03/09/2026
💧 BAGONG PARAAN NG ONLINE PAYMENT! 📱
Mas Madali. Mas Mabilis. Mas Convenient!
Para sa aming mga minamahal na Valued Customers, hatid ng HIRAYA WATER CORPORATION ang mas pinadali at mas convenient na paraan ng pagbabayad ng inyong water bill online gamit ang GCash.
📲 MAGBAYAD GAMIT ANG AMING OFFICIAL QR CODE!
Paano magbayad?
1️⃣ I-SCAN ANG QR CODE
I-scan ang aming official QR Code gamit ang inyong cellphone upang makapagpatuloy sa GCash payment process.
2️⃣ ILAGAY ANG PAYMENT AMOUNT
I-enter ang eksaktong halaga na nakalagay sa inyong kasalukuyang water bill.
3️⃣ ILAGAY ANG ATM REFERENCE NUMBER
Ilagay ang ATM Reference Number na makikita sa itaas na bahagi ng inyong water bill.
⚠️ MAHALAGANG PAALALA:
Ang ATM Reference Number ay unique sa bawat billing month. Iba po ang reference number sa bawat buwan.
Kung wala po kayong natanggap na water bill, hindi po maaaring gamitin ang online payment process dahil kinakailangan ang ATM Reference Number na nakalagay sa inyong kasalukuyang bill.
4️⃣ ILAGAY ANG ACCOUNT NUMBER
Ilagay ang inyong Account Number na makikita rin sa inyong water bill.
5️⃣ ILAGAY ANG ACTIVE EMAIL ADDRESS
Maglagay ng aktibong email address kung saan maaaring ipadala ang confirmation o reference ng inyong online payment transaction.
🔎 BAGO I-SUBMIT ANG PAYMENT:
Pakisigurado na tama ang inyong:
✔️ Payment Amount
✔️ ATM Reference Number
✔️ Account Number
✔️ Email Address
❗ Ang maling reference number o account information ay maaaring magdulot ng delay sa verification o pag-post ng inyong payment.
💙 Mas madali. Mas mabilis. Mas convenient!
Bayaran ang inyong water bill online gamit ang GCash.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala at pakikipagtulungan.
💧 HIRAYA WATER CORPORATION
Patuloy na naghahatid ng mas maayos at mas convenient na serbisyo para sa ating mga customer.