RVAlbay Carolina ES

RVAlbay Carolina ES The official page of Carolina Elementary School (School ID: 172512), Daraga South District

PAGGUNITA SA ARAW NI SIMEON OLANgayong araw, ating ginugunita at pinararangalan ang kabayanihan ni Heneral Simeon Ola, i...
01/09/2026

PAGGUNITA SA ARAW NI SIMEON OLA

Ngayong araw, ating ginugunita at pinararangalan ang kabayanihan ni Heneral Simeon Ola, isang magiting na anak ng Albay na nag-alay ng kanyang tapang at paglilingkod para sa kalayaan ng ating bayan.

Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon sa bawat isa ang kanyang pagmamahal sa bayan, katapangan, at paninindigan.

Pagbati mula sa Carolina ES.

๐“๐€๐Œ๐๐Ž๐Š | Inรข, Birhen ng Peรฑafrancia, Dumalaw sa Mababang Paaralan ng CarolinaIsang makabuluhan at mapagpalang pagbisita ...
01/09/2026

๐“๐€๐Œ๐๐Ž๐Š | Inรข, Birhen ng Peรฑafrancia, Dumalaw sa Mababang Paaralan ng Carolina

Isang makabuluhan at mapagpalang pagbisita ang nasaksihan ng mga g**o at mag-aaral ng Mababang Paaralan ng Carolina nang dumalaw ang banal na imahen ni Inรข, Nuestra Seรฑora de Peรฑafrancia, noong Setyembre 1, 2026, ganap na alas-3 ng hapon.

Masiglang sinalubong ng kaguruan at mga mag-aaral ang banal na imahen sa pamamagitan ng tradisyunal na โ€œpagsabat,โ€ habang buong galak na iwinawagayway ang mga dilaw na banderitas bilang pagpapakita ng pananampalataya, paggalang, at debosyon kay Inรข.

Matapos ang pagsalubong, sama-samang nakiisa ang mga mag-aaral, mga g**o at mga miyembro ng Barangay Pastoral Council (BPC) sa pagdarasal ng Banal na Rosaryo, bilang paghahanda para sa banal na pagdiriwang.

Sinundan ito ng isang Banal na Misa na inialay para sa Mahal na Birhen ng Peรฑafrancia at pinangunahan ni Rev. Fr. TJ Camba. Naging pagkakataon ito para sa buong komunidad ng paaralan na sama-samang manalangin, magpasalamat, at ipahayag ang kanilang debosyon kay Inรข.

Ang pagbisita ng banal na imahen ay bahagi ng serye ng mga gawaing isinasagawa bilang paghahanda sa nalalapit na kapistahan ni Nuestra Seรฑora de Peรฑafrancia, isa sa mga pinakainaabangang pagdiriwang ng pananampalataya sa Bicolandia.

Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat si Gng. Mary Care M. Lucilo, Punong G**o ng Mababang Paaralan ng Carolina, sa napakahalagang pagkakataong ipinagkaloob sa paaralan na madalaw at mapagpala ng banal na imahen ni Inรข. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng ganitong gawain sa pagpapalalim ng pananampalataya at pagkakaisa ng buong komunidad ng paaralan.

Naging posible ang makabuluhang pagbisitang ito sa pamamagitan ng inisyatiba ng Our Lady of Peรฑafrancia Mission Church, katuwang ang Barangay Pastoral Council (BPC) ng Barangay Peรฑafrancia at Barangay Dinoronan.

Sa pagdalaw ni Inรข sa Mababang Paaralan ng Carolina, muling nabigyang-diin ang diwa ng pananampalataya, panalangin, pagkakaisa, at debosyonโ€”mga pagpapahalagang patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa buong komunidad ng paaralan.

Viva la Virgen! Viva Inรข!

Mga kuha nina: Vincent M. Morano, Catherine P. Mias at Mary Care M. Lucilo


Paunawa: Ang lahat ng larawan ng mga mag-aaral na tampok ay ibinahagi nang may pahintulot ng kanilang mga magulang o tagapag-alaga, alinsunod sa mga umiiral na alituntunin sa pangangalaga sa pribadong impormasyon at proteksyon ng mga bata.

๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜Please be advised that there will be NO CLASSES on September 2, 2026 (Wednesday) for being a special (non-workin...
01/09/2026

๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜

Please be advised that there will be NO CLASSES on September 2, 2026 (Wednesday) for being a special (non-working) holiday in the Province of Albay in commemoration of Simeon Ola Day.

- Republic Act No. 11136

HAPPY 2026 SCIENCE MONTH!This September, let us celebrate the wonders of science and the power of innovation with the th...
31/08/2026

HAPPY 2026 SCIENCE MONTH!

This September, let us celebrate the wonders of science and the power of innovation with the theme, โ€œShaping the Future of Scientific Discovery through Artificial Intelligence.โ€

May we continue to nurture curiosity, embrace technology, and inspire the next generation of young scientists and innovators. Together, let us explore, discover, and shape a brighter future through science and AI!

Greetings from Carolina ES.

MALIGAYANG ARAW NG MGA PAMBANSANG BAYANI!Ngayong Araw ng mga Pambansang Bayani, ating gunitain at pasalamatan ang mga ba...
30/08/2026

MALIGAYANG ARAW NG MGA PAMBANSANG BAYANI!

Ngayong Araw ng mga Pambansang Bayani, ating gunitain at pasalamatan ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at paglilingkod para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bayan. Nawaโ€™y maging inspirasyon ang kanilang kabayanihan upang tayo rin ay maging bayani sa ating sariling paraan.

Pagbati mula sa Carolina ES.

๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜Please be advised that there will be NO CLASSES on August 31, 2026 (Monday) for being a regular (non-working) ho...
28/08/2026

๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜

Please be advised that there will be NO CLASSES on August 31, 2026 (Monday) for being a regular (non-working) holiday throughout the country for the observance of National Heroes Day.

- Proclamation No. 1006, s. 2025

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Community Tour ng Dinoronan Child Development Center, Isinagawa sa Mababang Paaralan ng CarolinaIsinagawa noon...
27/08/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Community Tour ng Dinoronan Child Development Center, Isinagawa sa Mababang Paaralan ng Carolina

Isinagawa noong Agosto 26, 2026, ganap na alas-9 ng umaga, ang Community Tour ng Dinoronan Child Development Center (Day Care) bilang bahagi ng paghahanda sa mga batang mag-aaral para sa kanilang susunod na yugto ng pag-aaral.

Isa sa mga lugar na binisita ng mga batang kalahok ang Mababang Paaralan ng Carolina, kung saan layunin ng nasabing Community Tour na maging pamilyar ang mga batang Day Care sa kapaligiran ng elementarya at matulungan silang maging handa sa kanilang magiging paglipat sa Kindergarten at Unang Baitang.

Sa kanilang pagbisita, nagkaroon ng pagkakataon ang mga bata na makita at makilala ang iba't ibang pasilidad, silid-aralan, at learning environment ng paaralan. Malugod silang tinanggap ng Mababang Paaralan ng Carolina sa pangunguna ni Gng. Mary Care M. Lucilo, Punong G**o.

Kabilang sa kanilang paglalakbay ang pagpasok at pag-iikot sa silid-aralan ng Kindergarten, kung saan masiglang nakipag-ugnayan ang mga batang Day Care sa mga mag-aaral na Kindergarten at sa Tagapayo ng Kindergarten na si G. Vincent M. Morano. Naging makabuluhan ang kanilang pakikisalamuha dahil nabigyan ang mga bata ng pagkakataong makita kung paano nagaganap ang pagkatuto at pakikisalamuha sa isang tunay na silid-aralan.

Ang mga kalahok sa aktibidad ay ang mga batang Day Care ng Dinoronan Child Development Center, na sinamahan ni Bb. Rachel Anne A. Ludovice, G**o sa Child Development, kasama ang kanilang mga magulang na nagsilbing katuwang sa pagpapanatili ng kaligtasan at wastong paggabay sa mga bata sa buong Community Tour.

Sa pamamagitan ng ganitong mga gawain, nabibigyan ang mga batang mag-aaral ng positibong karanasan at mas malinaw na pag-unawa sa kanilang magiging paaralan sa hinaharap. Higit sa lahat, nakatutulong ito upang mabawasan ang pangamba sa paglipat mula Day Care tungo sa Kindergarten at Unang Baitang at mahikayat silang harapin ang susunod na yugto ng kanilang pagkatuto nang may kumpiyansa at kasabikan.

Ang Mababang Paaralan ng Carolina ay nagpapasalamat sa Dinoronan Child Development Center sa pagsama sa kanilang paaralan bilang isa sa mga destinasyon ng kanilang Community Tour at sa patuloy na pagtutulungan para sa maayos at makabuluhang paghahanda ng mga batang mag-aaral.

Mag kuha ni: Rachel Anne A. Ludovice


Paunawa: Ang lahat ng larawan ng mga mag-aaral na tampok ay ibinahagi nang may pahintulot ng kanilang mga magulang o tagapag-alaga, alinsunod sa mga umiiral na alituntunin sa pangangalaga sa pribadong impormasyon at proteksyon ng mga bata.

MAWLID AL-NABI MUBARAKMainit na pagbati sa ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Maulid un-Nabi, bilang paggunit...
25/08/2026

MAWLID AL-NABI MUBARAK

Mainit na pagbati sa ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Maulid un-Nabi, bilang paggunita sa kapanganakan ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan). Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang makabuluhang pagdiriwang na ito upang patuloy nating isabuhay ang kapayapaan, habag, kabutihan, at pagkakaisa.

Nawaโ€™y pagpalain ng Allah ang inyong mga pamilya ng kapayapaan, kaligayahan, at kasaganaan.

Pagbati mula sa Carolina ES.

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | AICE Campus Care Gift-Giving for Growth and Learning, Isinagawa sa Mababang Paaralan ng CarolinaIsang makabulu...
24/08/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | AICE Campus Care Gift-Giving for Growth and Learning, Isinagawa sa Mababang Paaralan ng Carolina

Isang makabuluhang programa ng pagbabahagi at pakikipag-ugnayan sa komunidad ang isinagawa ng JUHETAI Corporation (AICE Legazpi) sa Mababang Paaralan ng Carolina noong Agosto 24, 2026, dakong alas-12:30 ng tanghali, sa pamamagitan ng AICE Campus Care Gift-Giving for Growth and Learning.

Bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) initiative ng kumpanya, layunin ng AICE Campus Care Program na palakasin ang pakikipag-ugnayan sa komunidad, itaguyod ang diwa ng sportsmanship, at maghatid ng saya sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng isang makabuluhang aktibidad ng pagbibigay.

Personal na nagtungo sa Mababang Paaralan ng Carolina ang pangkat ng AICE Legazpi upang ipamahagi ang AICE Ice Cream sa lahat ng mga mag-aaral at g**o ng paaralan. Ang simpleng handog na ito ay nagdulot ng tuwa at ngiti sa mga Carolinean, na naging bahagi ng isang masayang karanasan para sa buong komunidad ng paaralan.

Ipinakikita ng AICE Campus Care Program ang patuloy na pangako ng JUHETAI Corporation na makapag-ambag sa kapakanan at holistikong pag-unlad ng mga mag-aaral, gayundin sa pagtataguyod ng positibo at makabuluhang pakikipag-ugnayan sa mga institusyong pang-edukasyon.

Samantala, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Gng. Mary Care M. Lucilo, Punong G**o ng Mababang Paaralan ng Carolina, sa JUHETAI Corporation (AICE Legazpi) dahil sa pagkakapili ng kanilang paaralan bilang isa sa mga recipient-school ng programa.

Ang AICE Campus Care Gift-Giving Program ay nagsilbing patunay na sa pamamagitan ng malasakit, pakikipagtulungan, at pagbabahagi, mas napapalawak ang positibong epekto ng mga programa sa buhay ng mga mag-aaral at sa buong pamayanan.

Mga kuha nina: Jovelyn E. Bustamante, Mary Care M. Lucilo at Vincent M. Morano


Paunawa: Ang lahat ng larawan ng mga mag-aaral na tampok ay ibinahagi nang may pahintulot ng kanilang mga magulang o tagapag-alaga, alinsunod sa mga umiiral na alituntunin sa pangangalaga sa pribadong impormasyon at proteksyon ng mga bata.

๐๐ˆ๐†๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐๐’๐ˆ๐ | Gabay sa Kaligtasan: School Contingency Plan for Active Attacksโ€‹Para sa kaligtasan at kapakanan ng atin...
22/08/2026

๐๐ˆ๐†๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐๐’๐ˆ๐ | Gabay sa Kaligtasan: School Contingency Plan for Active Attacks

โ€‹Para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o, at buong komunidad ng paaralan, narito ang Quick Reference Guide mula sa DepEd hinggil sa mga nararapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng isang insidente o sakuna.

โ€‹Mga Pangunahing Hakbang sa Gabay na Ito:

โ€‹Pre-Incident (Paghahanda at Pag-iwas): Kabilangan ng pagtatag ng Incident Management Team (IMT), maagang babala, at pagsasagawa ng mga regular na safety drills.

โ€‹During Incident (The Response Framework - Run, Hide, Fight): Tamang pagtugon sakaling may banta sa labas (Lockout) o kailangang lumikas, magtago, o ipagtanggol ang sarili bilang huling solusyon.

โ€‹Law Enforcement & Medical Interaction: Kooperasyon sa mga awtoridad (PNP) at pagbibigay ng medikal na lunas sa ligtas na lugar.

โ€‹Post-Incident (Recovery & 4H Framework): Sistematikong muling pagkakasundo (Reunification), Psychological First Aid (PFA), at ang gabay ng Hinto, Hinga, Hinay, at Hayo para sa pagpapatuloy ng pag-aaral.

โ€‹Ang kahandaan ay susi sa kaligtasan ng bawat isa. Mangyaring basahin at pag-aralan ang gabay na ito. I-share ang post na ito para sa kaalaman ng lahat!

โ€‹

Address

Dinoronan
Daraga
4501

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639152086084

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RVAlbay Carolina ES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to RVAlbay Carolina ES:

Shortcuts

Share