19/10/2026
❤️ FEEDING PROGRAM SA PIELA ELEMENTARY SCHOOL – MAIN CAMPUS
Nagsagawa ng feeding program ang Piela Elementary School – Main Campus noong Biyernes, Oktubre 16, 2026, kung saan namahagi ng Jollibee meals sa 706 na benepisyaryo, kabilang ang mga mag-aaral, teaching at non-teaching personnel.
Taos-pusong pasasalamat kina Konsi Reztee Signo, Rhea Salle, at Joy Angustia ng RS Team sa kanilang kabutihang-loob at suporta na naghatid ng saya sa buong komunidad ng Piela.
Pinangunahan ang gawaing ito ng ating School Head na si Sherry T. Rodriguez, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng malasakit, pagkakaisa, at pangangalaga sa kapakanan ng bawat isa sa paaralan.
Maraming salamat sa pagbabahagi ng inyong biyaya at sa paghatid ng Jollibee meals na nagbigay ng ngiti at saya sa ating mga benepisyaryo! ❤️