City Intelligence Unit ng Cebu City Police Office.

Kasalukuyang mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Sinisiguro ng Cebu City Police Office sa pamumuno ni PCol Ernesto Salvador Tagle na paiigtingin ang operasyon nito laban sa ilegal na droga upang agad na mahuli at mapanagot ang mga taong lumalabag sa batas.




11/07/2022

Personnel of Police Regional Office 7 join our Muslim Brothers and Sisters in Region 7 in their meaningful celebration of Eid-al Adha.

The festival commemorates prophet Ibrahim's obedience to God, which was so strong that he was willing to sacrifice his own son.

“Wishing that your sacrifices are appreciated and your prayers are answered by the Almighty. have a blessed Eid-al Adha!” - PBGen. Roque Eduardo DP Vega, Regional Director of Police Regional Office 7.




11/07/2022

Closing Ceremony of the 5-Day Disaster Preparedness, Search, Rescue, and Retrieval Operation Seminar

Toledo City, Cebu – Matapos ang ilang araw na pagsisikap at pagsasanay ng mga kapulisan, matagumpay na naisagawa ang Closing Ceremony of the 5-Day Disaster Preparedness, Search, Rescue and Retrieval Operation Seminar nitong Hulyo 8, 2022, na ginanap sa Ranch Resort, Toledo City, Cebu.

Dumalo sa nasabing seremonya si Police Brigadier General Roque Eduardo DP Vega, Regional Director Police Regional Office 7, kasama si Police Colonel Antonietto Y Cañete, Chief RCADD, mga kawani ng RPCADU 7 na pinamumunuan ni Police Major Wilfredo Sangel at iba pang personalidad ng PRO 7.

Naging matagumpay ang limang araw na pagsasanay na nilahukan ng nasa mahigit na 40 na miyembro ng kapulisan mula sa PRO 6 at PRO 7.

Sa mensahe ni Police Colonel Antonietto Y Cañete, Chief RCADD7 isang pagbati ang kanyang ipinaabot sa mga nagsipagtapos "To the Participants, I urge you to put into actions all the knowledges and skills that you have acquired during this training and to reecho this to your colleague so that whenever a disaster or calamity strikes, we were all ready to respond and provide immediate help, and effectively protect the lives and properties of the people without much ado."

Ang pagsasanay na ito ay idinisenyo bilang bahagi sa mga hakbang ng PNP upang patuloy na sanayin ang kahandaan at makabuluhang impormasyon na maaaring maging gabay sa pagpapalaganap ng mga mabuting adhikain at gawi ng ating mga kapulisan at tulay na rin upang mas mapagtibay ang ugnayan sa pagitan ng komunidad at pambansang pulisya.





11/07/2022

15-kilo ng shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Lapu-lapu City

Arestado ang isang babae matapos makuhanan ng humigit-kumulang 15-kilo ng shabu sa anti-illegal drug operation sa Barangay Pusok, Lapu-Lapu City nito lamang Sabado, Hulyo 9, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Arnel B Banzon, City Director ng Lapu-lapu City Police Office ang suspek na si Grace Glory Pabillo Juntilla alias “Nicole”, 31, female, residente ng Sitio Ibapo, Brgy. Mactan, Lapu-lapu City at kabilang sa High Value Individual sa naturang lugar.

Ayon pa rito naaresto si Juntilla bandang 3:25 ng hapon ng mga operatiba ng City Intelligence Unit at City Drug Enforcement Unit ng Lapu-lapu City Police Office sa pangunguna ni Police Lieutenant Brigido J Paca II at sa direktang pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Jul Mohammad Leones Jamiri, Chief, CIU/CDEU, LCPO katuwang ang Regional Police Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Division at Naval Security Group.

Nakuha sa naturang suspek ang hindi bababa sa 15-kilo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php102,000,000.00, labing-limang (15) tea bag na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu; isang (1) eco bag; isang (1) trolley luggage at buy-bust money.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article 2 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Lapu-lapu City Police Office para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Dinala naman ang mga nakumpiskang ebidensya sa PNP Forensic Unit 7 para sa pagsusuri.

Ang Lapu-lapu City Police Office sa pamumuno ni PCol Banzon ay hindi titigil sa mga operasyon kontra iligal na droga at iba pang uri ng kriminalidad.



11/07/2022

PRESS RELEASE
July 9, 2022

PRO7 HAULS PhP102M OF SHABU FROM FEMALE SUSPECT
The Police Regional Office 7 seized 15 kilos of shabu worth PhP102 million in a drug bust operation in Barangay Pusok, Lapu-lapu City on Saturday.

PRO7 Director Police Brigadier General Roque Eduardo DP Vega identified the female suspect as Grace Glory Pa illo Juntilla, a.k.a Nicole, 31 years old and a resident of Sitio Ibapo, Barangay Mactan, Lapu-lapy City.

Juntilla was arrested during a joint operation launched by the City Drug Enforcement Unit of Lapu-lapu City Police Office, Regional Police Drug Enforcement Unit7 in coordination with PDEA7 and NAVFORCEN on July 9 at around 3:25 PM, Sitio Mustang, Barangay Pusok, Lapu-lapu City.

Recovered pieces of evidence from the suspect were one black eco bag, one trolley luggage, fifteen pieces of tea bags with the Chinese character (GUANYINWANG) containing a white crystalline substance believed to be shabu with an estimated weight of 15 kilos with a Standard Drug Price value of PhP102,000,000, a paper bag, and buy-bust money.

"I commend our police force for the significant seizure of a large number of illegal drugs in Lapu-lapu City. This is the biggest haul carried for the week. Let us continue to accomplish our mandate - to serve and protect," said PBGen Vega.

| Police Regional Office 7




11/07/2022

Palugaw ni Ate at Kuyang Pulis, Isinagawa ng PNP sa Dimiao Bohol

Nagsagawa ng Community Outreach Program na "Palugaw ni Ate at Kuyang Pulis" ang mga tauhan ng Dimiao Municipal Police Station sa Barangay Alemania, Dimiao, Bohol nito lamang ika-9 ng Hulyo 2022

Ang aktibidad ay pinangasiwaan ni Police Lieutenant Jose Oliver M Josol, Chief of Police at ang mga tauhan ng Dimiao Municipal Police Station.

Ayon rito, kasabay ng isinagawang pamimigay ng lugaw sa mga bata binigyan rin sila ng tsinelas at mga School Supplies na kanilang magagamit sa kanilang pagaaral at binigyan rin sila ng kaalaman tungkol sa RA 7610 o ang "Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act".

Lubos naman ang tuwa at pasasalamat ng mga magulang ng mga bata dahil sa aktibidad ng isinagawa ng mga kapulisan ng Dimiao Police Station.

Layunin ng Dimiao PNP ay ang maipadama sa kanilang mga residente lalo na sa bata ang malasakit at pagmamahal ng Pambansang Pulisya at mas mapatibay ang naumpisang magandang ugnayan ng kapulisan at ng komunidad.




11/07/2022

Community Outreach Program, isinagawa ng Balamban MPS

Balamban Cebu – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Balamban PNP sa Luca Sports Complex, Brgy. Luca, Balamban, Cebu nitong ika-9 ng Hulyo 2022.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Glenn T Hife, Acting Chief of Police katuwang ang KKDAT Municipal Officers na pinamumunuan ni Mr. Rommel Sadora, LGU Balamban na kinakatawan ni Mrs. Juvelyn Codinera, KKDAT Members at Brgy. Opisyal.

Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng 27th Police Community Relations Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan.”

Masayang ibinahagi ng mga kapulisan kasama ang mga iba’t ibang ahensya at mga volunteer’s sa mga bata ang mga school supplies na kanilang magagamit sa pag-aaral.

Bukod pa rito ay nagkaroon din ng feeding program sa mga batang benepisyaryo na labis na nagpasaya ng kanilang araw.

Kasabay ng naturang aktibidad, binigyang kaalaman din ang mga ito patungkol sa mga batas na nagpoprotekta at kumakalinga sa karapatan ng mga bata at kababaihan.

Labis naman ang pasasalamat ng mga bata sa mga kapulisan sa tulong at pagbibigay inspirasyon upang mas lalo pa silang magsumikap sa pag-aaral tungo sa minimithi nilang pangarap sa buhay.




Address

Poblacion
Dagohoy

Telephone

+639985986415

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dagohoy PS Online Complaint Desk "e-Reklamo" posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Dagohoy PS Online Complaint Desk "e-Reklamo":

Share