10/08/2026
DAGUPAN NOW UNDER STATE OF CALAMITY
Nasa State of Calamity na ang Dagupan City dahil sa malawakang pagbaha na nakaapekto sa libo-libong DagupeΓ±o.
Batay sa CDRRMO Situational Report No. 15, 23 barangay ang nananatiling binabaha, habang 22,047 pamilya o 90,015 indibidwal mula sa 31 barangay ang apektado. Umabot naman sa 65 pamilya o 202 indibidwal ang pre-emptively evacuated sa anim na evacuation centers.
Dahil sa tindi ng sitwasyon, ilang pangunahing kalsada ang hindi madaanan ng light vehicles, habang pitong magkakasunod na araw nang suspendido ang klase sa lahat ng antas.
Sa rekomendasyon ng CDRRMC, ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ang resolusyon upang maideklara ang State of Calamity at mapabilis ang paggamit ng kinakailangang pondo at resources para sa relief, response, rehabilitation, at iba pang agarang pangangailangan ng ating mga kababayan.
Kasama rin dito ang pagpapatupad ng price control sa basic necessities at prime commodities, at mahigpit na pagbabantay laban sa overpricing, profiteering, at hoarding.
Patuloy tayong nakatutok sa kalagayan ng bawat barangay. Nakaalerto ang ating CDRRMO, barangays, rescue teams, health workers, at iba pang frontliners upang agad na makatugon saanman kailangan.
Dumalo sa regular session via zoom si Acting Mayor Dean Bryan Kua, kung saan tinalakay ang kasalukuyang sitwasyon sa lungsod at ang agarang pangangailangan ng mga apektadong DagupeΓ±o.
Ang resolusyon ay inakda nina Councilor Jose Netu M. Tamayo, Councilor Karlos Liberato E. Reyna IV, Councilor Michael B. Fernandez, Councilor Jeslito C. Seen, Councilor Christel Hilary U. Paras, Councilor Danielle Francine B. Canto, Councilor Luis M. Samson Jr., Councilor Marvin V. Fabia, Councilor Jalice D. Cayabyab, M.D., Councilor Maria Librada Fe M. Reyna, Councilor Marcelino D. Fernandez, at Councilor Bradley Claude C. Benavides.
Ang ating prayoridad ngayon ay kaligtasan, agarang ayuda, at mabilis na pagbangon ng bawat DagupeΓ±ong apektado ng baha.