03/09/2026
๐ฃ๐๐ฅ๐ง ๐ฐ | Hands-on Training sa Hatchery Operation and Management at Preparation and Fabrication of Oyster and Mussel Substrate
Idinaos noong Agosto 27โ28, 2026 ang hands-on training sa Hatchery Operation and Management at Preparation and fabrication of oyster and mussel substrate, na parte ng Handsโon Training on the Production Method and Sanitation Standards for Oyster and Mussels sa BFARโNational Fisheries Development Center (NFDC), sa pangunguna ng Asian Fisheries Academy (AFA) at NFDC Shellfish Unit. Ang naturang pagsasanay ay nagbigay ng mas malalim na kaalaman at praktikal na karanasan sa hatchery operation at pamamahala ng shellfish, na mahalaga sa pagpapaunlad ng industriya ng pangisdaan.
Sa ilalim ng pangangasiwa ng Shellfish Unit at Training Unit ng NFDC, isinagawa ang serye ng aktwal na gawain na naglatag ng kumpletong proseso mula sa hatchery hanggang sa nursery rearing.
Itinuro ang tamang pamamaraan ng mass production ng natural food na kinakailangan sa pagpapakain ng larval stages ng oyster at mussel. Binanggit ang kahalagahan ng kalidad ng microalgae at iba pang natural na pagkain upang matiyak ang mabilis at ligtas na paglaki ng mga larvae.
Kasunod nito, isinagawa ang aktwal na pagpili at paglilinis ng broodstock. Ipinaliwanag ng mga eksperto ang pamantayan sa pagpili ng malulusog na talaba at tahong na gagamitin sa pagpaparami. Sa pamamagitan ng induced spawning techniques, natutunan ng mga kalahok ang tamang proseso ng pagpapalabas ng gametes upang makapagsimula ng larval production.
Sa larval rearing, binigyang-diin ang wastong kondisyon ng tubig at regular na monitoring upang matiyak ang mataas na survival rate ng larvae. Pagdating sa nursery rearing, ipinakita ang mga hakbang sa paglipat ng larvae patungo sa mas malaking substrate, kabilang ang tamang paghahanda ng pasilidad at pangangalaga sa mga juvenile shellfish.
Bilang huling bahagi ng pagsasanay, isinagawa ang paggawa at paghahanda ng substrate para sa oyster at mussel. Sa tulong ng Shellfish Unit, natutunan ng mga kalahok ang tamang materyales at disenyo ng substrate na makatutulong sa mas mataas na recruitment at paglaki ng shellfish sa mga coastal farm.
Sa kabuuan, ang dalawang araw na pagsasanay ay nagbigay ng komprehensibong kaalaman at praktikal na kasanayan sa Hatchery Operation and Management. Ang aktwal na partisipasyon ng mga trainees sa bawat yugto ng proseso ay nagpatibay sa layunin ng programa na pagpapalakas ng kakayahan ng mga mangingisda at fisheries practitioners tungo sa ligtas, produktibo, at masustansyang industriya ng shellfish sa bansa.