Kabataan Partylist Pangasinan

Kabataan Partylist Pangasinan Untatalindëg so Kalangwëran na Pangasinan!

🚨 CALL FOR VOLUNTEERS & DONATION DRIVE: TULONG KABATAAN 🚨Labis na naapektuhan ng matinding pagbaha at pinsala dulot ng B...
16/08/2026

🚨 CALL FOR VOLUNTEERS & DONATION DRIVE: TULONG KABATAAN 🚨

Labis na naapektuhan ng matinding pagbaha at pinsala dulot ng Bagyong Luis at Bagyong Maymay ang ating mga kababayan sa Metro-Dagupan at Central Pangasinan. Nananawagan ang Kabataan Partylist Pangasinan ng inyong suporta at tulong upang agad na makatugon sa pangangailangan ng ating mga komunidad.

Paano Makakatulong?

🤝 Mag-volunteer:
Naghahanap kami ng mga boluntaryong handang mag-alay ng oras, lakas, at serbisyo para sa ating relief operations.

SIGN UP HERE: https://tinyurl.com/TulongKabataanVolunteers

💳 Magpaabot ng Financial Donation:
Maaaring magpadala ng tulong para sa mga pangunahing pangangailangan sa pamamagitan ng pag-scan sa mga QR code sa poster:

GCash
Account Name: Den Mark Jet Cadiz
Account Number: 0927-657-0455

Bank Bank of the Philippine Islands (BPI)
Account Name: Den Mark Jet Cadiz
Account Number: 055942602

Anumang tulong, gaano man kaliit, ay malaking ambag sa pagbangon ng ating mga kabataan at pamilya.

Makipag-ugnayan sa amin:
Facebook: Kabataan Partylist Pangasinan
Instagram / TikTok:
Email: [email protected]

 : Pang-apat ang Probinsya ng Pangasinan sa pinakamaraming Flood Control Projects sa buong bansa pero patuloy pa rin ang...
11/08/2026

: Pang-apat ang Probinsya ng Pangasinan sa pinakamaraming Flood Control Projects sa buong bansa pero patuloy pa rin ang paglubog sa baha sa iba’t-ibang bayan sa Pangasinan. Hanggang ngayon, wala pa ring malalaking isda ang nanagot sa mga anomalyang Flood Control Projects.

LAHAT NG SANGKOT DAPAT MANAGOT!




REJECT PAX SILICA! TUTULAN ANG PATULOY NA PANDARAMBONG AT PANGANGAMKAM NG MALAWAK NA LUPAIN SA MGA KATUTUBO AT MAGSASAKA...
07/08/2026

REJECT PAX SILICA! TUTULAN ANG PATULOY NA PANDARAMBONG AT PANGANGAMKAM NG MALAWAK NA LUPAIN SA MGA KATUTUBO AT MAGSASAKA!

Lalong tumitindi ang pang-aagaw sa mga lupang ninuno at sakahan sa Pilipinas sa ilalim ng itinutulak na "Pax Silica," o ang dayuhang pagkontrol sa teknolohiya, mineral, at pambansang rekurso. Sa halip na magsilbi sa pambansang kaunlaran, ang ating likas na yaman ay patuloy na pinakikinabangan ng mga dambuhalang dayuhang korporasyon at militaristang puwersa tulad ng Estados Unidos at Israel.

Ang agresibong pagpasok ng dayuhang interes sa ating mga kabundukan at kapatagan ay nagdudulot ng malawakang dislokasyon ng mga komunidad, pagkasira ng kalikasan, at matinding militarisasyon na pumapatay sa kabuhayan at karapatan ng ating mga katutubo at magsasaka.

Hindi kailanman magiging tunay na pag-unlad ang teknolohiyang nakatuntong sa dugo, pawis, at pagpapasakit ng mamamayan. Ang agham at teknolohiya ay dapat naglilingkod sa pambansang industriyalisasyon at kagalingan ng bayan, hindi sa dayuhang pandarambong. Buong-lakas nating tutulan ang Pax Silica, depensahan ang ating mga lupang ninuno, at ipaglaban ang tunay na repormang agraryo para sa sambayanang Pilipino!

🎨: Ggentick on X/Tumbler

28/07/2026

WATCH: KABATAAN, PAG-ASA NG BAYAN! ✊🔥

Hulyo 25, 2026 — Matagumpay na idinaos ang Statement of the Pangasinan People’s Address 2026 (SOPPA) ng Kabataan Partylist Pangasinan at ng iba’t ibang progresibong organisasyon upang isiwalat sa mamamayan ang tunay na krisis na kinakaharap ng probinsya!

Kumatawan sa pagtitipon si Riki para sa Kabataan Partylist Pangasinan, kung saan buong-tapang niyang inihayag ang totoong kalagayan ng mga estudyante sa gitna ng Kolonyal, Komersyal, at Represibong (KKR) sistema ng edukasyon sa bansa at probinsya.

Inilantad ng Kabataan Partylist Pangasinan ang lumalalang komersyalisasyon tulad ng pagtaas ng tuition fee at iba pang bayarin sa mga lokal na pamantasan tulad ng Urdaneta City University (UCU). Kaniya ring binigyang-diin ang matinding pasanin ng mga magulang na kumakayod mula umaga hanggang gabi sa mababang sahod para lamang maitawid ang pag-aaral ng kanilang mga anak, gayundin ang oryentasyon ng edukasyon na humuhubog sa youth sector bilang murang lakas-paggawa sa ibang bansa sa halip na maglingkod sa sariling bayan.

Kasabay ng pangunahing laban para sa de-kalidad at libreng edukasyon, iniharap din sa mobilisasyon ang suporta sa iba pang lokal na isyung pangkabuhayan at pangkapaligiran sa lalawigan, tulad ng pagprotekta sa Lingayen Gulf.

Sa pagtatapos ng kaniyang talumpati, nag-iwan ng maalab na panawagan ang kumatawan sa Kabataan Pangasinan sa lahat ng mga lider-estudyante at kabataan:

"Bilang tayo mga lider kabataan na narito, taas tayong kamaong sumulong at ipaglaban ang bawat karapatan ng ating mga kabataan sa edukasyon, kabuhayan, at tirahan!"

Kabataan, Pag-asa ng Bayan!🔥💙✊🏻Dumalo ang Kabataan Partylist Pangasinan kasama ang iba’t-ibang progresibong organisasyon...
26/07/2026

Kabataan, Pag-asa ng Bayan!🔥💙✊🏻

Dumalo ang Kabataan Partylist Pangasinan kasama ang iba’t-ibang progresibong organisasyon, student councils, at kabataan sa Statement of the Pangasinan People’s Address (SOPPA) 2026.

Dala ng Kabataan Pangasinan ang panawagan pagtutol sa umiigting na kolonyal, komersyalisasyon, at represibong edukasyon na natatamasa ng bawat kabataan sa Pangasinan. Patuloy na lumalaban ang kabataan para sa Libre, Abot-Kamay at Dekalidad na Edukasyon para sa lahat!

Panawagan sa lahat ng Kabataang Estudyante na sumama sa umaalab na paglaban ng bawat kabataan sa Pangasinan!

LABAN KABATAAN!
EDUKASYON, KARAPATAN NG MAMAMAYAN!

23/07/2026

📣 STATE OF THE PANGASINAN PEOPLE’S ADDRESS! ✊🔥

Sa paparating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos, magkakaroon tayo ng pagkakataon upang iparinig ang tunay na kalagayan, sigaw, at kahilingan ng mamamayang Pangasinense!

Hindi natin hahayaang matakpan ang boses ng kabataan at ng mamayan ng Pangasinan. Samahan kami sa pagtalakay sa mga tunay na isyung kinakaharap ng ating probinsya!

📅 Kailan: July 25, 2026 | 3:00 P.M.
📍Saan: Dagupan City
Nais mo bang makilahok, maging bahagi ng programa, o magtanong ukol sa aktibidad?

📲 Mag-message lang sa amin dito para sa dugtong na detalye:
👉 https://m.me/kabataanpartylistpangasinan

HUSTISYA AT PANANAGUTAN, IPAGLABAN! CONVICT SARA NOW!Opisyal nang nagsimula noong July 6, 2026 ang impeachment trial lab...
08/07/2026

HUSTISYA AT PANANAGUTAN, IPAGLABAN! CONVICT SARA NOW!

Opisyal nang nagsimula noong July 6, 2026 ang impeachment trial laban kay VP Sara Duterte. Ngunit sa unang araw pa lamang, hindi na siya sumipot at hinayaan lamang ang kanyang legal counsel na humarap sa Senado. Ayon sa kanyang kampo, ibabase na lamang daw niya ang kanyang dadaluhan sa "takbo ng trial"—isang malinaw na pag-iwas sa pananagutan habang patuloy naman ang kanyang pagbisita sa iba't ibang rehiyon.

Sa pagbubukas ng session, nagmatigas ang mga Cayetano na kapwa naghain ng mga procedural technicalities upang hadlangan ang proseso. Sa kabila nito, nahalal si Chiz Escudero bilang presiding officer sa botong 12-8, at napagdesisyunan ding i-subpoena ang mga bank accounts ng mag-asawang Duterte mula 2007 hanggang 2025.

Nitong July 7, 2026, tinalakay sa trial ang ika-apat na article of impeachment ukol sa assassination plot, grave threats, at inciting sedition laban sa gobyerno, kung saan humarap ang isang abogado mula sa NBI bilang witness laban kay VP Sara.

Ang impeachment na ito ay hindi lamang simpleng personal na bangayan ng paksyong Marcos at Duterte. Bagamat ito ang epitome ng kanilang hidwaan, hindi natin maaaring ihiwalay ang usaping ito sa mga isyung pang-ekonomiya at matinding hirap na dinaranas ng mamamayan. Ang pagpapanagot kay Sara ay direktang hakbang para sa pagkamit ng katarungan.
Huwag tayong magpaloko! Ang ingay na ito ay parte rin ng estratehiya ng paksyong Marcos upang solohin ang kapangyarihan at ilatag ang kanilang panalo para sa 2028. Kapwa ang mga Marcos at Duterte, kasama ang kanilang mga alyado, ang nagpapahirap sa sambayanan.

CONVICT SARA NOW! ABOLISH CONFIDENTIAL FUNDS!
DUTERTE PANAGUTIN, MARCOS SINGILIN!
LAHAT NG SANGKOT, DAPAT MANAGOT!

AKSESIBILIDAD AT KABUHAYAN, HUWAG IPAGKAIT SA DAGUPEÑO!: PANANAWAGAN KAY MAYOR BELEN FERNANDEZ NA IRECONSIDER ANG TOTAL ...
05/07/2026

AKSESIBILIDAD AT KABUHAYAN, HUWAG IPAGKAIT SA DAGUPEÑO!: PANANAWAGAN KAY MAYOR BELEN FERNANDEZ NA IRECONSIDER ANG TOTAL BAN SA PISONET SA DAGUPAN

Mariing nananawagan ang Kabataan Partylist sa lokal na pamahalaan ng Dagupan, sa pamumuno ni Mayor Belen Fernandez, na muling suriin at ireconsider ang pagpapatupad ng City Ordinance No. 2383-2026 na nag-uutos ng total closure ng mga pisonet establishments sa ating lungsod.

Bagamat kaisa ang aming hanay sa layuning protektahan ang kapakanan at moralidad ng mga kabataan laban sa adiksyon sa sugal o hindi angkop na online content, ang biglaang pagpapasara sa mga pisonet nang walang malinaw na alternatibo ay isang hakbang na pumapatay sa kabuhayan ng mga maliliit na pamilya at nagkakait ng karapatan sa edukasyon ng mga maralitang mag-aaral.

Dapat nating makita ang pisonet hindi lamang bilang lunduyan ng laro, kundi bilang isa ring kagamitan sa pag-aaral. Sa panahon ngayon na digital na ang mga takdang-aralin, pagsasaliksik, at mga enrollment processes, hindi lahat ng pamilyang Dagupeño ay may kakayahang bumili ng sariling laptop o magpakabit ng mamahaling Wi-Fi sa bahay. Ang pisonet ang pinakamura at pinaka-accessible na takbuhan ng mga ordinaryong estudyante upang makatapos ng kanilang mga academic requirements. Ang pag-alis nito nang walang kapalit na libreng internet hubs sa bawat barangay ay direktang parusa sa mga mahihirap na mag-aaral.

Higit sa lahat, ang mga pisonet na ito ay pinatatakbo ng mga munting negosyante—mga nanay, tatay, at lokal na pamilyang Dagupeño na umaasa sa barya-baryang kita upang may maitustos sa pang-araw-araw na pagkain, pambayad sa kuryente, at pang-matrikula rin ng kanilang mga anak. Sa gitna ng nagtataasang presyo ng bilihin, ang "Notice of Closure" ay parang pagpataw na rin ng parusa sa mga pamilyang marangal na naghahanapbuhay.

Naniniwala ang Kabataan Partylist na ang solusyon ay hindi "PAGBABAWAL" (Prohibition) kundi "REGULASYON" (Regulation).

Hinihimok natin ang City Council at ang Office of the Mayor na maupo muli sa isang diyalogo kasama ang mga mag-aaral, magulang, at mga pisonet operators upang bumuo ng mga makataong alituntunin, tulad ng:

1. Strict Operating Hours: Pagbabawal sa mga estudyante na gumamit ng pisonet sa oras ng klase.

2. Content Filtering: Pag-obliga sa mga may-ari na mag-install ng website blockers para sa mga pornographic at gambling sites.

3. Responsible Parenting at Makamasang Curfew, Hindi Total Ban: Kilalanin na sa tindi ng kahirapan, maraming pamilyang Dagupeño ang walang sariling telebisyon, internet, o computer sa bahay, kaya’t ang pisonet ang nagsisilbing pangunahing bintana ng mga tao sa impormasyon at edukasyon. Sa halip na ipasara ang negosyo, isulong ang Responsible Parenting kung saan ang mga magulang at operators ay magkatuwang sa pagpapatupad ng makatwirang curfew sa paggamit.

Mayor Belen, protektahan natin ang kabataan, ngunit huwag sa paraang lalo silang ilulubog sa kahirapan at kawalan ng akses sa teknolohiya. Ang tunay na pagkalinga sa kinabukasan ng kabataan ay ang paggabay sa kanila, habang sinisiguro na walang pamilyang nagugutom at walang estudyanteng naiiwan.

KABUHAYAN AT EDUKASYON, IPAGLABAN!
REGULASYON, HINDI TOTAL BAN!

ANG PRIDE AY PROTESTA!✊🏻🏳️‍🌈Dumalo ang Kabataan Partylist Pangasinan, kasama ang iba’t-ibang progresibong organisasyon a...
30/06/2026

ANG PRIDE AY PROTESTA!✊🏻🏳️‍🌈

Dumalo ang Kabataan Partylist Pangasinan, kasama ang iba’t-ibang progresibong organisasyon at kabataan sa LoveLaban sa UP Diliman nitong Ika-28 ng hunyo.

Dala ng kabataan ang mga panawagang pagpapatigli sa pangangamkam ng lupain, at ang pagkundena sa patuloy na Pagred-tag sa hanay ng mga kabataang patuloy na lumalaban.

Bago matapos ang buwan ng Pride, patuloy pa rin ang Sangkabaklaan sa pagtindig at patuloy na paglaban para sa interes ng LGBTQIA+ community at ng masang api!

Address

Burgos St. Dagupan City
Dagupan City
2400

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabataan Partylist Pangasinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kabataan Partylist Pangasinan:

Shortcuts

Share