Sekder ya Kalangweran - Pagbabago Ating Tinupad

Sekder ya Kalangweran - Pagbabago Ating Tinupad | • taPAT na Serbisyo, Barangay Carael Aasenso! • |

OVERTIME NA CHAIRMAAAAN!🤯  : Abangan ang presentation ng 1st Semester Accomplishments ng Sangguniang Kabataan (SK) Membe...
14/08/2026

OVERTIME NA CHAIRMAAAAN!🤯

: Abangan ang presentation ng 1st Semester Accomplishments ng Sangguniang Kabataan (SK) Members bukas, August 15, 2026!

“BAWAT SITIO, MAY KUWENTO” GOES TO SITIO TALAIB EAST KASAMA ANG KARITON HOT MEALS!🍲📖Noong August 11, 2026, isang makabul...
14/08/2026

“BAWAT SITIO, MAY KUWENTO” GOES TO SITIO TALAIB EAST KASAMA ANG KARITON HOT MEALS!🍲📖

Noong August 11, 2026, isang makabuluhang araw ng pagbabahagi, pagbabasa, at malasakit ang muling isinagawa ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Carael sa ilalim ng pamumuno ni SK Chairman John Patrick D. De Vera sa pamamagitan ng programang “Bawat Sitio, May Kuwento,” na itinampok naman sa Sitio Talaib East, kasabay ng Kariton Hot Meals.

Layunin ng programa na mailapit sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagbabasa at storytelling bilang pundasyon ng pagkatuto, paglinang ng imahinasyon, at pagbuo ng tiwala sa sarili. Sa pamamagitan ng kuwentuhan, naging mas masaya at makabuluhan ang oras ng mga bata habang sila ay nakikinig, nakikilahok, at natututo mula sa bawat kuwentong ibinahagi.

Kasabay nito, isinulong din ang Kariton Hot Meals, na naglalayong itaguyod ang kalusugan at kapakanan ng mga kabataan sa pamamagitan ng mga serbisyong pangkalusugan at simpleng paraan ng pagtugon sa kanilang pangangailangan.

Para sa SK ng Carael, ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa dami ng mga aktibidad, kundi sa kung gaano ito kalapit at kapaki-pakinabang sa bawat kabataan at pamilya sa komunidad.

Mula sa isang sitio patungo sa isa pa, patuloy nating ihahatid ang kuwento, kaalaman, kalusugan, at malasakit.

ALL-SET FOR TOMORROW’S PRESENTATION OF ACCOMPLISHMENTS!📚
14/08/2026

ALL-SET FOR TOMORROW’S PRESENTATION OF ACCOMPLISHMENTS!📚

SK IN ACTION: TROPICAL STORM “MAYMAY” SITUATIONAL REPORT AT BARANGAY CARAEL, DAGUPAN CITY LAST AUGUST 10, 2026!💨Noong lu...
13/08/2026

SK IN ACTION: TROPICAL STORM “MAYMAY” SITUATIONAL REPORT AT BARANGAY CARAEL, DAGUPAN CITY LAST AUGUST 10, 2026!💨

Noong lunes, August 10, 2026 ay personal na binisita ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Carael sa pangunguna ni SK Chairman John Patrick D. De Vera ang mga evacuees na nasa simbahan ng Latter-Day Saints o LDS na nagsilbing evacuation center nila.

Kasama rin ang ilang miyembro ng Barangay Health Workers sa pangunguna ni Ms. Joan M. De Vera at SK Member Mhelvin P. Andir upang kamustahin at mabigyan din ng mga gamot at pagkain ang ilang residente.

Sama-sama tayong bumangon, ka-barangay!🫰🏻

LIBRENG GAMOT PARA SA KABATAAN AT PAMAYANAN NGAYONG TAG-ULAN!💊🌧️Narito ang ilan sa mga available na gamot at health supp...
12/08/2026

LIBRENG GAMOT PARA SA KABATAAN AT PAMAYANAN NGAYONG TAG-ULAN!💊🌧️

Narito ang ilan sa mga available na gamot at health supplements para sa mga bata at matatanda na maaaring makuha sa SK Teen Center of Carael sa ilalim ng ating SAPAT NA KALUSUGAN PROJECT – “BOTIKA NA KALANGWERAN” na inisyatiba ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Carael sa pamumuno ni SK Chairman John Patrick D. De Vera.

Kabilang sa ating available supplies ang mga piling paracetamol, lagundi, multivitamins, vitamin C, at iba pang over-the-counter medicines, depende sa kasalukuyang stock.

Layunin ng programang ito na makatulong sa ating mga kabataan at mga residente na magkaroon ng mas madaling access sa pangunahing gamot at health essentials, lalo na sa panahon ng pangangailangan. Sapagkat para sa amin, ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa mga programa at proyekto—ito ay makikita sa pagmamalasakit sa kalusugan at kapakanan ng bawat kabataan.

📍 Available at SK Teen Center of Carael
🕙 Lunes hanggang Linggo | 10:00 AM – 6:00 PM

📌 Ang pagbibigay at paggamit ng gamot ay naaayon sa wastong health guidelines. Para sa prescription medicines at mga gamot na nangangailangan ng medical advice, kumonsulta muna sa doktor o health professional.

ISANG SELYONG MAY PANANAGUTAN: JOHN PATRICK D. DE VERA, KINILALA BILANG GOOD STANDING SK OFFICIAL!🏆✨DAGUPAN CITY, PANGAS...
12/08/2026

ISANG SELYONG MAY PANANAGUTAN: JOHN PATRICK D. DE VERA, KINILALA BILANG GOOD STANDING SK OFFICIAL!🏆✨

DAGUPAN CITY, PANGASINAN — Isang panibagong pagkilala sa tapat at responsableng paglilingkod ang iginawad kay 𝗛𝗼𝗻. 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗣𝗮𝘁𝗿𝗶𝗰𝗸 𝗗. 𝗗𝗲 𝗩𝗲𝗿𝗮, SK Chairman ng Barangay Carael, matapos siyang makatanggap ng 𝗖𝗲𝗿𝘁𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗲 𝗼𝗳 𝗚𝗼𝗼𝗱 𝗦𝘁𝗮𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘀 𝗦𝗞 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹.

Ang sertipikasyon ay patunay na natugunan at naisumite niya ang mga kinakailangang dokumento at requirements alinsunod sa Republic Act No. 10742, as amended by RA No. 11768, at sa umiiral nitong Revised Implementing Rules and Regulations.

Iginawad ito ng Local Youth Development Officer (LYDO) ng Dagupan City, Mr. Rk Raguindin at ng Dagupan City Teen Center sa pangunguna ni Mrs. Geraldine G. Custodio. Bilang pag-suporta, present din si SK Member Mhelvin P. Andir upang saksihan ang paggawad ng pagkilala. Higit pa sa isang dokumento, nagsisilbi itong pagkilala sa pagsunod sa mga pamantayan ng 𝗺𝗮𝗯𝘂𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮, 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗴𝘂𝘁𝗮𝗻, at 𝗽𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗸𝘁𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱-𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻.

Ang naturang Certificate of Good Standing ay hindi lamang simbolo ng isang natapos na proseso. Para kay De Vera, ito ay repleksyon ng patuloy na pagsisikap na panatilihing maayos, transparent, at accountable ang pamamahala ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Carael.

Sa likod ng sertipikasyong ito ay ang sama-samang trabaho ng SK Council, PATYVOC, at mga katuwang na patuloy na nakikibahagi sa iba’t ibang programa at serbisyong nakatuon sa kapakanan ng kabataan.

Sa panahon kung kailan mahalaga ang tiwala ng publiko, ipinapaalala ng pagkilalang ito na ang tunay na pamumuno ay hindi nasusukat lamang sa dami ng proyekto, kundi sa integridad, dokumentadong pananagutan, at sinseridad sa paglilingkod.

Isang sertipiko man ito, ngunit isang malaking paalala: ang bawat tiwala ng kabataan ay isang pananagutang kailangang panindigan.

𝗣rogress. 𝗔ccountability. 𝗧ransparency.

1ST JOINT SPECIAL SESSION OF SANGGUNIANG KABATAAN (SK) OF CARAEL AND THE PASSIONATE, ALTRUISTIC, AND TRUSTWORTHY YOUTH V...
11/08/2026

1ST JOINT SPECIAL SESSION OF SANGGUNIANG KABATAAN (SK) OF CARAEL AND THE PASSIONATE, ALTRUISTIC, AND TRUSTWORTHY YOUTH VOLUNTEERS ORGANIZATION OF CARAEL (PATYVOC)!✨

Matagumpay na naidaos ang isinagawang unang espesyal na sesyon ng SK at ng PATYVOC na pinangunahan ni SK Chairman John Patrick D. De Vera hinggil sa nalalapit na kick-off ceremony para sa selebrasyon ng 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 2026.

Iprinisenta ng bawat miyembro ng SK at ng buong puwersa ng PATYVOC ang kanilang mga proposed activities para sa BNK 2026.

Present sa presentasyon ay sina: SK Member Crystel Dondo, SK Member Mhelvin Andir, SK Member Kimberlyn De Vera, SK Secretary Marigil Taluban, at PATYVOC Officials sa pangunguna ni Stephanie Bautista.

ABANGAN ANG BNK 2026 SCHEDULE OF ACTIVITIES!❤️

BAWAT SITIO, MAY KUWENTO — STORYTELLING PROGRAM: BRIDGE TO LITERACY, BAHAGI NG BUWAN NG KABATAAN 2026!📖✨Isang makabuluha...
08/08/2026

BAWAT SITIO, MAY KUWENTO — STORYTELLING PROGRAM: BRIDGE TO LITERACY, BAHAGI NG BUWAN NG KABATAAN 2026!📖✨

Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga kabataan ang muling ipinagdiriwang ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Carael sa ilalim ng pamumuno ni 𝗦𝗞 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗣𝗮𝘁𝗿𝗶𝗰𝗸 𝗗. 𝗗𝗲 𝗩𝗲𝗿𝗮 sa pamamagitan ng paglulunsad ng “𝗕𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼, 𝗠𝗮𝘆 𝗞𝘂𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼,” isang programang nakatuon sa pagpapalaganap ng pagmamahal sa pagbabasa at pagkatuto sa mga bata sa ating komunidad.

Present sa aktibidad ay sina: SK Member Nicole Mayandoc, SK Secretary Marigil Taluban, PATYVOC President Stephanie Bautista, PATYVOC Secretary Kimberly Ann Roy, PATYVOC Business Managers Hanna Layosa at Karyll Aisle Roy.

Layunin ng programang ito na gawing mas masaya, makulay, at makabuluhan ang karanasan ng mga bata sa pagbabasa sa pamamagitan ng storytelling sessions na ilalapit sa bawat sitio ng Barangay Carael. Hindi lamang ito simpleng pagkukuwento, kundi isang tulay tungo sa literacy, imahinasyon, pangarap, at paghubog ng kinabukasan ng bawat bata.

Sa bawat kuwentong kanilang maririnig, may aral na maaaring baunin; sa bawat pahinang kanilang mababasa, may bagong mundong kanilang matutuklasan; at sa bawat pagkakataong sila ay matuto, unti-unting nabubuo ang kanilang tiwala sa sarili at mga pangarap para sa hinaharap. Hangad nating malinang ang kanilang kakayahan sa pakikinig, pag-unawa, komunikasyon, at malikhaing pag-iisip, habang unti-unting naitatatag ang pagbabasa bilang bahagi ng kanilang pang-araw-araw na buhay.

Ang “Bawat Sitio, May Kuwento” ay isinasagawa bilang suporta sa ABKD — Ang Bawat Kabataang Dagupeño Nakakabasa Program ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Dagupan sa pamumuno ni 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗲𝗹𝗲𝗻 𝗧. 𝗙𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗱𝗲𝘇 sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Sangguniang Kabataan, PATYVOC Officials, at buong komunidad na nais nating matiyak na walang batang maiiwan sa paglalakbay tungo sa kaalaman at literacy.

Naniniwala si SK Chairman Pat De Vera na ang tunay na paglilingkod ay hindi lamang nasusukat sa dami ng proyekto, kundi sa mga buhay at pangarap na ating naaabot. Kaya naman patuloy nating ilalapit ang mga programang pang-edukasyon sa ating mga kabataan—sitio man o saan mang sulok ng ating barangay.

Dahil sa bawat pahina ay may aral, sa bawat kuwento ay may inspirasyon, at sa bawat batang natututong magbasa ay may pangarap na unti-unting nabibigyang-buhay.

Address

Carael
Dagupan City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sekder ya Kalangweran - Pagbabago Ating Tinupad posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category