04/08/2026
๐ก๐๐๐๐๐ฆ๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ก-๐จ๐ฃ ๐๐ฅ๐๐ฉ๐
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Ika-35 Anibersaryo ng BJMP Regional Office VII, aktibong nakiisa ang mga kawani ng Danao City Jail โ Female Dormitory (DCJFD), sa ilalim ng pamumuno ni SJO4 Guendaline O. Pasco, Acting Jail Warden, sa isinagawang Sabayang Clean-Up Drive bilang pagpapakita ng pagkakaisa, disiplina, at malasakit sa pangangalaga ng kalikasan.
Ang gawaing ito ay sumasalamin sa patuloy na adhikain ng BJMP na mapanatili ang isang malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran, habang isinusulong ang kultura ng boluntaryong paglilingkod, disiplina, at pananagutan sa komunidad. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, muling pinagtitibay ng mga kawani ng DCJFD ang kanilang dedikasyon sa tapat, episyente, at makabuluhang paglilingkod sa sambayanan.
"Sama-samang paglilinis, sama-samang paglilingkod tungo sa mas malinis, mas ligtas, at mas maayos na komunidad."