07/08/2026
𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐒𝐏𝐄𝐊𝐒𝐈𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐑𝐀𝐍𝐆𝐆𝐎 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐈𝐁𝐈𝐆𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐈𝐌𝐏𝐎𝐑𝐌𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐀𝐓 𝐄𝐃𝐔𝐊𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐖𝐀𝐍𝐈 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐍𝐆𝐔𝐍𝐀 𝐍𝐈 𝐒𝐉𝐎𝟒 𝐑𝐎𝐆𝐄𝐋𝐈𝐎 𝐃𝐄𝐋𝐀 𝐂𝐑𝐔𝐙, 𝐑𝐄𝐒𝐉𝐎
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga pamantayan sa disiplina at propesyonalismo sa hanay ng mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), nagsagawa si SJO4 Rogelio Dela Cruz, Regional Executive Senior Jail Officer (RESJO) ng Rank Inspection at Personnel Information and Education (PI&E) sa mga kawani ng Dasmarinas City Jail.
Layunin ng isinagawang Rank Inspection na tiyakin ang wastong pagsusuot ng itinakdang uniporme, insignia, at ranggo ng bawat kawani, alinsunod sa umiiral na mga tuntunin, regulasyon, at pamantayan ng BJMP. Isinagawa rin ang Personnel Information and Education upang maipabatid ang mahahalagang impormasyon, mga paalala, at mga direktibang naglalayong higit pang mapaigting ang disiplina, kaayusan, at kahusayan sa pagganap ng tungkulin.
Kasabay nito, nagsagawa rin si SJO4 Dela Cruz ng pag-iinspeksiyon sa pangkalahatang kalagayan ng piitan at nakipagpulong sa mga kawani upang personal na alamin ang kasalukuyang sitwasyon ng yunit at nagbigay ng mga kaukulang gabay at paalala upang higit pang mapahusay ang kalidad ng serbisyo at mapanatili ang mataas na antas ng kahandaan ng bawat kawani.
Ang gawaing ito ay sumasalamin sa patuloy na adhikain ng BJMP na mapanatili ang isang organisasyong may mataas na pamantayan ng disiplina, integridad, at propesyonalismo, na nagsisilbing matibay na saligan sa paghahatid ng ligtas, maayos, at makataong serbisyo sa publiko.
#𝑪𝒉𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏𝒈𝑳𝒊𝒗𝒆𝒔𝑩𝒖𝒊𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈𝑨𝑺𝒂𝒇𝒆𝒓𝑵𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏
BJMP Regional Office CALABARZON
PA Office Cavite Province