02/09/2026
‼️
📣 ANUNSYO PUBLIKO
Nagbibigay po ang aming tanggapan ng libreng dental service para sa pagbunot ng ngipin mula 6years old pataas.
📌 Mahalagang Paalala:
Walk-in Client po ang aming tinatanggap para sa dental check-up.
Schedule: Monday-Friday (8am-5pm)
Kailangan munang ma-assess ng aming Dentist ang kondisyon ng inyong ngipin bago kayo ma-schedule para sa pagbunot.
Narito po ang mga Barangay na maaring magtungo sa aming facility para sa Dental Services:
📍Burol Main
📍Langkaan 1 & 2
📍Sabang
📍Salitran 1, 2, 3, & 4
📍San Agustin 1, 2, & 3
📍Sampaloc 1, 2, 3, 4, & 5
📍San Jose
📍Zone 1A
📍Zone 1, 2, 3, & 4
📍Salawag
📍Paliparan 1, 2, & 3
Para naman sa mga hindi nakatira sa mga Barangay na nabanggit, maari po kayong makipag-ugnayan sa Dental Department ng Pagamutan ng Dasmariñas.
REQUIREMENTS
For Adult
1. Voter's ID
- Kung wala po, maari po kayong kumuha ng Voter's List sa inyong Barangay (original & photocopy)
2. Karagdagang Government Issued ID (original & photocopy)
For Minor
1. Voter's ID ng magulang
-Kung wala po, maari po kayong kumuha ng Voter's List sa inyong Barangay (original & photocopy)
2. Birth Certificate (photocopy)
3. Authorization letter kung hindi kasama ang magulang (original)
4. Karagdagang Government Issued ID ng magulang o guardian (original & photocopy)
Regular Operation: Monday to Friday, 8:00 AM to 5:00 PM
Sarado po kami tuwing Saturday, Sunday at Holiday.
📍 CHO-1 Address: D. Mangubat St., Brgy. Zone II (Dasma-Bayan)
📍 Landmark: Malapit sa Dasca Cable Main Office at Alcantara Subdivision