OVP - Pangasinan Satellite Office

OVP - Pangasinan Satellite Office This is the Official page of the Office of the Vice President - Pangasinan Satellite Office (OVP-Pangasinan SO) Government Service

VP SARA DUTERTE NANGUNA SA RIICE PROGRAM DISTRIBUTION PARA SA URBAN POOR AT LGBTQIA+ SECTOR Sa pangunguna ni Vice Presid...
04/06/2026

VP SARA DUTERTE NANGUNA SA RIICE PROGRAM DISTRIBUTION PARA SA URBAN POOR AT LGBTQIA+ SECTOR

Sa pangunguna ni Vice President Sara Duterte, namigay ang Office of the Vice President (OVP) ng Relief for Indigents and Individuals in Crises and Emergencies (RIICE) boxes sa mga senior citizens na kabilang sa urban poor at LGBTQIA+ sector sa Quezon City.




WEEK OF THE PHILIPPINE EAGLEIpinagdiriwang natin ang Week of the Philippine Eagle bilang pagkilala sa kahalagahan ng Phi...
03/06/2026

WEEK OF THE PHILIPPINE EAGLE

Ipinagdiriwang natin ang Week of the Philippine Eagle bilang pagkilala sa kahalagahan ng Philippine Eagle—isang sagisag ng lakas, talino, at likas na yaman ng Pilipinas.

Bilang isa sa pinakamahahalagang wildlife species ng bansa, mahalagang mapanatili at maprotektahan ang tirahan at kaligtasan ng ating pambansang agila upang masiguro ang patuloy nitong pag-iral para sa susunod na henerasyon.

Mula sa Office of the Vice President, hinihikayat ang lahat na makiisa at suportahan ang mga hakbang para sa pangangalaga ng kalikasan at biodiversity ng ating bansa.

Sama-sama nating protektahan ang haring ibon ng kagubatan!



VP SARA NAKIBAHAGI SA BRIGADA ESKWELA SA TONDO Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte ang turnover ng laptop, mga p...
03/06/2026

VP SARA NAKIBAHAGI SA BRIGADA ESKWELA SA TONDO

Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte ang turnover ng laptop, mga pintura, at kopya ng OVP 90th Anniversary Coffee Table Book sa General Vicente Lim Elementary School sa Tondo, Manila, bilang bahagi ng Brigada Eskwela 2026.

Kasama ang mga kawani ng Office of the Vice President (OVP), nakibahagi si VP Sara sa mga gawaing paghahanda ng paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Mahalin natin ang Pilipinas!




DATING SIMPLENG TINDAHAN NI MA'AM SONIA, NGAYON AT LUMALAGONG MINI SNACK BAR SA TULONG NG MTDMuling binisita at kinamust...
02/06/2026

DATING SIMPLENG TINDAHAN NI MA'AM SONIA, NGAYON AT LUMALAGONG MINI SNACK BAR SA TULONG NG MTD

Muling binisita at kinamusta ng Office of the Vice President (OVP) ang negosyo ni Ma’am Sonia Arzadon, isa sa mga benepisyaryo ng “Mag Negosyo Ta ‘Day” (MTD) Program sa Barangay Tapuac, Dagupan City.

Araw-araw bukas ang kanyang tindahan mula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi sa parking area ng isang trucking company, kung saan pangunahing customer niya ang mga truck driver at warehouse employees. Mula sa dating simpleng sari-sari store na nagbebenta lamang ng kape, chichirya, de-lata, at softdrinks, naging mini snack bar ito matapos makatanggap ng dagdag puhunan mula sa OVP.

Dahil sa tulong ng MTD Program, nadagdagan ang kanyang paninda ng burgers, milk tea, at iba pang meryenda na patok sa kanyang mga suki lalo na tuwing breaktime at tanghalian. Sa kanyang diskarte na mas murang presyo at tuloy-tuloy na supply ng produkto, mas lumago ang kanyang negosyo at dumami ang kanyang regular na customer.

Bukod dito, nakapagpundar din si Ma’am Sonia ng tatlong pisonet bilang dagdag kabuhayan. Patuloy siyang nagsusumikap upang maabot ang kanyang pangarap na magkaroon muli ng sariling pwesto sa bayan upang lalo pang mapalago ang kanyang negosyo.

Lubos ang kanyang pasasalamat sa “Mag Negosyo Ta ‘Day” Program ng OVP at kay Sara Duterte sa tulong na nagbigay sa kanya ng dagdag puhunan, pag-asa, at oportunidad para sa mas maayos na kabuhayan ng kanyang pamilya.




02/06/2026

PAHAYAG
June 2, 2026

Mga kabababayan,

Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.
Magandang araw sa inyong lahat.

Ang mga natutunghayan natin ngayon ay dapat ikabahala ng bawat Pilipinong naniniwala sa demokrasya, anuman ang kanilang paniniwala o kulay sa pulitika.

Nakikita natin kung paano ginagamit ang mga institusyon ng gobyerno at ang pera ng taumbayan laban sa anumang oposisyon. Sa halip na tutukan ang mga tunay na suliraning kinakaharap ng ating mga kababayan, ginagamit ang kapangyarihan upang patahimikin ang mga boses ng mga hindi sumasang-ayon.

A democracy cannot survive when those in power see every critic as an enemy and every opposing voice as a threat.

I have always believed that the independence of our institutions must be protected. This includes not only the Senate and the House of Representatives as institution, but every Senator and member of the house must be free to perform his or her constitutional duty according to conscience, free from threats, pressure, or any form of intimidation.

Good governance does not require the elimination of opposition. Democracy works best when there is a healthy opposition that is free to question.

A government that fears dissent is not demonstrating strength. It is revealing insecurity. And that insecurity is reflected in the direction our country is taking today.

The current state of our nation reveals three disturbing realities: first, the effort to divert attention from legitimate questions surrounding the flood control controversy; second, the willingness to disregard constitutional safeguards in pursuit of a politically motivated impeachment; and third, the relentless pursuit of greater political power under the guise of Charter Change.

These are the symptoms of a government that has become more preoccupied with protecting power than serving the people.

The Filipino people deserve a government focused on solving problems, not silencing critics; on strengthening institutions, not bending them to political ends; and on serving the nation, not perpetuating power.

Democracy is not weakened by dissent.

Democracy is weakened when those in power become afraid of it.

Shukran.

SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines

Nakibahagi ang mga kawani ng Office of the Vice President (OVP) sa Brigada Eskwela sa Diosdado Macapagal P. Macapagal El...
02/06/2026

Nakibahagi ang mga kawani ng Office of the Vice President (OVP) sa Brigada Eskwela sa Diosdado Macapagal P. Macapagal Elementary School sa Barangay Tatalon, Quezon City bilang pakikiisa at pagsuporta sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Mahalin natin ang Pilipinas!




DATING MALIIT NA TINDAHAN NI MA'AM JENNIFER, PATULOY NA LUMALAGO SA TULONG NG MTDMula sa Barangay Amado-Tapuac, Dagupan ...
01/06/2026

DATING MALIIT NA TINDAHAN NI MA'AM JENNIFER, PATULOY NA LUMALAGO SA TULONG NG MTD

Mula sa Barangay Amado-Tapuac, Dagupan City, muling binisita at kinumusta ng Office of the Vice President (OVP) ang dating benepisyaryo ng “Mag Negosyo Ta ‘Day” (MTD) Program na si Ma’am Jennifer, na masigasig na pinapatakbo at pinalalago ang kanyang sari-sari store.

Bukas araw-araw mula 5:30 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi, nagsisilbi ang kanyang tindahan sa mga estudyante, tricycle drivers, boarders, at iba pang mamimiling dumaraan sa kanilang lugar malapit sa sementeryo ng Dagupan.

Ayon kay Ma’am Jennifer, sari-sari store lamang ang kanyang negosyo noon. Ngunit sa tulong na Php 15,000 mula sa MTD Program ng OVP, nakapagdagdag siya ng paninda at nakapagpundar ng freezer gamit ang kita ng kanyang tindahan. Dahil dito, nakapagsimula rin siyang magbenta ng frozen foods na naging malaking dagdag sa kanilang kita.

Sa kabila ng mga hamon tulad ng matumal na bentahan tuwing bakasyon, patuloy siyang nagsusumikap kasama ang kanyang asawa upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. Plano rin niyang magbenta ng mga lutong-ulam upang lalo pang mapalago ang kanilang kabuhayan.

Lubos ang pasasalamat ni Ma’am Jennifer sa “Mag Negosyo Ta ‘Day” Program ng OVP at kay Sara Duterte dahil sa pagkakataong makatulong sa pagpapalago ng kanilang maliit na negosyo at pag-abot ng kanilang mga pangarap.




MEDICAL MISSION SA DAVAO CITYIsinagawa ng Office of the Vice President (OVP) kasama ang Ayala Foundation, Inc., AC Healt...
01/06/2026

MEDICAL MISSION SA DAVAO CITY

Isinagawa ng Office of the Vice President (OVP) kasama ang Ayala Foundation, Inc., AC Health, at Generika Drugstore, ang isang medical mission sa Barangay New Carmen, Tugbok District, Davao City noong ika-31 ng Mayo.

Layunin ng programa na magbigay ng libreng serbisyong medikal, konsultasyon, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan sa pangangalaga ng kalusugan sa mga residente ng barangay.

Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, patuloy na pinapalawak ng OVP at ng mga katuwang nitong organisasyon ang mga programang naglalayong mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad na nangangailangan.

Kasama rin sa pagsuporta sa programa ang Green Movement De Oro, Metro Davao Dakilang Mandaragit Eagles Club, Konkorde Electro Mechanical Trading, 27th IB, Barangay Council of Mintal and New Carmen, Carmen Integrated School, Central 911, CDRRMO, DCPO at CTTMO.

Mahalin natin ang Pilipinas!

Para sa karagdagang detalye, maaring bisitahin ang aming website https://www.ovp.gov.ph/post/free-medical-mission-serves-residents-barangay-new-carmen-davao-city




WHEELCHAIR ASSISTANCE NG OVP, NAGHATID NG GINHAWA KAY MARINANagtungo si Shiela, 47 taong gulang, sa OVP Pangasinan Satel...
31/05/2026

WHEELCHAIR ASSISTANCE NG OVP, NAGHATID NG GINHAWA KAY MARINA

Nagtungo si Shiela, 47 taong gulang, sa OVP Pangasinan Satellite Office upang humingi ng wheelchair assistance para sa kanyang kapatid na si Marina, 67 taong gulang.

Si Marina ay na-diagnose na may SIP Cerebrovascular Accident Infarct na naging dahilan ng kanyang hirap sa pagtayo at paggalaw. Ayon kay Shiela, malaking tulong ang wheelchair upang mapadali ang araw-araw na transportasyon at pagkilos ng kanyang kapatid.

Sa pamamagitan ng Wheelchair Distribution Program, patuloy na naghahatid ang Office of the Vice President (OVP) ng kaginhawaan, pag-asa, at konkretong suporta sa mga indibidwal at pamilyang nangangailangan, lalo na sa mga senior citizen, persons with disabilities, at mga may limitadong kakayahang makabili ng mga kagamitang medikal.

Sa bawat wheelchair na ipinagkakaloob, mas napapagaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga benepisyaryo at naipapakita ang malasakit ng Tanggapan sa kapakanan ng bawat Pilipino.




Maligayang Kaarawan, Vice President Sara Z. Duterte!Sa pagdiriwang ng iyong kaarawan, nakikiisa ang Office of the Vice P...
31/05/2026

Maligayang Kaarawan, Vice President Sara Z. Duterte!

Sa pagdiriwang ng iyong kaarawan, nakikiisa ang Office of the Vice President sa pagbibigay-pugay sa iyong dedikasyon sa pamumuno at paglilingkod sa sambayanang Pilipino.

Nawa’y patuloy kang pagkalooban ng mabuting kalusugan, lakas ng loob, at karunungan upang maisulong ang mga programang naghahatid ng positibong pagbabago sa buhay ng ating mga kababayan.

Maligayang Kaarawan, VP Sara!




Address

Linkone Bldg. Old De Venecia Highway
Dagupan City
2400

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OVP - Pangasinan Satellite Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share